Ensi
Pinalayas si Eula ng kanyang tita matapos siyang gawing kasambahay sa loob ng ilang taon. Sa awa ng kanyang kaibigan, pinaupa siya nito nang mura sa apartment ng kanyang tito. Ang hindi nila alam, naibenta na pala ang apartment sa isang istrikto at supladong CEO na si Duke Revamonte, at sa hindi inaasahang pagkakataon, naging roommate sila.
Mas malala pa roon, natanggap si Eula bilang empleyado sa kompanya ni Duke. Gulat na gulat siya nang malaman niyang ang lalaking sinabihan niyang guard at inagawan niya ng taxi ay siya palang boss niya... na roommate pa niya!
Samantala, si Duke Revamonte ay isang makapangyarihan at respetadong CEO na sanay nakukuha ang lahat ng gusto niya. Walang empleyadong nangangahas sumuway sa kanya, lalo na't kilala siya sa pagiging istrikto, malamig, at suplado. Para kay Duke, walang lugar ang pag-ibig o babae sa trabaho at sa buhay niya.
Ngunit sa araw-araw na pagsasama nila bilang magroommate, unti-unting nagiging mahirap para kay Duke na panatilihin ang distansya sa pagitan nila. Sa office, boss at empleyado sila. Sa apartment, tila invsible sila.
Hanggang isang gabi, dahil sa kalasingan, hindi nila napigilan ang init ng katawan at nangyari na ang hindi dapat mangyari.
Pero kinabukasan, parang wala lang kay Duke ang nangyari. He just plainly said, “it was an accident. Pareho tayong lasing.”
Aksidente, pero bakit paulit-ulit na nasundan? At bakit tila bumabait na ang supladong CEO sa kanyang empleyado?
139