Sweet Chillie
Si Quin Della Famosa, kilala rin sa tawag na Agent Della, isang pribadong sundalo sa ilalim ng isang Private Military na kilalang Falcon Organization.
Nagsisilbi siya na may iisa silang hangarin, labanan ang lumalaganap na mga krimen sa bansa sa ilalim ng pribadong ahensya.
May likas siyang abilidad na makipagsabayan sa mga kalalakihan. Siya'y namuhay nang walang takot mula sa nakaraang masalimuot na naging ugat kung sino siya sa kasalukuyan.
Nang isang araw nagtagpo ang landas nila ni Henrick Montegarde, binatang kilala sa larangan ng negosyo at tanyag din sa larangan ng sining.
Naranasan ng binata ang lupit ng kayang gawin ng isang palabang dalaga dahil sa nagawang kapusukan isang gabi na hindi niya sinasadya, ngunit nagdulot na ng hindi magandang impresyon sa dalaga.
Lingid din sa kaalaman niya ang nakatapat isa palang mahusay na sundalong magaling sa larangan ng pakikipaglaban, kaya nakuha nito ang labis niyang interes.
Pero papaano kaya niya paaamuhin si Quin na matigas, at mas matapang pa kaysa sa lalaki? At makuha naman kaya niya ang puso nitong kay ilap at kasing tigas ng bato?
322