กรองโดย
กำลังอัปเดตสถานะ
ทั้งหมดยังไม่จบจบแล้ว
จำแนกโดย
ทั้งหมดเป็นที่นิยมที่แนะนำคะแนนการอัปเดต
MADILIM NA KAHAPON

MADILIM NA KAHAPON

Isang lihim na matagal nang itinago ng Ina ni Brenda ang maisawalat mismo sa araw ng lanyang kasal at kaarawan pa man din niya. Isang nakatagong lihim na nakakapanggilas kahit sino ang makakarinig at makakaalam. Ano kaya ang mangyayari kapag malaman na ni Brenda ang tunay niyang pagkatao.
1011.8K viewsยังไม่จบถูกเพิ่มไปยังห้องสมุด 282 ครั้งในชื่อ alipin ni bobby
อ่าน
+ห้องสมุด
IN THE NAME OF THE BILLIONAIRE'S GAME

IN THE NAME OF THE BILLIONAIRE'S GAME

Hindi akalain ni Victoria na isang patibong pala ang lahat upang makatakas ang kapatid sa isang responsibilidad na hindi nito kayang panindigan. Nasira ang buhay ni Victoria sa kagagawan ng isang estranghero dahil na rin kay Victorina. Nawala ang lahat sa kanya at nagbunga pa ang isang gabing pagniniig nila. Tiniis ni Victoria ang lahat para sa mga anak. Pagkalipas ng limang taon, lihim siyang umuwi sa Pilipinas kasabay ang bantang pagbabayarin ang lahat ng taong may kagagawan ng kanyang pagdurusa. Samantalang mahigpit ang pangangailangan ni Xander ng bagong sekretarya, isang istriktong CEO ng Mondragon Textile Company. Malamig ang pakikitungo nito sa kahit kanino maliban kay Victoria na bagong salta. Sa unang pagkikita nila ay may kung anong tibok ang naramdaman niya dito. Hanggang magkaroon ng car accident si Victoria. Doon niya nakita ang batang lalaki na kamukhang – kamukha niya. Pagkagising ni Victoria mula sa comatose estate ay pinapirma siya ng CEO sa isang marriage contract. Sa kabila ng pagkabigla ay pumayag ito ngunit mas matindi pa sa bomba ang kanyang nalaman. Siya ang ama ng kanyang kambal. Gustuhin man niyang tumakas sa poder ng CEO ay hindi niya magawa dahil sa laki ng utang na loob nito. Mananatili bang utang na loob ang lahat o susubukan niyang mahalin si Xander kabila ng kanyang paghihiganti? Palalayain ba ni Xander si Victoria at bubuuin ang kanilang pamilya?
1016.8K viewsจบแล้วถูกเพิ่มไปยังห้องสมุด 503 ครั้งในชื่อ alipin ni bobby
อ่าน
+ห้องสมุด
Vengeance and temptation: married to my ex's enemy

Vengeance and temptation: married to my ex's enemy

May mga tao pa rin pala na ang tanga pagdating sa pag-ibig, mga taong bulag pagdating sa halaga ng isang tao.  “Pumapayag na akong pakasalan ka.”  Sa araw ng pangatlong pagpaparehistro sana ng kasal nila ay muling hindi dumating si Lucas—para lang sa babaeng hindi nito makalimutan ay handa nitong kanselahin ang pagkuha sana nila ng wedding certificate.  Naghintay maghapon si Aeris ngunit walang Lucas na dumating. Kung hindi niya makukuha ang puso ni Lucas at atensyon ay ititigil na niya ang kanyang kahibangan at pag-aaksaya ng panahon sa paghihintay dito. At sa halip magmukmok ay pinili niyang pakasalan ang pinaka-mortal na kaaway ni Lucas—si Max Aaron Vistan Ledesma.  Sa loob lang ng pitong araw ay binigyan siya ni Max na pag isipan ang lahat, ngunit decidido na si Aeris na pakasalan ito, binura na ni Aeris si Lucas sa kanyang buhay. Sinunog niya ang kanilang mga larawan, ibinenta ang kanilang bahay, iniwan ang kanilang studio, at sinira ang wedding dress na pinagawa nito para sa kanya. Sa ikapitong araw, nagpakasal siya kay Max Aaron Vistan Ledesma  at tuluyang naglaho sa mundo ni Lucas. Tsaka lang narealize ni Lucas  ang katotohanan nang makita niyang nasa bisig na ng ibang lalaki si Aeris— Na ang babaeng tunay niyang minahal ay si Aeris at babaeng gusto niyang protektahan. Pero huli na ang lahat.
103.9K viewsยังไม่จบถูกเพิ่มไปยังห้องสมุด 113 ครั้งในชื่อ alipin ni bobby
อ่าน
+ห้องสมุด
The Breakup Formula (Tagalog)

