Romance

Filter By

Content words
All<30k30k-50k50k-100k>100k
Sort By

PopularRecommendationRatesUpdated
Pinagtagpo ng Tadhana(Rex and Sandara love story) - Romance novels & stories
Ilocano writer
Dahil sa pekeng larawan,pumayag sa hiwalayan si Sandara sa kanyang asawa'ng si Caleb Cruz.At lahat ng iyon ay kagagawan ng ina at kababata ng asawa. Hindi niya akalain—sa tatlong taon nilang pagsasama,sa isang larawan,paninira ng ina at kababata ng asawa—lahat ng iyon ay nasayang.Ngunit wala siyang pagsisisi sa kanyang naging desisyon.Hindi rin nito sinabe ang tungkol sa dinadala dahil alam niyang hindi rin siya paniniwalaan ng asawa. At sa kanyang pag-alis,nakilala naman niya si Rex Santillan.Nakasabay nito sa mismong sinakyan niya at nakatabi pa sa upuan. Parang tadhana ang naglapit sa kanilang dalawa,dahil matapos ang isang aksidenteng paglalapat ng kanilang labi,doon nagsimula ang lahat.Naging malapit sila sa isa't-isa at nagtiwala. Naging maayos ang pagsasama nila sa iisang bubong,nanligaw si Rex kay Sandara,tinanggap ang pinagbubuntis nito, inaalagaan at pinapasaya araw-araw. Ngunit sabe nga nila.Kapag masaya na kayo,doon lamang magkakaroon ng malaking problema. Nagkaroon ng Reunion ang Pamilya Santillan at Cruz.Kaya hindi niya inaasahan na muling maglalandas ang tagpo ng dating mag-asawa.At napag alamanan din niyang pinsan pala ni Rex ang dating asawa. Lumuhod at nagmakaawa si Caleb kay Sandara na magkabalikan na sila.Ngunit hindi pumayag si Sandara. Nang malaman ni Caleb na may anak si Sandara at tugma ang taon at buwan ng bata—ginamit niya iyon upang mapapayag na makipag balikan sa kanya. Ano ang gagawin ni Sandara? At paano siya tutulungan ni Rex?
10
3
The Billionaire’s Runaway Nanny - Romance novels & stories
VelvetProse
Puno ng mga pangarap ang dalagang si Aya. At ang tanging hiling niya ay mabigyan ng mas maayos na buhay ang kanyang ina matapos pumanaw ang kanyang ama. Pero ang mga pangarap na iyon ay isa-isang gumuho nang muling umibig at nag-asawa ang kanyang ina, at kasabay no’n, tila tuluyan na rin itong nagbago. Ang dating anak na labis nitong minahal ay unti-unting naging dahilan ng galit at selos. Dahil sa pagmamahal ng kanyang bagong asawa kay Sandra, nagsimulang makita ng kanyang ina ang sariling anak bilang karibal, hanggang sa tuluyan na siyang itaboy sa sarili nilang tahanan. Ngunit hindi roon nagtapos ang kanyang bangungot. Nang tangkain siyang abusuhin ng kanyang stepfather, wala na siyang ibang pagpipilian kundi ang tumakas. Mag-isang hinarap ni Sandra ang mundo, walang matakbuhan at walang kasiguraduhan kung saan magsisimula ulit. Habang naglalakad sa gitna ng kanyang pinakamadilim na yugto, isang hindi inaasahang pagtatagpo ang magbabago ng lahat. Sa isang tulay, makikilala niya ang isang misteryosong lalaki, isang estrangherong maaaring maging simula ng kanyang paghilom… o ng panibagong unos sa kanyang buhay.
