แชร์

Chapter 5

ผู้เขียน: Magenta
last update วันที่เผยแพร่: 2026-11-25 18:13:19

Kalmado lamang ang pagkakasabi ni Maisy, ngunit sapat iyon para lalong magalit si Yana. 

"How dare you say that, Maisy?!" inis na sabi ni Yana at kinuyom ang magkabilang kamay niya.

Maya-maya, itinaas ni Yana ang kamay para sampalin si Maisy. Ngunit saktong papasok naman si Nicolas kaya hindi na siya umiwas.

"Yana!" galit na sigaw ni Nicolas.

Agad na natigilan si Yana, at huminto sa ere ang nakataas niyang kamay.

Kasabay nito, biglang namuo ang mga luha sa mga mata ni Maisy. Kanina ay kalmado pa siya, ngunit ngayon ay mukha na siyang kawawang asawa na inaapi.

"Yana, I'm sorry. Pero wedding ring ko kasi 'to. Si Nicolas mismo ang nagsuot nito sa daliri ko noong kasal namin. Puwede bang huwag mo na lang kunin?"

Natulala si Yana sa biglang pagbabago ng ugali ni Maisy. Hindi niya akalaing ganoon ito kagaling magpanggap.

Bago pa siya makapagsalita, mabilis nang lumapit si Nicolas.

"Yana, anong ginagawa mo?"

Agad na bumangon si Maisy mula sa kama at yumakap kay Nicolas.

"Nicolas, sabi ni Yana, sa kaniya raw talaga ang ring na 'to. Gusto niyang ibalik ko sa kaniya. Pero this is our wedding ring, 'di ba? Ikaw mismo ang nagsuot nito sa daliri ko. Ayokong ibigay, kaya sinubukan niyang agawin."

Agad na nataranta si Yana.

"Hindi totoo 'yan, Nicolas! Siya mismo ang nagbigay sa akin ng singsing! Ayaw na raw niya nito!"

Napatingin si Nicolas sa kamay ni Maisy. Namumula ang daliri nito, na para bang sapilitang hinubad ang singsing. Hindi kailanman inalis ni Maisy ang singsing sa kaniyang daliri. Kahit naliligo, suot pa rin niya iyon. Kaya nang makita ng lalaki ang pamumula sa daliri ng asawa, lalo siyang naniwala sa sinabi nito.

Patuloy naman sa pag-iyak si Maisy.

"Nicolas, huwag mo nang sisihin si Yana. Kasalanan ko rin naman. Hindi ko kasi magawang makuha ang loob niya."

Napakuyom ang mga kamay ni Yana sa sobrang galit. Kanina ay ibang-iba ang ugali ni Maisy, pero ngayong nandito na si Nicolas, bigla itong nagkunwaring kawawa.

"Wow, grabe ang plastik mo talaga, Maisy! Nicolas, huwag kang maniwala sa kaniya!" galit niyang sigaw.

Lalong kumunot ang noo ni Nicolas.

"Yana, lumapit ka rito at humingi ka ng tawad sa asawa ko."

Nanlaki ang mga mata ni Yana.

"What? Gusto mong mag-sorry ako? Are you insane?!"

Malungkot na yumuko si Maisy bago muling nagsalita.

"Nicolas, huwag mo na siyang pagalitan. Kasalanan ko naman ang lahat."

Saglit siyang tumahimik bago tumingala sa asawa.

"Pero Nicolas, sinabi ni Yana na sa kaniya raw talaga ang singsing na 'to. Totoo ba 'yon?"

Nangingilid ang luha ni Maisy, na para bang anumang sandali ay iiyak na siya. Lalo tuloy siyang nagmukhang kawawa sa paningin ni Nicolas, kaya nakaramdam ito ng konsensiya. 

"Hindi. Huwag kang maniwala sa mga sinasabi niya."

"Pero sinabi rin niya na naging substitute wife mo lang daw ako. Totoo ba 'yon, Nicolas?" muling tanong ni Maisy bago tuluyang pumatak ang kaniyang mga luha.

Natigilan si Nicolas. Nang makita ang lungkot sa mukha ng asawa, hindi niya maiwasang makonsensiya. 

"Maisy, hindi..."

Ngunit bago pa makasagot si Nicolas, agad na nagsalita si Maisy.

"Hindi naman siguro totoo ang sinabi niya, 'di ba? Hindi mo naman ako pinakasalan dahil kamukha ko si Yana. Hindi mo naman ako ginawang substitute wife habang wala siya, tama ba?"

Lalong nagalit si Yana nang marinig iyon. Mabilis siyang lumapit sa dalawa.

"Ano bang sinasabi mo, Maisy?!"

Biglang sumeryoso ang mukha ni Nicolas.

"Yana, mabuti pa’t umuwi ka na muna."

Napabuntong-hininga si Yana. Hindi siya makapaniwalang siya pa ang pinapaalis nito.

"Mas naniniwala ka talaga sa kaniya kaysa sa akin, Nicolas?" inis na tanong ni Yana.

