แชร์

Chapter 3

ผู้เขียน: Magenta
last update วันที่เผยแพร่: 2026-11-25 18:11:43

"Nicolas!"

Biglang pumasok si Yana at kinakabahang hinawakan ang braso ni Nicolas.

"Nandito na si Lola! Paano na tayo? Natatakot ako. Sa tingin mo, tutuparin kaya ni Maisy ang pangako niya kahapon?"

Napatingin si Nicolas kay Yana bago isinara ang folder na hawak niya at ibinalik iyon sa mesa.

"Huwag kang matakot. Mabait at masunurin si Maisy. Sigurado akong tutuparin niya ang pangako niya."

Saktong pagpasok ni Maisy sa kuwarto, narinig niya ang sinabi ng asawa.

Totoo naman. Sa tagal nilang magkasama, palagi siyang mabait at masunurin. Kaya siguro akala ni Nicolas, kahit ano ang gawin nito, hindi siya marunong magalit.

"Maisy? Saan ka galing?" tanong ni Nicolas nang makita siya.

Nakasuot si Maisy ng hospital gown na may cardigan sa ibabaw. Dahil sa kapayatan at pamumutla niya, lalo siyang mukhang mahina.

"Sira ang gripo sa banyo, kaya sa labas ako naghugas ng kamay."

Sumimangot si Yana nang makita siya.

"Akala ko tatakas ka na! Huwag mong kalimutan ang pangako mo kahapon. Sasabihin mo kay Lola na ikaw ang nagpumilit na pumunta tayo sa isla."

Tahimik na bumalik si Maisy sa kaniyang kama at sinulyapan si Yana.

Nakasuot si Yana ng isang mamahaling white designer dress habang nakatayo sa tabi ni Nicolas. May halong pagmamataas ang tingin nito kay Maisy, na para bang ipinagyayabang na kahit ano ang mangyari, siya pa rin ang palaging pipiliin ng lalaki. 

Nakaramdam ng inis si Maisy, ngunit hindi niya iyon ipinahalata.

"Huwag kang mag-alala, Yana. Hindi ako tatakas."

Hindi nagtagal, dumating ang lola ni Nicolas.

Tahimik na yumuko si Maisy at nanatiling masunurin sa harap ng matanda. Nang makita ang maputla niyang mukha, agad itong naawa.

"Kawawa naman ang apo ko. Maisy, sabihin mo kay Lola, sino ba ang nakaisip na pumunta kayo sa isla? Hindi ba ninyo tiningnan ang weather forecast?"

Namula ang mga mata ni Maisy. Saglit niyang sinulyapan si Nicolas bago muling yumuko sa harap ng matanda. Maya-maya, tumulo ang kaniyang mga luha.

"Lola, kasalanan ko po ang lahat. Alam kong may paparating na bagyo, pero pinilit ko pa rin sina Nicolas at Yana na sumama sa akin sa isla. Kung hindi inunang iligtas ni Nicolas si Yana nang tumaob ang yate, baka napahamak siya. Lola, I'm sorry. Kasalanan ko po talaga ang lahat. Parusahan n'yo na lang po ako..."

Agad namang lumapit si Yana.

"Totoo po, Lola. Kung hindi kami pinilit ni Maisy na sumama, hindi sana kami napahamak ni Nicolas. Masyadong matigas lang talaga ang ulo ni Maisy."

Hindi pa man natatapos magsalita si Yana, biglang nagbago ang mukha ng matanda. Humarap ito sa dalaga at malakas siyang sinampal.

Pak!

Umalingawngaw ang malakas na sampal sa buong kuwarto. Napakasarap niyon sa pandinig ni Maisy, pero pinigilan niyang mapangiti.

Napahawak si Yana sa kaniyang namumulang pisngi. Nanlaki ang mga mata niya, hindi makapaniwala sa nangyari.

"Lola, bakit po...?"

"May gana ka pang sisihin si Maisy? Kababalik mo pa lang sa bansa, puro gulo na agad ang dala mo! Huwag mong isiping hindi ko alam kung sino talaga ang may pakana ng pagpunta ninyo sa isla!"

