Jd Martis
Anim na taon na ang lumipas mula nang maghiwalay sina Celestine at Alessandro dahil sa isang malaking hindi pagkakaunawaan. Akala ni Celestine ay niloko siya ng kanyang ex na si Alessandro, kaya pinili niyang lumayo at iwan ang pagmamahalang minsan nilang binuo. Ngayon, desperate na siyang makahanap ng trabaho at magsimulang muli.
Ngunit bago ang kanyang interview, natulungan niya ang isang batang nangangailangan ng tulong, hindi niya alam na si Sophia pala iyon, ang adopted daughter ng kanyang ex na si Alessandro Virelli, isang billionaire CEO.
Isang malaking gulat ang naghihintay sa kanya nang malaman niyang ang kumpanyang pupuntahan niya para sa interview ay pagmamay-ari mismo ni Alessandro. The moment she sees him again, gusto na niyang umatras. Ayaw niyang makatrabaho ang lalaking minsan nang sumira sa kanyang puso, ngunit hindi siya hinayaang umalis ni Sophia.
Dahil sa kabutihang ipinakita ni Celestine sa kanya, nagpumilit ang bata na siya ang kuning personal secretary. Kahit ilang beses tumanggi si Celestine, hindi sumuko si Sophia. In the end, dahil kailangan niya rin ng trabaho para magsimulang muli, tinanggap niya ang posisyon.
Habang pilit niyang inilalayo ang sarili kay Alessandro, gagawin naman nito ang lahat upang maipaliwanag ang nakaraan at muling mapalapit sa kanya. With Sophia’s playful schemes and adorable interventions, unti-unting bumabalik ang damdamin ng dalawang taong minsang nagmahalan.
Ngunit habang sinusubukan nilang ayusin ang nakaraan, haharapin nila ang mga lihim, maling akala, at sakit na susubok kung ang pagmamahalang minsang nawala ay kaya pa nilang matagpuan muli.