Trapped by the Billionaire
Isa itong bagay na hindi maipaliwanag ni Agatha: ang paraan ng kanyang presence, ngiti, at tingin, ay nagiging kuryente sa hangin.
Habang ipinapaliwanag ni Albert ang mga detalye ng proyekto, hindi maiwasan ni Agatha na ma-distract sa malapad na balikat nito, sa halimuyak ng cologne na humahalo sa amoy ng papel, at sa paraan ng kanyang mga kamay habang binabasa ang mga numero sa screen. Sa isang saglit, ang kamay ni Albert ay bahagyang humaplos sa kanyang kamay—parang aksidente lang—ngunit sapat na iyon upang mapanginginig siya.
“Agatha,” bulong ni Albert, malapit sa tenga niya. “Tumingin ka sa akin kapag nagsasabi ako, ha?”
Capítulos Populares