Katie Alcos
200 POUNDS AWAY FROM LOVE
Si Emma Trinidad ay isang maganda, matalino, at palaban na babae. Mayroon siyang matalas na isip, matapang na pananalita, at confidence na hindi kayang tumbasan ng kahit sino. Isa lamang ang madalas na napapansin ng mga tao sa kanya—ang kanyang timbang na 200 pounds. Ngunit hindi niya hinahayaang maging hadlang iyon para maabot ang kanyang mga pangarap. Hindi niya kailangan ng validation ng ibang tao, lalong hindi ng isang lalaki para maramdaman ang kanyang halaga.
Hanggang makilala niya si Marco Salazar.
Isang successful CEO, mayaman, gwapo, at certified womanizer. Sanay si Marco na makuha ang lahat ng gusto niya. Isang ngiti lang, isang kindat, at halos lahat ng babae ay nahuhulog na sa kanyang mga paa.
Pero hindi si Emma.
Sa unang pagkikita pa lang nila, agad nang nagbanggaan ang kanilang mga personalidad. Hindi natatakot si Emma na sagutin siya, kontrahin ang kanyang mga desisyon, at basagin ang kanyang napakalaking ego. Sa halip na mainis lamang, unti-unting naging interesado si Marco sa babaeng hindi tinatablan ng kanyang charm.
What starts as a battle of egos slowly turns into an unexpected love story.
Ngunit hindi madaling kumbinsihin si Emma. Kilala niya ang mga lalaking katulad ni Marco—mga lalaking mahilig sa maganda, perpekto, at madaling makuha. Ayaw niyang maging panibagong pangalan sa mahabang listahan ng kanyang mga babae.
Sa unang pagkakataon, isang babaeng hindi niya kayang paibigin ang magpapabago sa buhay ni Marco.
Kaya bang patunayan ng isang notorious playboy na kaya niyang magmahal nang totoo?
O tuluyan siyang matatalo sa babaeng 200 pounds away from his heart?
36