Nanatiling tahimik lang ang lalaki kaya napakagat si Yana sa labi bago dahan-dahang tumango.

"Alright I get it now…" aniya habang mas lalong humigpit ang pagkuyom ng mga kamay.

Pagkasabi noon, tumalikod si Yana at naglakad palabas. Sinadya niyang bagalan ang kaniyang mga hakbang, umaasang pipigilan siya ni Nicolas. Ngunit nang wala siyang marinig mula rito, hindi niya napigilang lumingon.

Doon niya nakita si Maisy na nakayakap pa rin kay Nicolas. Bahagya itong ngumiti sa kaniya bago dahan-dahang igalaw ang mga labi.

"Ang tanga mo," bulong na sabi ni Maisy.

Wala mang narinig si Yana pero malinaw niyang nabasa ang sinabi ni Maisy sa galaw ng mga labi nito. Lalong nag-init ang kaniyang ulo. Mahigpit niyang kinagat ang labi sa sobrang galit bago tuluyang tumakbo palabas ng kuwarto.

Napabuntong-hininga naman si Nicolas at marahang kumalas sa pagkakayakap ni Maisy.

"Maisy, bata pa si Yana. Marami pa siyang hindi naiintindihan. Huwag mo na lang dibdibin ang mga sinabi niya."

Napailing si Maisy sa isip. Twenty-one years old na si Yana. Hindi na siya bata para hindi malaman kung ano ang tama at mali. 

"Naiintindihan ko," mahinahon niyang sagot, hindi na siya nakipagtalo rito.

"Huwag mo na ring sabihin kay Lola ang nangyari. Kung may gusto kang kapalit, sabihin mo lang. Ako na ang babawi sa'yo para kay Yana."

Ayaw ni Nicolas na maparusahan na naman ng kaniyang lola si Yana. Kaya mas mabuti nang siya na lamang ang bumawi kay Maisy.

"Kapalit?" Bahagyang ngumiti si Maisy. "Paano kung gusto kong makipag-divorce at kunin ang kalahati ng mga ari-arian mo? Papayag ka ba?"

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Remarried to My Billionaire Ex!   Chapter 6

    Nagulat si Nicolas sa sinabi ng asawa. Saglit siyang natigilan bago napangiti, na para bang may narinig siyang nakakatawang biro."Hindi mo magagawa 'yon, Maisy. Hindi mo ako kayang iwan."Hindi na sumagot si Maisy. Bahagya lamang siyang ngumiti bago lumapit sa cabinet at kumuha ng dalawang dokumento."Ano 'yan?" tanong ni Nicolas."Tingnan mo na lang."Kinuha ni Nicolas ang mga dokumento at sinimulang buklatin. Ngunit bago pa niya mabasa ang laman ng mga iyon, biglang pumasok ang kaniyang assistant."Sir, bumili po si Miss Yana ng plane ticket papuntang America. Babalik na raw po siya roon."Agad na nagbago ang mukha ni Nicolas."Kailan?""Sa susunod na flight po. Nasa airport na si Miss Yana."Kumunot ang noo ni Nicolas. Halata ang pag-aalala sa kaniyang mukha. Mabilis siyang bumaling kay Maisy."Maisy, babasahin ko na lang 'to pagbalik ko.""Hindi puwede. Kailangan ko na 'yan ngayon."Saglit na tinitigan ni Nicolas ang asawa. Ngunit dahil nagmamadali siyang puntahan si Yana, hindi

  • Remarried to My Billionaire Ex!   Chapter 5

    Kalmado lamang ang pagkakasabi ni Maisy, ngunit sapat iyon para lalong magalit si Yana. "How dare you say that, Maisy?!" inis na sabi ni Yana at kinuyom ang magkabilang kamay niya.Maya-maya, itinaas ni Yana ang kamay para sampalin si Maisy. Ngunit saktong papasok naman si Nicolas kaya hindi na siya umiwas."Yana!" galit na sigaw ni Nicolas.Agad na natigilan si Yana, at huminto sa ere ang nakataas niyang kamay.Kasabay nito, biglang namuo ang mga luha sa mga mata ni Maisy. Kanina ay kalmado pa siya, ngunit ngayon ay mukha na siyang kawawang asawa na inaapi."Yana, I'm sorry. Pero wedding ring ko kasi 'to. Si Nicolas mismo ang nagsuot nito sa daliri ko noong kasal namin. Puwede bang huwag mo na lang kunin?"Natulala si Yana sa biglang pagbabago ng ugali ni Maisy. Hindi niya akalaing ganoon ito kagaling magpanggap.Bago pa siya makapagsalita, mabilis nang lumapit si Nicolas."Yana, anong ginagawa mo?"Agad na bumangon si Maisy mula sa kama at yumakap kay Nicolas."Nicolas, sabi ni Yan