"Lola, tama na po!" mariing tawag ni Nicolas habang sinusubukang pigilan ang matanda.

Galit na humarap ang matanda kay Nicolas.

"Ipinagtatanggol mo pa talaga siya ha, Nicolas? Akala mo ba maloloko ninyo ako kung si Maisy ang aako ng kasalanan? Kilalang-kilala ko si Maisy! Mabait at masunurin ang batang 'yan. Hindi niya kayo pipiliting pumunta sa isla kung alam niyang may paparating na bagyo!"

Dahan-dahang bumaba si Maisy mula sa kama at hinawakan ang braso ng matanda.

"Lola, huminahon na po kayo."

Ngunit sa isip niya, mas mabuti sana kung sasampalin pa nito si Yana nang isa pang beses. Mukhang hindi pa rin kasi natututo ito.

"Maisy, apo, huwag mo akong pigilan," tugon ng matanda.

Sadyang nagpaluha si Maisy at nagpanggap na umuubo. Dahil sa maputla niyang mukha, lalo siyang nagmukhang kawawa sa paningin ng matanda.

"Nicolas Mondragon! Tingnan mo nga ang nangyari sa asawa mo nang dahil sa kaniya!" galit na itinuro ng matanda si Yana.

Sa kabilang banda, hawak pa rin ni Yana ang kaniyang pisngi habang patuloy na umiiyak. Mahigpit niyang kinagat ang labi upang pigilan ang sama ng loob. 

"Alam ko namang ayaw sa akin ni Lola. Kasalanan ko ang lahat. Nagalit kayo dahil bumalik ako. Sige babalik na lang ako sa Amerika ngayon din..."

Pagkasabi noon, tumakbo palabas si Yana habang hawak ang namumulang pisngi.

Agad sanang susundan siya ni Nicolas nang biglang sumigaw ang kaniyang lola.

"Nicolas Mondragon! Nakakalimutan mo na ba kung sino ang asawa mo?!"

Napalingon si Nicolas kay Maisy, na nanghihinang nakatayo sa tabi ng matanda.

Saglit siyang nagdalawang-isip. Ngunit sa huli, pinili pa rin niyang sundan si Yana.

Lalong nagalit ang matanda nang makita iyon. Ngunit nang bumaling siya kay Maisy, napalitan ng awa at lungkot ang kaniyang galit.

"Pasensiya ka na, apo. Ang dami mo nang pinagdaanan. Pababalikin ko si Nicolas at sisiguraduhin kong aalagaan ka niya hanggang makalabas ka sa ospital."

Umiling si Maisy. Bago pa siya makapagsalita, tuluyan nang tumulo ang kaniyang mga luha.

Ngunit sa pagkakataong ito, hindi na siya nagpapanggap.

Totoo na ang mga luha niya.

Masakit pa ring makita na kahit sa harap ng kanilang lola, mas pinili ni Nicolas na habulin si Yana kaysa manatili sa tabi niya.

"Lola, ayos lang po ako. Hindi naman po ako nahihirapan..."

Napabuntong-hininga ang matanda.

Mabait, magalang, at masunurin si Maisy. Sa bahay man o sa labas, palagi siyang maayos makitungo sa iba at lagi niyang inuuna ang magandang pangalan ng pamilya Mondragon.

Dahil dito, mahal na mahal siya ng matanda.

Ang tanging nakapanghihinayang lamang ay sa kabila ng lahat ng ginawa ni Maisy, hindi niya pa rin nakuha ang puso ni Nicolas.

Matagal pang nakipag-usap ang matanda kay Maisy habang hawak ang kamay nito bago tuluyang umalis.

Nang maiwang mag-isa, nakaramdam si Maisy ng pagkabagot sa loob ng kuwarto. Maganda rin ang sikat ng araw sa labas, kaya naisipan niyang maglakad-lakad muna.

Pagdating ni Maisy sa garden ng ospital, nakita niyang biglang yumakap si Yana kay Nicolas. Saglit na natigilan ang lalaki, ngunit hindi naman niya ito itinulak palayo.

Umiiyak na nagsalita si Yana.

