Sugar Daddy
Ashton
Halos mag-iisang oras na ata akong nakaupo lang sa may sofa, wala akong ganang gumalaw dahil medyo napagod din ako sa kakaiyak dahil lang sa sinabi ni Zuck sa akin, hindi ko alam kung bakit sa lahat ng masasakit na salitang sinabi niya sa akin mula nang dumating ako rito sa kanilang bahay, iyong sinabi niya sa akin kanina ang pinakamasakit na kung tutuosin ay pawang katotohanan naman ang sinabi nito at hindi panghahamak sa aking pagkatao.
"This is my life now." Bulong ko sa aking sarili, alam kong kahit na gusto kong bumalik sa normal kong buhay ay napaka-imposible na nito, isa pa ay hindi ko alam kung saan ako magsisimula kung sakaling sundin ko ang sinabi ni Zuck.
Bab Populer