Romance

フィルター条件

コンテンツワード
全て<30k30k-50k50k-100k>100k
並べ替え

人気のあるおすすめ評価更新
Ang Runaway Maid Ng Bilyonaryo - Romance 小説 & 故事
Drama
Independent
Billionaire
EMNOTYOU
Isang gabi, duguan at tumatakas si Althea "Thea" Dimaculangan sa mga taong gustong bumili sa kanyang buhay. Sa gitna ng desperasyon, literal siyang bumagsak sa tapat ng sasakyan ng isang lalaking hindi marunong maawa. Si Marcus Aurelius Montenegro—isang makapangyarihang bilyonaryo na kilalang malamig, suplado, at ayaw na ayaw na hinahawakan siya ng kahit sinong babae. Sa takot na maibalik sa impiyernong tinakasan, naging personal na kasambahay si Thea sa mansyon ni Marcus. Isang buwan lang ang palugit sa kanya ng bilyonaryo—huwag magpapakalat-kalat, huwag magnanakaw, at higit sa lahat, huwag siyang hahawakan. Pero paano kung isang gabi, sa gitna ng matinding bangungot, ang takot na takot na bilyonaryo mismo ang humila sa kanya sa kama at nakiusap na huwag siyang aalis? Paano mo tatakasan ang isang gintong kulungan kung ang mismong may-ari nito ang ayaw kang pakawalan?
3
The Billionaire's Restraint: Falling For His Business Wife - Romance 小説 & 故事
Dark Romance
Girl Power
Arrogant
Vielia
“We’re just getting what we need, Astherielle. Huwag mo akong kukulitin unless it’s absolutely necessary. It’s that simple.” Iyan ang malamig na deklarasyon ni Radleigh Ross noong araw na pirmahan nila ang kanilang kasunduan. Isang purong transaksyon lang ang lahat—isang kasal sa papel para iligtas ang pamilya ng dalaga mula sa pagkabangkarote, kapalit ng batang dinadala nito. Nilinaw ng bilyonaryo na walang espasyo ang emosyon sa pagitan nilang dalawa. Ngunit sadyang mapangahas at walang takot si Astherielle. Balewala sa kaniya ang mga banta ng lalaki, ginawa niyang misyon ang basagin ang tila yelong kontrol nito sa sarili. Hanggang sa isang gabi... Umuwi si Radleigh nang hatinggabi mula sa isang business dinner, ngunit sinalubong siya ng kabuuang kadiliman. Sa loob ng marangyang silid, mahimbing na natutulog si Astherielle—walang pakialam at tila hindi napansin ang kaniyang pagkawala. Sa unang pagkakataon, ang seryoso at mailap na bilyonaryo ay tuluyang nawalan ng pagtitimpi. Nilamon ng isang biglaang selos at mapanganib na pag-aari, marahas na hinila ni Radleigh ang kaniyang kurbata at idinikit ang katawan ng dalaga sa kaniyang dibdib. Bumaon ang malaki niyang kamay sa baywang nito, habang ang kaniyang madidilim na mata ay nag-aalab sa pagnanasa habang pinipilit si Astherielle na bigkasin ang pangalan niya nang paulit-ulit sa gitna ng gabi. Kapos sa hininga at namumula ang mga pisngi sa galit, pilit humiyaw ni Astherielle. “Radleigh, bitawan mo ako! Hindi ba't kasosyo lang tayo sa negosyo?!” Isang mapanganib na ngisi ang sumilay sa mga labi ng lalaki habang inilalapit ang mukha sa dalaga. “Business partners? Honey, that literally includes your body and your soul.” Akala niya, madali niya itong matatanggihan. Ngunit sa sandaling tumigil ang dalaga sa paghabol sa kaniya, doon niya napagtanto na tuluyan na siyang naging alipin ng babaeng isinumpa niyang kailanman ay hindi niya iibigin.
4
Ang Lihim Na Kambal Ng Bilyonaryong Piloto - Romance 小説 & 故事
Drama
Secretary
Billionaire
GABIHAN
Sa mismong gabi ng engagement niya, nahuli ni Althea Solene ang kanyang fiancé at sariling stepsister na nagtataksil sa kanya. Masakit pa rito, pinagtulungan siya ng sariling pamilya, inalisan ng mana, at pinalayas na parang basura. Sa tindi ng sakit at kagustuhang makalimot, nagpakalunod si Sol sa alak at binalot ng init sa piling ng isang misteryoso at guwapong estranghero. Pero bago pa sumikat ang araw, tumakas siya nang walang paalam. Makalipas ang isang buwan, isang malaking sorpresa ang bumago sa kanyang tadhana—buntis siya sa kambal. Upang iligtas ang mga sanggol mula sa kanyang mapagsamantalang pamilya, pinili niyang maglaho at magtago sa malayo. Pagkalipas ng limang taon, nagbalik si Sol bilang sekretarya sa isang sikat na airline company. Ngunit laking gulat niya nang mapag-alaman na ang bilyonaryong CEO at Senior Captain na matagal nang naghahanap sa kanya ay ang lalaki noong gabing 'yon—si Captain Tyler Jaxith Arevalo. Nang magtagpo ang kanilang mga mata, hindi lang si Sol ang nakita ni Jax, kundi ang dalawang batang kamukhang-kamukha niya. Mapoprotektahan pa ba ni Sol ang kanyang lihim, o tuluyan na ba siyang mahuhulog sa mga kamay ng bilyonaryong piloto na walang balak pakawalan siya muli?