"Nicolas, sa tingin mo, sinadya ni Maisy 'yon? Hindi naman talaga niya gustong akuin ang kasalanan. Nagpapanggap lang siyang mabait! Ang plastic niya! Nicolas, ayoko talaga sa kaniya. Please, hiwalayan mo na siya!"

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Remarried to My Billionaire Ex!   Chapter 6

    Nagulat si Nicolas sa sinabi ng asawa. Saglit siyang natigilan bago napangiti, na para bang may narinig siyang nakakatawang biro."Hindi mo magagawa 'yon, Maisy. Hindi mo ako kayang iwan."Hindi na sumagot si Maisy. Bahagya lamang siyang ngumiti bago lumapit sa cabinet at kumuha ng dalawang dokumento."Ano 'yan?" tanong ni Nicolas."Tingnan mo na lang."Kinuha ni Nicolas ang mga dokumento at sinimulang buklatin. Ngunit bago pa niya mabasa ang laman ng mga iyon, biglang pumasok ang kaniyang assistant."Sir, bumili po si Miss Yana ng plane ticket papuntang America. Babalik na raw po siya roon."Agad na nagbago ang mukha ni Nicolas."Kailan?""Sa susunod na flight po. Nasa airport na si Miss Yana."Kumunot ang noo ni Nicolas. Halata ang pag-aalala sa kaniyang mukha. Mabilis siyang bumaling kay Maisy."Maisy, babasahin ko na lang 'to pagbalik ko.""Hindi puwede. Kailangan ko na 'yan ngayon."Saglit na tinitigan ni Nicolas ang asawa. Ngunit dahil nagmamadali siyang puntahan si Yana, hindi

  • Remarried to My Billionaire Ex!   Chapter 5

    Kalmado lamang ang pagkakasabi ni Maisy, ngunit sapat iyon para lalong magalit si Yana. "How dare you say that, Maisy?!" inis na sabi ni Yana at kinuyom ang magkabilang kamay niya.Maya-maya, itinaas ni Yana ang kamay para sampalin si Maisy. Ngunit saktong papasok naman si Nicolas kaya hindi na siya umiwas."Yana!" galit na sigaw ni Nicolas.Agad na natigilan si Yana, at huminto sa ere ang nakataas niyang kamay.Kasabay nito, biglang namuo ang mga luha sa mga mata ni Maisy. Kanina ay kalmado pa siya, ngunit ngayon ay mukha na siyang kawawang asawa na inaapi."Yana, I'm sorry. Pero wedding ring ko kasi 'to. Si Nicolas mismo ang nagsuot nito sa daliri ko noong kasal namin. Puwede bang huwag mo na lang kunin?"Natulala si Yana sa biglang pagbabago ng ugali ni Maisy. Hindi niya akalaing ganoon ito kagaling magpanggap.Bago pa siya makapagsalita, mabilis nang lumapit si Nicolas."Yana, anong ginagawa mo?"Agad na bumangon si Maisy mula sa kama at yumakap kay Nicolas."Nicolas, sabi ni Yan

  • Remarried to My Billionaire Ex!   Chapter 4

    Mahinang sumagot si Nicolas habang pinagmamasdan si Yana na umiiyak."Huwag kang magsalita nang ganyan, Yana. Mabuti siyang asawa, kaya...""So what? Wait, gusto mo ba siya? Matagal na kayong kasal ni Maisy, kahit minsan, may naramdaman ka ba para sa kaniya?"Natigilan si Nicolas. Bahagyang kumunot ang kaniyang noo, ngunit wala siyang naisagot. Agad naman na nagpatuloy si Yana."O, kita mo na? Kahit kaunting feelings, wala ka pa ring nararamdaman para sa kaniya. Hindi ka ba napapagod sa ganyang klaseng pagsasama?"Hindi nila alam na narinig ni Maisy ang buong usapan.Tahimik siyang nakatayo sa di-kalayuan. Kahit matagal na niyang alam ang totoo, masakit pa ring marinig na wala talagang nararamdaman si Nicolas para sa kaniya.Bahagya siyang ngumiti nang mapait. Mabuti na lang at hindi na siya umaasa sa pagmamahal ng asawa. Hindi na niya hinintay ang sagot ni Nicolas. Tahimik siyang tumalikod at bumalik sa kaniyang kuwarto.Samantala, marahang inilayo ni Nicolas si Yana sa kaniyang pagk

