Cate Coco
Si Alessandra ay labing-walong taong gulang at papasok na sa kolehiyo. Habang inaayos pa ang condo na inilaan ng mga magulang niya para sa kanyang pag-aaral, doon muna siya tumuloy sa kanyang ate sa Maynila. Lumipad kasi muli ang mga magulang nila para sa panibagong honeymoon na hindi na rin niya mabilang kung pang-ilan na.
Dahil bata at walang anumang karanasan, nadala si Alessandra kanyang emosyon at panandaliang pagnanasa hanggang sa mahulog siya sa sarili niyang bayaw. Kinalaunan, nakilala niya si Rafael, isang lalaking may magandang status sa buhay at tila nasa kanya na ang lahat. Akala niya ay nakatagpo na siya ng bagong pag-ibig, ngunit muling nawasak ang kanyang puso nang matuklasan ang nakakadiring totoong pagkatao nito.
Dahil sa matinding pagkabigo, nakitira muna siya sa bahay ng kaibigan niya para magpalipas ng sama ng loob. Pero doon pa niya nakasalubong ang taong ayaw na ayaw niyang makita, habang gustong-gusto niyang malaman ang totoo mula kay Rafael.
Sa tulong ng kaibigan niya, nalaman niya ang masalimuot na katotohanan. May lihim na relasyon pala si Rafael sa girlfriend ng kuya ng kaibigan niya, habang ang kuya naman nito ay matagal nang may lihim na pagtingin kay Alessandra.
161