KISMET
Akala ko, ang pinakamahirap na parte ng pagiging maid ay ang maglinis ng napakalaking mansyon.
Hindi pala.
Mas mahirap palang pigilan ang sarili kong mahulog sa pinaka-irritable, pinaka-pilyo, at pinaka-guwapong boss na nakilala ko.
Ako si Ariana Samonte, ang bagong maid ni Primo Valasquez—isang batang billionaire CEO na perfectionist, sobrang bossy, at mahilig mang-asar. Lahat ng maid niya ay kusang umaalis dahil sa ugali niya.
Ako?
Hindi ako susuko.
Kung gusto niya ng perpektong maid, ipapakita kong kaya kong sabayan ang bawat kapritso niya. Pero habang tumatagal, parang hindi na lang paglilinis ang ipinapagawa niya sa akin. Mula sa pagsama sa mga business event bilang fake assistant, hanggang sa pagiging alibi niya sa mga babaeng naghahabol sa kanya, unti-unting nagiging magulo ang simpleng trabaho ko.
At mas lalo pang gumulo nang magsimula ang mapanganib naming kasunduan...
Isang buwan.
Walang iibig.
Walang selosan.
At bawal mahulog sa sariling tukso.
Madaling sabihin.
Pero paano kung ang lalaking akala kong masungit lang ay marunong palang maging sobrang sweet kapag kaming dalawa lang ang magkasama?
Paano kung ang bawat titig, bawat biro, at bawat "accidental" na paglalapit namin ay unti-unting sumisira sa lahat ng itinakda naming rules?
Sa larong nagsimula bilang amo at katulong...
Sino ang unang aamin?
At sino ang unang masasaktan kapag lumabas ang sikreto kung bakit ako talaga napunta sa bahay ni Primo Valasquez?