แชร์

Chapter 2

ผู้เขียน: Magenta
last update วันที่เผยแพร่: 2026-11-25 18:11:15

Natigilan si Maisy. Hindi niya akalaing manggagaling sa sarili niyang asawa ang ganoong kahilingan.

Gusto ni Nicolas na akuin niya ang kasalanan. Na para bang siya ang nagpumilit na pumunta sa isla at dapat siyang sisihin kung bakit muntik siyang mamatay.

Napakagat sa labi si Maisy. Hanggang ngayon, hindi pa rin niya makalimutan ang takot na naramdaman habang nalulunod sa dagat. Akala niya, hindi na siya makakaligtas.

Pero sa halip na alalahanin ang kalagayan niya, ang iniisip pa rin ni Nicolas ay kung paano mapoprotektahan si Yana.

Hindi pa ba sapat na muntik na siyang mamatay? Kailangan pa ba niyang akuin ang kasalanan para lang hindi maparusahan si Yana?

Gusto niyang magalit, pero pinigilan niya ang sarili at nagkunwaring nag-aalala.

"Paano kung ako ang parusahan ni Lola?"

"Pagtiisan mo na lang. Mas matanda ka kay Yana, kaya dapat ikaw ang umintindi at umako ng responsibilidad para sa kaniya."

Napakagat sa labi si Maisy. Gusto niyang isumbat ang lahat ng ginawa ni Nicolas, pero alam niyang wala rin itong patutunguhan.

Kaya matapos ang ilang sandaling pananahimik, masunurin siyang tumango.

"Okay."

Bahagyang kumunot ang noo ni Nicolas. Nang makita ang maputla at pagod na mukha ng asawa, nakaramdam siya ng kaunting awa.

"Alam kong marami kang pinagdaanan, Maisy. Heto ang thirty million pesos bilang kabayaran. Alagaan mong mabuti ang sarili mo."

Inabot ni Nicolas ang isang tseke, at walang pag-aalinlangang tinanggap iyon ni Maisy.

Kung noon ito nangyari, siguradong masasaktan siya. Iisipin niyang pera lang ba talaga ang halaga ng buhay niya sa asawa. Pero ngayon, iba na. Kung hindi naman niya makukuha ang pagmamahal ni Nicolas, mas mabuti nang tanggapin ang perang ibinibigay nito.

Nagulat si Nicolas sa naging reaksiyon niya. Hindi man lang ito tumanggi o nagpakita ng sama ng loob. May gusto pa sana siyang sabihin, ngunit pinili na lamang niyang manahimik.

"Magpahinga ka muna. Hindi ko puwedeng iwan si Yana ngayon. Kailangan niya ako."

Tahimik na yumuko si Maisy. Hindi na siya nagtanong kung paano naman siya, dahil alam na niya ang sagot.

***

Pagkaalis nina Nicolas at Yana, tahimik na itinago ni Maisy ang tseke. Maya-maya, dumating ang matalik niyang kaibigan na si Bea Torres.

"Finally, gising ka na! Jusko, Maisy! Sobrang nag-alala ako sa'yo! Tapos nakita ko pang umalis si Nicolas kasama si Yana. Seriously? Hindi man lang siya nag-stay dito kahit alam niyang muntik ka nang mamatay?"

Mapait na ngumiti si Maisy. 

"Muntik na nga akong mamatay, Bea." Mahinang sumagot si Maisy bago hinila pataas ang kaniyang kumot. Kahit ligtas na siya sa ospital, hindi pa rin niya makalimutan ang lamig ng tubig-dagat at ang takot na naramdaman habang unti-unti siyang lumulubog.

"Mabuti na lang at may nagligtas sa'yo. Nakita mo ba kung sino 'yon?" tanong ni Bea.

Umiling si Maisy.

Napakabilis ng mga pangyayari. Ang tanging naaalala niya ay ang isang malaking kamay na mahigpit na humawak sa kaniyang pulsuhan bago siya tuluyang mawalan ng malay.

Ngunit may kung anong pamilyar sa kamay na iyon.