3
The Surgeon's Regret: Chasing His Runaway Wife - Romance 小説 & 故事
Drama
Doctor
Genius Baby
KAYE
Para kay Samara, ang kasal niya sa bilyonaryong neurosurgeon at CEO na si Dr. Cassian Valdez ay isang magandang panagini—hanggang sa matuklasan niya ang masakit na katotohanan. “I never loved her. She’s just a tool for my family. ​Durog ang puso, ibinuhos ni Samara ang lahat ng natitirang pagmamahal sa isang mapusok na huling gabi bago siya tuluyang umalis nang walang paalam. Ang hindi alam ni Cassian, iniwan niya ang mansyon na may bitbit na lihim— buntis siya sa anak nito. Limang taon ang lumipas. Ang dating martir na asawa ay nagbabalik na bilang si Aria—isang sikat at mayamang jewelry designer. Kasama niya ang apat na taong gulang na si Altair, isang bibo at matalinong bata na kamukhang-kamukha ng lalaking nanakit sa kaniya. ​Sa isang engrandeng exhibition, muli silang nagkaharap. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi na papayag si Samara na tapak-tapakan uli. Todo-tanggi siya sa katotohanan, habang ang aroganteng doktor ay lumuluhod na ngayon sa harap niya para magmakaawa. Kaya ba ng isang tusong bata na paglapitin ang magulang niya, o tuluyan nang isasara ni Samara ang kanyang puso? Hanggang saan ang kayang gawin ng isang nagsisising bilyonaryo para bawiin ang pamilyang tinapon niya?
2
One Last Time - Romance 小説 & 故事
Contemporary
Dark Romance
CEO
MIKS DELOSO
Sobrang inlove si Venice Ray kay Romer Rodrique mula pa kolehiyo. Nang maging asawa niya ito, akala niya’y natupad na ang pangarap. Tatlong taon nilang pagsasama ang pinakamasaya niyang panahon… hanggang sa gabing marinig niya mismo sa bibig ng asawa ang katotohanan. “Si Olive ang mahal ko. Si Venice? Stand-in lang.” Nawasak ang mundo ni Venice. Sa kabila ng sakit, pinatatag niya ang sarili. Nang gabing iyon, habang lasing silang dalawa, pinilit niyang ipirma ni Romer ang divorce papers. Bago sumikat ang araw, iniwan niya ang wedding ring, isang sulat, at ang lahat ng alaala nila. At dala-dala niya ang pinakamalaking lihim — ang triplets na bunga ng kanilang huling gabi. Tatlong taon ang lumipas. Ngayon, isa nang matagumpay na businesswoman si Venice, at ang tatlong anak na kamukha ni Romer ang kanyang buong mundo. Akala niya’y tapos na ang lahat. Pero sa isang charity gala, muling nagkita ang kanilang landas. Nang makita ni Romer ang tatlong bata na hawak-hawak ang kamay ni Venice, parang tumigil ang mundo niya. Galit, pagsisisi, at matinding pagmamay-ari ang sumiklab sa dibdib ng dating CEO. “Venice… those are my children?” Ngumiti si Venice nang malamig, ang mga matang dating puno ng pag-ibig ay ngayon ay puno na ng galit. “Oo, Romer. Pero hindi mo na sila pagmamay-ari. Tulad nang pagmamay-ari mo sa akin noon — isang stand-in lang.” Ngunit paano kung ang lalaking minsan nang sinira ang puso niya ay handang ibigay ang lahat para mabawi sila? At paano kung ang lihim ng triplets ay maging susi para muling buksan ang pinto ng kanilang nakaraan?
3
前へ
1
...
303304305306307308
あなたも気に入るかもしれません
My Beautiful Stepsister
My Beautiful Stepsister
LGBTQ+ · Naya06
11.1K ビュー
Mistake I won't Regret
Mistake I won't Regret
LGBTQ+ · Ansh Marie Toperz
11.1K ビュー
The Indecent Proposal
The Indecent Proposal
LGBTQ+ · Ansh Marie Toperz
10.6K ビュー
Take you out (BL - Taglish)
Take you out (BL - Taglish)
LGBTQ+ · DauntlessThird
9.8K ビュー
Owned By A Mafia Boss
Owned By A Mafia Boss
LGBTQ+ · Amorevolous Encres
9.7K ビュー
The Mafia Boss' Nemesis
The Mafia Boss' Nemesis
LGBTQ+ · Corazone
9.3K ビュー
新作
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status