whiskerwords
Sa ikatlong anibersaryo ng kanilang kasal ay excited na ibinalita ni Sarina Saavedra sa asawang si Damon Zamora na magkakaanak na sila. Pero sa halip na matuwa si Damon sa balitang buntis ang asawa ay naglapag pa ito ng isang tseke na naglalaman ng sampung bilyong piso para lamang ipalaglag ni Sarina ang bata.
Sa gulat ni Sarina ay hindi lamang gusto ng asawa na ipalaglag ang bata sa sinapupunan niya. Kasabay ng utos nito na ipalaglag ang sarili nitong anak ay naglapag din si Damon ng divorce papers para tuluyang tapusin ang kasal nila.
Sarina badly wanted to keep their baby, so she decided to flee. Tinakasan niya ang asawang si Damon at ang masaganang buhay na nakasanayan niya sa piling nito at lumipad papunta sa bansang New York.
Pagkalipas ng limang taon ay muling bumalik si Sarina sa Pilipinas kasama ang kambal na anak na pilit niyang binuhay lingid sa kaalaman ng asawang si Damon.
Sarina is now a renowned doctor. Successful, confident at higit sa lahat ay wala na ang takot sa dating asawa.
Hindi akalain ni Sarina na ang kambal na anak pa mismo ang gagawa ng paraan para mag-krus ang landas ng mga ito at ng ama.
Nang makilala ni Damon ang kambal ay gusto siya nitong balikan at muling pakasalan para maging ama sa mga anak pero hindi nagdalawang isip si Sarina na tumanggi sa alok nito.
“Dream on, Damon. Wala kang anak dito!” Malamig na singhal ni Sarina.
At mukhang hindi lang si Sarina ang kailangang suyuin ni Damon. Mukhang pati ang kambal na sina Luke at Luna ay kailangan niyang suyuin dahil kagaya ng dating asawa ay kinamumuhian din siya ng mga ito.
355