Bigla niyang naalala ang dati niyang boyfriend na si Logan Valiente. Hindi naging maganda ang paghihiwalay nila noon. Nang bumalik ang babaeng matagal nang mahal ni Logan, bigla na lamang nakipaghiwalay si Maisy rito nang walang paliwanag.

Kaya kahit naroon si Logan noong aksidente, malamang na hindi rin siya nito ililigtas.

"Hindi ko siya namukhaan nang maayos."

Saglit na natahimik si Maisy bago muling tumingin sa kaibigan.

"Bea, gusto ko nang makipag-divorce."

Nanlaki ang mata ni Bea. "Divorce? Dahil ba ito kay Yana?"

Mapait na ngumiti si Maisy. "Oo."

"Pero Maisy, three years na kayong kasal ni Nicolas. Kahit bumalik si Yana, hindi naman dapat maapektuhan ang marriage ninyo. Pag-isipan mo munang mabuti."

"Napag-isipan ko na. Sigurado na ako sa desisyon ko.”

Hindi na nagdalawang-isip si Maisy. Muntik na siyang mamatay dahil sa pagpili ni Nicolas kay Yana. Kung nagawa siyang pabayaan nito ngayon, paano pa kaya sa susunod? Ayaw na niyang hintayin pang tuluyan siyang mawalan ng buhay bago matauhan.

Bukod doon, bago pa bumalik si Yana, may nakita na siyang diamond ring sa closet ni Nicolas. Nakatago iyon sa isang velvet box, at nang tingnan niya, napansin niyang hindi iyon kasya sa kaniyang daliri.

Alam niyang hindi para sa kaniya ang singsing. Sino pa ba ang pagbibigyan ni Nicolas kundi si Yana?

Malamang ay matagal na ring balak ng asawa na makipag-divorce. Kaya mas mabuting siya na ang maunang makipaghiwalay.

"Tulungan mo akong humanap ng lawyer na gagawa ng divorce agreement. Pati resignation letter ko, ipagawa mo na rin."

Nanlaki ang mga mata ni Bea.

"What? Magre-resign ka rin sa Mondragon Group?"

"Oo. Kung maghihiwalay na rin lang kami, mas mabuting putulin ko na ang lahat ng koneksyon ko sa kaniya."

***

Kinabukasan, ipinadala ni Bea ang mga dokumentong kailangan ni Maisy. Nasa loob ng folder ang divorce agreement at resignation letter niya.

"Ise-send ko na lang sa'yo mamaya ang contact number ng lawyer. Kung may gusto kang baguhin sa divorce agreement, kausapin mo na lang siya," sabi ni Bea sa telepono.

"Okay. Thank you, Bea,” ani Maisy habang hawak niya ang divorce agreement.

Tahimik na nakatingin si Maisy sa labas ng bintana habang inaalala ang tatlong taon nilang pagsasama ni Nicolas.

Sa simula pa lang, alam na niyang hindi siya mahal ng asawa. Pero umasa pa rin siyang sa tagal ng panahon, matututo rin itong magmalasakit sa kaniya.

Ngunit nang maalala niya kung paano inagaw ni Nicolas ang kaniyang life jacket para iligtas si Yana, tuluyan nang nawala ang pag-asang iyon.

Doon niya naintindihang kahit asawa siya ni Nicolas, hindi ibig sabihin ay mahalaga siya sa buhay nito.

Kung wala rin namang halaga ang buhay niya sa sariling asawa, bakit pa siya mananatili? Bakit pa niya ipaglalaban ang kasal na siya lang naman ang nagpapahalaga?

***

Pagsapit ng hapon, bumalik si Nicolas sa ospital para dalawin si Maisy.

Ngunit pagpasok niya sa kuwarto, wala siyang nadatnan. Wala roon ang asawa.

Kumunot ang kaniyang noo habang lumilingon sa paligid. Maya-maya, napansin niya ang isang folder na nakapatong sa mesa.

Lumapit siya at binuksan iyon.

Nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita ang laman nito.