5
Revenge Marriage with My Ex's Billionaire Brother - Romance novels & stories
Agatha WP
MATAGAL nang boyfriend ni Wreyella Valeros si Alistair pero hindi niya alam na may lihim palang relasyon ang lalaki sa kapatid niya sa ama na si Ciara, at nabuntis pa ito. Pinilit siya ng kanyang mga magulang gamit ang magkahalong pakiusap at pananakot. Gusto ng mga itong sumuko na lang siya, ang tanggapin na lang nang buo ang relasyon ng dalawa na parang wala siyang karapatang masaktan. Umabot pa sa punto na gumawa ang sarili niyang pamilya ng maruming kwento. Pinagbintangan nila si Wreyella na nakaparalisa ng pasyente sa pamamagitan ng acupuncture para lang iligtas at protektahan si Ciara kaya nasuspinde siya sa trabaho. Dahil sa pambihirang galing niya sa acupuncture, lumapit si Raegan Santander kay Wreyella. Ang sikat at makapangyarihang chairman ng R&R Co. mula sa kabilang lungsod ay personal siyang binisita para lang maipagamot ang sakit sa binti ng lolo nito. Sa mismong gabi ng engagement party nina Alistair at Ciara, bumagsak ang mundo ni Wreyella sa isang hindi inaasahang katotohanan. Nalaman niya na ang kalmado at seryosong chairman na madalas sumulpot para tulungan at protektahan siya ay ang nakatatandang kapatid pala ng ex-boyfriend niyang nagtaksil sa kanya. Sinubukan niyang lumayo, pero hindi niya matakasan ang mga diskarte ng lalaki para mapalapit sa kanya. "Kahit magsama tayo, pamilya pa rin natin sina Alistair at Ciara," sabi ni Wreyella. Hinila siya ni Raegan nang mas malapit para yakapin nang mahigpit, habang marahang hinahaplos ng mga daliri nito ang kanyang buhok upang pakalmahin siya. "Kung ganoon, hayaan mong ako ang maging pamilya mo, Wreyella," sabi nito sa malalim at seryosong boses.
3
I'M THE RICHEST MAN IN DISGUISE  - Romance novels & stories
Mr. Kupido
"Hello, Food delivery," sagot ni Jeric sa isang propesyonal na tono. Ngunit isang seryosong boses ng matanda ang nanggaling sa kabilang linya. "Señorito Jeric, ang iyong tatlong taong pagsasanay at pagpapakumbaba sa pamilya Monterey ay opisyal nang natapos ngayong araw. Nabili na ni Don Israel ang Capital Horizon Group at inayos na ang lahat para maging bagong Chairman ka nito." "Mabuti kung ganun," maikling tugon ni Jeric. Nagpatuloy ang matanda sa kabilang linya. "Gusto ring malaman ni Don kung dapat na bang pormal na ipakilala si Mariela sa pamilya bilang isa sa mga tagapagmana ng bilyun-bilyong ari-arian?" Mapait na napangisi si Jeric. "Ipapakilala siya? 'Wag na. Hindi siya karapat-dapat." Ibinaba ni Jeric ang telepono, pinitik ang accelerator, at mabilis na humarurot sa gitna ng abalang kalsada ng Maynila.
3
Spring in the midst of Winter - CELESTIAL  02 - Romance novels & stories
Aphelion Riloa Pres
Spring Salvejo has spent her entire life surviving under the cruel hands of her stepfather. To pay off a debt that wasn't hers, she was forced into the neon-lit shadows of a dark club—a life of rhythmic pain she never chose. When she finally escaped and found refuge as a house aid in the Celestial Sanctuary, she thought she had finally found peace. But the peace was fragile as glass. Trapped by her own trauma and coerced into becoming a spy for the ruthless Mr. Chua, Spring became a prisoner of her own fear. In the midst of her silent terror, one sound kept her grounded: the soulful, haunting notes from the guitar of Orion Vargas, the lead guitarist of the global sensation CELESTIAL. To the world, Orion is the "Fairy Prince," but to Spring, he was the only music in her desolate world. Through her secret confession to Haven (The Shadow Reaper), Spring found an unexpected anchor in Orion. When the smoke cleared and the war against Silas ended, Spring made a heartbreaking choice. She chose to vanish—carrying with her secret love and a silent vow. She didn't leave to run away; she left to rebuild herself from the ashes. Now, as Orion searches for the star that lit up his darkest winter, Spring is transforming into a version of herself the world isn't ready for. "In the midst of Orion’s frozen desolation, Spring is the only flame that can thaw his heart—but how do you find a star that has chosen to hide in the shadows?"