  • Remarried to My Billionaire Ex!   Chapter 4

    Mahinang sumagot si Nicolas habang pinagmamasdan si Yana na umiiyak."Huwag kang magsalita nang ganyan, Yana. Mabuti siyang asawa, kaya...""So what? Wait, gusto mo ba siya? Matagal na kayong kasal ni Maisy, kahit minsan, may naramdaman ka ba para sa kaniya?"Natigilan si Nicolas. Bahagyang kumunot ang kaniyang noo, ngunit wala siyang naisagot. Agad naman na nagpatuloy si Yana."O, kita mo na? Kahit kaunting feelings, wala ka pa ring nararamdaman para sa kaniya. Hindi ka ba napapagod sa ganyang klaseng pagsasama?"Hindi nila alam na narinig ni Maisy ang buong usapan.Tahimik siyang nakatayo sa di-kalayuan. Kahit matagal na niyang alam ang totoo, masakit pa ring marinig na wala talagang nararamdaman si Nicolas para sa kaniya.Bahagya siyang ngumiti nang mapait. Mabuti na lang at hindi na siya umaasa sa pagmamahal ng asawa. Hindi na niya hinintay ang sagot ni Nicolas. Tahimik siyang tumalikod at bumalik sa kaniyang kuwarto.Samantala, marahang inilayo ni Nicolas si Yana sa kaniyang pagk

  • Remarried to My Billionaire Ex!   Chapter 3

    "Nicolas!"Biglang pumasok si Yana at kinakabahang hinawakan ang braso ni Nicolas."Nandito na si Lola! Paano na tayo? Natatakot ako. Sa tingin mo, tutuparin kaya ni Maisy ang pangako niya kahapon?"Napatingin si Nicolas kay Yana bago isinara ang folder na hawak niya at ibinalik iyon sa mesa."Huwag kang matakot. Mabait at masunurin si Maisy. Sigurado akong tutuparin niya ang pangako niya."Saktong pagpasok ni Maisy sa kuwarto, narinig niya ang sinabi ng asawa.Totoo naman. Sa tagal nilang magkasama, palagi siyang mabait at masunurin. Kaya siguro akala ni Nicolas, kahit ano ang gawin nito, hindi siya marunong magalit."Maisy? Saan ka galing?" tanong ni Nicolas nang makita siya.Nakasuot si Maisy ng hospital gown na may cardigan sa ibabaw. Dahil sa kapayatan at pamumutla niya, lalo siyang mukhang mahina."Sira ang gripo sa banyo, kaya sa labas ako naghugas ng kamay."Sumimangot si Yana nang makita siya."Akala ko tatakas ka na! Huwag mong kalimutan ang pangako mo kahapon. Sasabihin mo

  • Remarried to My Billionaire Ex!   Chapter 2

    Natigilan si Maisy. Hindi niya akalaing manggagaling sa sarili niyang asawa ang ganoong kahilingan.Gusto ni Nicolas na akuin niya ang kasalanan. Na para bang siya ang nagpumilit na pumunta sa isla at dapat siyang sisihin kung bakit muntik siyang mamatay.Napakagat sa labi si Maisy. Hanggang ngayon, hindi pa rin niya makalimutan ang takot na naramdaman habang nalulunod sa dagat. Akala niya, hindi na siya makakaligtas.Pero sa halip na alalahanin ang kalagayan niya, ang iniisip pa rin ni Nicolas ay kung paano mapoprotektahan si Yana.Hindi pa ba sapat na muntik na siyang mamatay? Kailangan pa ba niyang akuin ang kasalanan para lang hindi maparusahan si Yana?Gusto niyang magalit, pero pinigilan niya ang sarili at nagkunwaring nag-aalala."Paano kung ako ang parusahan ni Lola?""Pagtiisan mo na lang. Mas matanda ka kay Yana, kaya dapat ikaw ang umintindi at umako ng responsibilidad para sa kaniya."Napakagat sa labi si Maisy. Gusto niyang isumbat ang lahat ng ginawa ni Nicolas, pero ala

  • Remarried to My Billionaire Ex!   Chapter 1

    Muntik nang mamatay si Maisy nang tumaob ang kanilang yate sa gitna ng malakas na bagyo. Habang pilit niyang inililigtas ang sarili mula sa malalaking alon, nakita niya kung paano pinili ng asawa niyang si Nicolas Mondragon na iligtas si Yana habang siya ay iniwang malunod sa dagat.Mabuti na lang ay nakaligtas si Maisy. Hindi siya umiyak, nagalit, o nagreklamo sa asawa kaya nagtaka si Nicolas sa naging reaksyon nito."Maisy, sa tagal nating mag asawa, kahit kailan hindi ka pa nagreklamo sa akin."Napayuko si Maisy at mahigpit na kinuyom ang kaniyang mga kamay. Naalala niya kung paano inagaw ni Nicolas ang kaniyang life jacket para ibigay kay Yana, habang siya ay iniwang mag-isang lumaban sa malalakas na alon kanina.Masakit isipin na sa oras na kailangan niya ang sariling asawa, ibang babae pa rin ang pinili nitong iligtas.Gusto niyang magalit. Gusto niyang itanong kung wala ba talagang halaga ang buhay niya para rito. Ngunit pinigilan niya ang sarili at pilit na nilunok ang sakit n

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status