Isang divorce agreement.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Remarried to My Billionaire Ex!   Chapter 6

    Nagulat si Nicolas sa sinabi ng asawa. Saglit siyang natigilan bago napangiti, na para bang may narinig siyang nakakatawang biro."Hindi mo magagawa 'yon, Maisy. Hindi mo ako kayang iwan."Hindi na sumagot si Maisy. Bahagya lamang siyang ngumiti bago lumapit sa cabinet at kumuha ng dalawang dokumento."Ano 'yan?" tanong ni Nicolas."Tingnan mo na lang."Kinuha ni Nicolas ang mga dokumento at sinimulang buklatin. Ngunit bago pa niya mabasa ang laman ng mga iyon, biglang pumasok ang kaniyang assistant."Sir, bumili po si Miss Yana ng plane ticket papuntang America. Babalik na raw po siya roon."Agad na nagbago ang mukha ni Nicolas."Kailan?""Sa susunod na flight po. Nasa airport na si Miss Yana."Kumunot ang noo ni Nicolas. Halata ang pag-aalala sa kaniyang mukha. Mabilis siyang bumaling kay Maisy."Maisy, babasahin ko na lang 'to pagbalik ko.""Hindi puwede. Kailangan ko na 'yan ngayon."Saglit na tinitigan ni Nicolas ang asawa. Ngunit dahil nagmamadali siyang puntahan si Yana, hindi

  • Remarried to My Billionaire Ex!   Chapter 5

    Kalmado lamang ang pagkakasabi ni Maisy, ngunit sapat iyon para lalong magalit si Yana. "How dare you say that, Maisy?!" inis na sabi ni Yana at kinuyom ang magkabilang kamay niya.Maya-maya, itinaas ni Yana ang kamay para sampalin si Maisy. Ngunit saktong papasok naman si Nicolas kaya hindi na siya umiwas."Yana!" galit na sigaw ni Nicolas.Agad na natigilan si Yana, at huminto sa ere ang nakataas niyang kamay.Kasabay nito, biglang namuo ang mga luha sa mga mata ni Maisy. Kanina ay kalmado pa siya, ngunit ngayon ay mukha na siyang kawawang asawa na inaapi."Yana, I'm sorry. Pero wedding ring ko kasi 'to. Si Nicolas mismo ang nagsuot nito sa daliri ko noong kasal namin. Puwede bang huwag mo na lang kunin?"Natulala si Yana sa biglang pagbabago ng ugali ni Maisy. Hindi niya akalaing ganoon ito kagaling magpanggap.Bago pa siya makapagsalita, mabilis nang lumapit si Nicolas."Yana, anong ginagawa mo?"Agad na bumangon si Maisy mula sa kama at yumakap kay Nicolas."Nicolas, sabi ni Yan

  • Remarried to My Billionaire Ex!   Chapter 4

    Mahinang sumagot si Nicolas habang pinagmamasdan si Yana na umiiyak."Huwag kang magsalita nang ganyan, Yana. Mabuti siyang asawa, kaya...""So what? Wait, gusto mo ba siya? Matagal na kayong kasal ni Maisy, kahit minsan, may naramdaman ka ba para sa kaniya?"Natigilan si Nicolas. Bahagyang kumunot ang kaniyang noo, ngunit wala siyang naisagot. Agad naman na nagpatuloy si Yana."O, kita mo na? Kahit kaunting feelings, wala ka pa ring nararamdaman para sa kaniya. Hindi ka ba napapagod sa ganyang klaseng pagsasama?"Hindi nila alam na narinig ni Maisy ang buong usapan.Tahimik siyang nakatayo sa di-kalayuan. Kahit matagal na niyang alam ang totoo, masakit pa ring marinig na wala talagang nararamdaman si Nicolas para sa kaniya.Bahagya siyang ngumiti nang mapait. Mabuti na lang at hindi na siya umaasa sa pagmamahal ng asawa. Hindi na niya hinintay ang sagot ni Nicolas. Tahimik siyang tumalikod at bumalik sa kaniyang kuwarto.Samantala, marahang inilayo ni Nicolas si Yana sa kaniyang pagk

