YANGSLIM
Apat na taong pinanatili ni Beatrice "Bea" Elizalde ang pader sa pagitan nila ng kaniyang cold at ruthless CEO—si Severino "Reno" Legazpi. Para sa kaniya, si Reno ay ang demanding boss na kailangang paglingkuran nang perpekto, habang siya naman ang indispensable secretary na walang puwang para sa emosyon.
Subalit sa isang gabi ng matinding kapahamakan at pagkasira ng mundo ni Bea, nawala ang pormal na distansya. Ang isang gabing puno ng matagal nang pinipigilang pagnanasa ay nagbukas ng isang mapanganib na ugnayan na hindi na kayang burahin ng kahit anong patakaran ng opisina o kontrata.
Dahil sa takot na mawala ang kaniyang dignidad at career, ginawa ni Bea ang lahat para umasta na parang walang nangyari kinabukasan. Ngunit hindi sanay si Reno na tinatanggihan—at lalong hindi niya hahayaang magpanggap ang babaeng nagmamay-ari na ng kaniyang isip.
Hanggang kailan kayang labanan ni Bea ang nakakalason ngunit nakakahumaling na alindog ng kaniyang boss? At hanggang saan ang kayang gawin ni Reno para lang hindi makatatakas sa kaniyang mga kamay ang kaniyang paboritong sekretarya?
80