The Breakup Formula (Tagalog)

June Arden
Isang normal na gabi lang sana ang lahat kay Paris Laurene, kung hindi lamang niya nasaksihan ang tumataginting na pagkabigo ni Theon, sa isang dalagang balak nitong ipakilala bilang girlfriend sa abuela nito. Last minute nang bigla nalang umayaw ang dalagang bitbit ni Theon kaya’t naiwan ito habang di malaman kung paano haharapin ang parating na Lola. Well look at that, even the hot, rich and devilishly handsome Theonnius Naverra got dump in front of her very eyes! May pag-asa pa ang Earth! Hindi maatim ni Paris na hayaan si Theon na humarap nang bigo sa abuela nitong dumating sa naturang tagpuan. kahit pa kating-kati na ang dila niyang budburan ito ng pang-aasar. Ngunit dahil isa siyang mabait, maganda at binibining may busilak na kalooban, nagpakilala siya bilang girlfriend ni Theon. “Relax, Theon. Magbi-break din naman tayo.” Nakaisip na si Paris ng plano upang malinis na matakasan nilang dalawa ni Theon ang ginawa nilang pagpapanggap na magkasintahan. Iyon ay ang gumawa ng paraan upang magbreak sila nang hindi nagdududa at nabibigla si Lola Celestina. “We just need to follow the right breakup formula.” aniya. “What?” “Heated arguments plus jealousy and misunderstanding minus communication and time, idagdag pa ang mga babae mo. That will surely equal to break up.” Okay na sana lahat. Ang problema maling equation ata ang nasusunod ni Paris. Imbes kasi na magkalabuan lang sila ay nahuhulog pa siya sa binata! Oo nga pala, hindi siya magaling sa Math!
3.5K viewsยังไม่จบถูกเพิ่มไปยังห้องสมุด 114 ครั้งในชื่อ alipin ni bobby
อ่าน
+ห้องสมุด
Contractual Divorce With My Billionaire Husband

Contractual Divorce With My Billionaire Husband

Si Celeste Reyes ay ang perpektong asawa—tahimik, masunurin, at tinitiis ang kawalan ng pakialam ng kanyang asawang si Iñigo Samonte. Sa loob ng tatlong taon, naniwala siyang sapat na ang pagmamahal niya para baguhin ang matigas na puso ng bilyonaryo at makuha ang atensyon nito. ​Ngunit sa gabi ng kanilang ikatlong anibersaryo, napatunayan niyang siya ay isang "proxy" lamang. Walang pasabing iniwan siya ni Iñigo sa gitna ng selebrasyon—hindi dahil sa trabaho, kundi para sunduin ang nagbabalik na ex-girlfriend nito. Doon napagtanto ni Celeste na kahit anong pagsilbi niya, hindi kailanman magiging kanya ang pusong nakalaan na sa iba. Wasak at pagod na, ibinigay ni Celeste ang divorce papers. Ngunit sa halip na pirmahan, ginamit ni Iñigo ang impluwensiya nito para ikulong siya sa isang "90-day separation rule." Sa loob ng tatlong buwan, kailangan nilang magpanggap na masaya sa ilalim ng iisang bubong. Ngayong desidido na si Celeste na bumitaw, biglang nakaramdam ng selos si Iñigo nang lumitaw ang kanyang karibal na pinsan upang kunin ang atensyon ng kanyang asawa. Sa gitna ng pagnanasang makuha muli ang loob ni Celeste at ang pait ng kanilang nakaraan, matututunan kaya ni Iñigo na totoong mahalin ang asawa bago maubos ang natitirang mga araw? O huli na ang lahat para sa isang lalaking natututo lang magpahalaga kung kailan mawawala na sa kanya ang lahat?
107.3K viewsยังไม่จบถูกเพิ่มไปยังห้องสมุด 269 ครั้งในชื่อ alipin ni bobby
อ่าน
+ห้องสมุด
Married to Ugly Woman

