The Photo Collector
Mga salitang humilom sa galit, hinanakit, pagkasuklam, at lungkot na kanina pa umaalila sa aking katawan.
“Palaging nasa huli ang pagsisisi, Cylvia. Alam kong hanggang ngayo’y patuloy pa ring bumabagabag sa iyong isipan ang mga pangyayari isang taon na ang nakaraan. Ngunit wala na tayong magagawa doon. Kahit gustuhin man nating bumalik muli, sadyang tapos na talaga ‘yon. Ang tanging magagawa na lang natin ay tanggapin ang katotohanan. Oo, alam kong mahirap. But time heals everything. Don’t let your past ruin your future and change who you are. Take it as a motivation. As an inspiration. And trust me, if you do, your Mom will be very proud of you,” she said while painting a smile on her face.
Bab Populer