The Price Of a Sinner
Naupo ako sa tabi ni Sab, habang kaharap naman namin si Rein at Aicka.
Tumikhim ako para maitago ang kilig na kanina ko pa pinipigilan mula nang makaharap ko si Dos.
“Kalma lang kayo, tangina! Nakatingin na sila sa gawi natin.”
Pasimpleng lumingon ang tatlo, at mabilis na nag-ayos bigla ng kanilang upo, parang walang nangyari.
“Grabe sila makatingin, jusko! Minus points na naman ako sa langit nito. Iba naiisip ko kapag tinitignan nila ako,” bulong ni Sab habang tinatakpan ng cocktail glass ang bibig niya.
인기 회차