3
ARRANGED MARRIAGE WITH THE GAY CEO  - Romance novels & stories
Miss R
Dahil sa matalik na pagkakaibigan ng mga magulang ni Jessica at Jericho, bata pa lang ay naka-ukit na ang kanilang tadhanang ipakasal sa pagsapit ng tamang panahon. Pero hindi umayon sa plano ang lahat dahil natuklasan ni Jerichong lalake rin ang gusto nito kaya ginawa nya ang lahat para lamang hindi matuloy ang nalalapit nilang kasal ng childhood friend nitong si Jessica na ilang taon na nyang hindi nakikita. Pero kahit na anong gawin nila ay natuloy pa rin ang kasal. Dahil kapwa nila ayaw ang ikasal sa isa't isa ay naging aso't pusa ang kanilang pagsasama sa iisang bahay. Hindi magkasundo sa kahit na maliit na bagay at palaging nagbabangayan. Mauuwi ba sa pag-iibigan ang kasalanang hindi nila gusto? At mababago ba ng pagmamahal ang pusong mamon ng binata? Sundan ang magulo, maingay at nakakaaliw na buhay mag-asawa ng baklang CEO at ng babaeng matagal ng pangarap na maikasal.
4
Runaway Bride: Kissed By The Domineering Billionaire  - Romance novels & stories
miesyu
Matapos tumakas sa isang kasalang ipinilit sa kanya, umaasa si Cella na magsisimula na ang kanyang bagong buhay sa lungsod. Ngunit sa mismong unang gabi ng kanyang kalayaan, muntik nang maagaw ang lahat nang lokohin siya ng isang walang lisensyang driver na nagtangkang pagsamantalahan siya. Sa kabila ng kanyang inosenteng anyo, hindi basta sumusuko si Cella. Lumaban siya nang buong tapang at nagawang makatakas, kahit sugatan, umiiyak, at walang ibang malapitan. Habang desperadong tumatakbo sa gitna ng gabi, isang marangyang restaurant ang nagsilbing huling pag-asa niya. Doon niya nakilala si Henry Reyes—isang makapangyarihan, malamig, at matagumpay na negosyanteng naniniwalang ang kasal ay isa lamang kasunduan para sa kapangyarihan. Habang naghahanda siyang makipagkita sa babaeng napili ng kanyang pamilya bilang mapapangasawa, biglang sumulpot sa kanyang harapan ang isang babaeng nakasuot pa ng pulang damit-pangkasal, umiiyak at humihingi ng tulong. Isang pagtatagpong hindi inaasahan ang maaaring tuluyang magbago sa kapalaran nilang dalawa. Sa pagitan ng isang babaeng tumatakas sa itinakdang kapalaran at isang lalaking walang puwang ang pag-ibig sa puso, maaari bang ang isang gabing puno ng panganib ang maging simula ng isang kuwentong hindi nila kailanman inasahan?
2
After My Divorce, My Ex Watched Me Marry Another Billionaire - Romance novels & stories
Mademoiselle
Dalawang taong minahal ni Celeste ang lalaking hindi kailanman siya pinili. Sa likod ng kanilang kasal ay isang masakit na katotohanan, isa lamang siyang asawa sa papel habang ang puso ng kanyang asawa ay pag-aari ng iba. Ngunit nang tuluyan na siyang bumitaw, isang misteryosong bilyonaryong CEO ang tahimik na pumasok sa kanyang buhay. Habang sinusubukan niyang buuin muli ang sarili, unti-unti niyang matutuklasan na may isang lalaking matagal nang nagmamahal sa kanya... mula pa noong hindi niya ito napapansin. Kapag napagtanto ng dating asawa ang halaga ng babaeng binalewala niya, huli na ba ang lahat? O nakatakda na talaga si Celeste para sa lalaking matagal nang naghihintay sa kanya?
4
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status