  • Remarried to My Billionaire Ex!   Chapter 3

    "Nicolas!"Biglang pumasok si Yana at kinakabahang hinawakan ang braso ni Nicolas."Nandito na si Lola! Paano na tayo? Natatakot ako. Sa tingin mo, tutuparin kaya ni Maisy ang pangako niya kahapon?"Napatingin si Nicolas kay Yana bago isinara ang folder na hawak niya at ibinalik iyon sa mesa."Huwag kang matakot. Mabait at masunurin si Maisy. Sigurado akong tutuparin niya ang pangako niya."Saktong pagpasok ni Maisy sa kuwarto, narinig niya ang sinabi ng asawa.Totoo naman. Sa tagal nilang magkasama, palagi siyang mabait at masunurin. Kaya siguro akala ni Nicolas, kahit ano ang gawin nito, hindi siya marunong magalit."Maisy? Saan ka galing?" tanong ni Nicolas nang makita siya.Nakasuot si Maisy ng hospital gown na may cardigan sa ibabaw. Dahil sa kapayatan at pamumutla niya, lalo siyang mukhang mahina."Sira ang gripo sa banyo, kaya sa labas ako naghugas ng kamay."Sumimangot si Yana nang makita siya."Akala ko tatakas ka na! Huwag mong kalimutan ang pangako mo kahapon. Sasabihin mo

  • Remarried to My Billionaire Ex!   Chapter 2

    Natigilan si Maisy. Hindi niya akalaing manggagaling sa sarili niyang asawa ang ganoong kahilingan.Gusto ni Nicolas na akuin niya ang kasalanan. Na para bang siya ang nagpumilit na pumunta sa isla at dapat siyang sisihin kung bakit muntik siyang mamatay.Napakagat sa labi si Maisy. Hanggang ngayon, hindi pa rin niya makalimutan ang takot na naramdaman habang nalulunod sa dagat. Akala niya, hindi na siya makakaligtas.Pero sa halip na alalahanin ang kalagayan niya, ang iniisip pa rin ni Nicolas ay kung paano mapoprotektahan si Yana.Hindi pa ba sapat na muntik na siyang mamatay? Kailangan pa ba niyang akuin ang kasalanan para lang hindi maparusahan si Yana?Gusto niyang magalit, pero pinigilan niya ang sarili at nagkunwaring nag-aalala."Paano kung ako ang parusahan ni Lola?""Pagtiisan mo na lang. Mas matanda ka kay Yana, kaya dapat ikaw ang umintindi at umako ng responsibilidad para sa kaniya."Napakagat sa labi si Maisy. Gusto niyang isumbat ang lahat ng ginawa ni Nicolas, pero ala

  • Remarried to My Billionaire Ex!   Chapter 1

    Muntik nang mamatay si Maisy nang tumaob ang kanilang yate sa gitna ng malakas na bagyo. Habang pilit niyang inililigtas ang sarili mula sa malalaking alon, nakita niya kung paano pinili ng asawa niyang si Nicolas Mondragon na iligtas si Yana habang siya ay iniwang malunod sa dagat.Mabuti na lang ay nakaligtas si Maisy. Hindi siya umiyak, nagalit, o nagreklamo sa asawa kaya nagtaka si Nicolas sa naging reaksyon nito."Maisy, sa tagal nating mag asawa, kahit kailan hindi ka pa nagreklamo sa akin."Napayuko si Maisy at mahigpit na kinuyom ang kaniyang mga kamay. Naalala niya kung paano inagaw ni Nicolas ang kaniyang life jacket para ibigay kay Yana, habang siya ay iniwang mag-isang lumaban sa malalakas na alon kanina.Masakit isipin na sa oras na kailangan niya ang sariling asawa, ibang babae pa rin ang pinili nitong iligtas.Gusto niyang magalit. Gusto niyang itanong kung wala ba talagang halaga ang buhay niya para rito. Ngunit pinigilan niya ang sarili at pilit na nilunok ang sakit n

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status