The Devil In Him
Love, Regrets, and Second Chances.
Matagal nang magkasintahan sina Clark at Claire. They became each other's safe haven. Sumama ang bilyonaryong si Clark sa probinsya para mamuhay kasama ang kasintahan.
They almost have it all, until Claire discovers something that will change their lives forever. Ang mabait at maaasahang si Clark ay may itinatagong sikretong sisira sa kanilang dalawa. Sa kabila ng yaman at magandang reputasyon ng kanilang pamilya, si Clark ay napapabilang sa pamilya ng mga sindikato. Sindikatong walang awang pumapatay at gumagawa ng iligal para lang sa sarili nilang kagustuhan.
Dahil sa pamilya ay mapipilitan siyang iwan si Claire, na magdudulot ng galit sa dalaga. Buntis siya pero hindi na ito malalaman pa ni Clark. Dahil sa ginawa ng binata ay pilit niya itong kalilimutan.
Pero para bang pilit silang pinaglalaruan ng tadhana. At para bang wala talagang balak sumuko ang binata.
Ano ang gagawin niya kung ang minsang nanakit sakanya ay pilit siyang binabawi? At wala siyang ibang pamimilian kung hindi ang mapasakanya ulit?
Sa pagkakasakit ng kanyang anak ay mapipilitan siyang tanggapin ulit ang binata, para sa tulong nito. Malalaman kaya ni Clark ang katotohanan sa pagkakaroon ng anak ni Claire? Paano niya tatanggapin ang sikreto ng bilyonaryong lalake?
Hahantong na ba sila sa kasalan? O sa panibagong hiwalayan?