freyjaerendis
"Alam kong mali. Ngunit sa bawat haplos ng kaniyang kamay ay nag-aalab ang katawan ko, kasabay ng pusong unti-unting nahuhulog sa asawa ng kapatid ko."
Between the twins, Isabella was always the good girl—tahimik, masunurin, at laging nasa ilalim ng anino ng kanyang wild twin sister na si Arabella. Ngunit nang biglang tumakas si Arabella, pinilit si Isabella ng pamilya niya upang magpanggap na kanyang kambal na kapatid. Malinaw ang misyon niya: kumilos bilang asawa ni Eros para isalba ang kumpanya at reputasyon ng pamilya. Sa madaling salita, hindi kailanman dapat malaman ng makapangyarihang tao at multi-billionaire tycoon na si Eros ang katotohanan.
Sa loob ng kanyang madilim at marangyang penthouse, kailangang gampanan ni Isabella ang papel ng isang may-karanasan at agresibong asawa. Ngunit sa ilalim ng naghaharing haplos at nag-aalab na mga halik ni Eros, ang inosenteng mundo ni Isabella ay tuluyang gumuho. Ganap siyang dinaig ng naglalagablab na atraksyon sa pagitan nilang dalawa, na nagbunsod sa kanyang inosenteng katawan na tumugon sa paraang hindi niya kailanman naisip, kaya naman napuno siya ng matinding takot at kalituhan.
Isang pansamantalang pagkukunwari lamang dapat ito, isang mapanganib na laro upang isalba ang kanyang pamilya habang hinahanap pa si Arabella. Ngunit ngayon, unti-unting nahuhulog ang puso niya sa lalaking hindi naman sa kanya. Paano nga ba niya mapapawi ang nag-uumapaw na ngitngit ng budhi at pagseselos kapag ang pangalan ng sarili niyang kapatid ang binubulong ni Eros sa karimlan—walang kamalay-malay na ang babaeng nanginginig sa kanyang kama ay isa lamang inosenteng impostor?
73