  • Remarried to My Billionaire Ex!   Chapter 3

    "Nicolas!"Biglang pumasok si Yana at kinakabahang hinawakan ang braso ni Nicolas."Nandito na si Lola! Paano na tayo? Natatakot ako. Sa tingin mo, tutuparin kaya ni Maisy ang pangako niya kahapon?"Napatingin si Nicolas kay Yana bago isinara ang folder na hawak niya at ibinalik iyon sa mesa."Huwag kang matakot. Mabait at masunurin si Maisy. Sigurado akong tutuparin niya ang pangako niya."Saktong pagpasok ni Maisy sa kuwarto, narinig niya ang sinabi ng asawa.Totoo naman. Sa tagal nilang magkasama, palagi siyang mabait at masunurin. Kaya siguro akala ni Nicolas, kahit ano ang gawin nito, hindi siya marunong magalit."Maisy? Saan ka galing?" tanong ni Nicolas nang makita siya.Nakasuot si Maisy ng hospital gown na may cardigan sa ibabaw. Dahil sa kapayatan at pamumutla niya, lalo siyang mukhang mahina."Sira ang gripo sa banyo, kaya sa labas ako naghugas ng kamay."Sumimangot si Yana nang makita siya."Akala ko tatakas ka na! Huwag mong kalimutan ang pangako mo kahapon. Sasabihin mo

  • Remarried to My Billionaire Ex!   Chapter 2

    Natigilan si Maisy. Hindi niya akalaing manggagaling sa sarili niyang asawa ang ganoong kahilingan.Gusto ni Nicolas na akuin niya ang kasalanan. Na para bang siya ang nagpumilit na pumunta sa isla at dapat siyang sisihin kung bakit muntik siyang mamatay.Napakagat sa labi si Maisy. Hanggang ngayon, hindi pa rin niya makalimutan ang takot na naramdaman habang nalulunod sa dagat. Akala niya, hindi na siya makakaligtas.Pero sa halip na alalahanin ang kalagayan niya, ang iniisip pa rin ni Nicolas ay kung paano mapoprotektahan si Yana.Hindi pa ba sapat na muntik na siyang mamatay? Kailangan pa ba niyang akuin ang kasalanan para lang hindi maparusahan si Yana?Gusto niyang magalit, pero pinigilan niya ang sarili at nagkunwaring nag-aalala."Paano kung ako ang parusahan ni Lola?""Pagtiisan mo na lang. Mas matanda ka kay Yana, kaya dapat ikaw ang umintindi at umako ng responsibilidad para sa kaniya."Napakagat sa labi si Maisy. Gusto niyang isumbat ang lahat ng ginawa ni Nicolas, pero ala

  • Remarried to My Billionaire Ex!   Chapter 1

    Muntik nang mamatay si Maisy nang tumaob ang kanilang yate sa gitna ng malakas na bagyo. Habang pilit niyang inililigtas ang sarili mula sa malalaking alon, nakita niya kung paano pinili ng asawa niyang si Nicolas Mondragon na iligtas si Yana habang siya ay iniwang malunod sa dagat.Mabuti na lang ay nakaligtas si Maisy. Hindi siya umiyak, nagalit, o nagreklamo sa asawa kaya nagtaka si Nicolas sa naging reaksyon nito."Maisy, sa tagal nating mag asawa, kahit kailan hindi ka pa nagreklamo sa akin."Napayuko si Maisy at mahigpit na kinuyom ang kaniyang mga kamay. Naalala niya kung paano inagaw ni Nicolas ang kaniyang life jacket para ibigay kay Yana, habang siya ay iniwang mag-isang lumaban sa malalakas na alon kanina.Masakit isipin na sa oras na kailangan niya ang sariling asawa, ibang babae pa rin ang pinili nitong iligtas.Gusto niyang magalit. Gusto niyang itanong kung wala ba talagang halaga ang buhay niya para rito. Ngunit pinigilan niya ang sarili at pilit na nilunok ang sakit n

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status