Mister CEO's Obsession (Tagalog)
Bola-bolang kalabasa iyon.
Kalabasa iyon na kinayod na nilagyan ng harina at itlog. Pati paminta, asin, sibuyas, bawang at pampalasa ay inihalo din doon. Tapos idi-deep fry iyon hanggang sa maging golden brown.
Madalas ko iyong isawsaw sa pinaghalong suka, paminta, asin at asukal. Para na kaagad akong idinuduyan sa alapaap kapag ang kanin ay mais din.