Margaux Wilde
Hindi maintindihan ni Issa kung bakit sa dinami-rami ng p’wedeng mapansin ng boss niyang si Santiago ay siya pa talaga ang napagdiskitahan nito. Si Issa, na isang hamak ng intern. Average girl, certified overthinker at professional delulu.
Ang problema? Hindi niya ito gusto. Kasi, gustung-gusto niya ito! Pero oy, hindi naman ibig sabihin no’n na paniniwalaan na agad niya na seryoso si Santi sa kanya. Kasi diba, bakit nga siya?
At nagtanong pa raw siya, eh siya nga ‘tong sumakay sa mga pa-cute ng boss at sinabayan ang kalandian nito. Pero malay ba naman ni Issa na more than landian pala ang gustong mangyari ni Daddy Santi?
Si Santiago Cortez kasi ang klase ng lalaking dapat ay pang-boss lang. Arogante, topakin, pero sobrang guwapo. Also, kayang-kayang bumili ng isang building o higit pa - at siguro na pati kaluluwa niya, kung afford nito. Oo nga pala, babaero itong numero uno. At si Issa? Tipikal na intern na dapat nagta-trabaho lang at hindi nagpapantasya sa boss.
Away. Bati. Flirt. Takbo. Habol. Repeat.
Pero hindi naniniwala si Issa sa forever, lalo na sa lalaking gaya ni Santiago. Kaya ang tanong - kapag isang guwapo at possessive na bilyonaryong tulad ni Santiago ang na-in love sa isang intern na delulu pero may commitment issues tulad ni Issa, aasa ba sila sa happy ending o ang mas kailangan nila ay magpa-book ng couple’s therapy?
320