Married to Ugly Woman

Pinakasalan ni Andrew si Hannah dahil sa palugi na ang kanilang kumpanya. Napabayaan niya ito dahil sa pagkaaksidente na nangyari kay Ashley. Hindi akalain ng lalaki na ang mapapangasawa niya ay kabaliktaran ng itsura ng kanyang Girlfriend na si Ashley. Samantalang nagpapanggap lang pala si Hannah na pangit para malaman kung ano ang tunay na ugali ni Andrew. Dahil sa napilitan silang magpakasal ay hindi matanggap na isang pangit ang kanyang Asawa. Ano kaya ang magiging buhay ni Hannah sa kamay ng lalaki? Paano niya pakikitunguhan ang ang lalaki kung nandidiri ito sa kanya?
8.713.9K viewsยังไม่จบถูกเพิ่มไปยังห้องสมุด 320 ครั้งในชื่อ alipin ni bobby
อ่าน
+ห้องสมุด
CHAINED (Tagalog)

CHAINED (Tagalog)

Walang ibang pinangarap si Sabrina kung hindi ay ang makapagtapos ang mga kapatid sa pag-aaral at hindi maranasan ang hirap ng buhay na dinanas niya. Hindi basta-bastang nagtitiwala si Lance lalo na sa mga babae dahil sa madilim niyang nakaraan na hindi niya magawang bitawan. Pero paano kung magkita sila sa hindi inaasahang pagkakataon? Posible bang titibok ang puso nila sa isa't isa? Magagawa bang alisin ni Sabrina ang poot at galit na nasa puso ni Lance?Tatanggapin ba niya ang alok ni Lance kapalit ng katuparan ng kaniyang pangarap?
9.9251.2K viewsจบแล้วถูกเพิ่มไปยังห้องสมุด 9.0K ครั้งในชื่อ alipin ni bobby
อ่านรีวิว (86)
อ่าน
+ห้องสมุด
Myramay Miras
Nice one Blu Berry! Spending coins to read this piece of yours is all worth it. 👌Good job! ✨💜 Suggestion: Please take ample time to go through the typos and have those corrected for a more polished masterpiece. 😉
@zeL09
salamat miss a.sa napakagandang story. nabasa ko na ung Kay rafael.maganda din un.at ito ding Kay Sab at lance napakaganda din..maganda talaga basahin Ang short story lang kaysa pagkahaba habang novela,nakakabagot magbasa..
อ่านรีวิวทั้งหมด
My Flawless Diamond

My Flawless Diamond

Ped Xing
Isang buwan bago ideklara ng dating management na bankrupt na ang TheCompany pinakilala si Gil bilang bagong Presidente at CEO. Ayon sa mga business expert imposibleng makaahon ang TheCompany dahil sa pagkalubong nito sa utang. Pero pinatunayan ni Gil na kaya niyang maging posible ang imposible. Ano pang mga balakid na haharapin ni Gil sa kabila ng tinatamasang tagumpay? Si Ellie isang baguhang real estate agent. Ano ang magiging papel niya sa buhay ni Gil? Paalala: Ang kwentong ito ay kathang- isip lamang. Ang mga karakter, lugar at sitwasyon ay nagkataon lamang at hindi sinasadya ng may akda.
101.4K viewsยังไม่จบถูกเพิ่มไปยังห้องสมุด 50 ครั้งในชื่อ alipin ni bobby
อ่าน
+ห้องสมุด
A DANGEROUS MAN SERIES 1 Jondray Clarence Ford

A DANGEROUS MAN SERIES 1 Jondray Clarence Ford

Bitter_sweet
Mia Davis, an ordinary girl, was brought into a world of darkness by Jondray Clarence Ford, a dangerous man. Ang katulad kaya ni Mia ang magpapaamo sa puso ni Jondray na puno nang galit at paghihiganti? Siya kaya ang maging ilaw sa madilim nitong mundo? He possessed her mind, heart, body and soul, and used her for his own personal desires, such as vengeance. 'Paiibigan kita para gamitin ka' Ang salitang binitawan ni Jondray ang siyang nilunok niya rin. "And now, I've lost my heart because you claimed it. I saw the light with you, and I will not return to the dark world of misery and sadness. I will be with you forever, my love…”
102.9K viewsจบแล้วถูกเพิ่มไปยังห้องสมุด 115 ครั้งในชื่อ alipin ni bobby
อ่าน
+ห้องสมุด
HUSBAND'S CAGE

HUSBAND'S CAGE

Ito ay isang madilim at nakakapanabik na kuwento ng pag-ibig, pagtataksil, at paghihiganti. Ikinasal si Ashera at Jeorge dahil sa isang kasunduan ng kanilang mga pamilya upang mapalakas ang kani-kanilang kompanya. Subalit, ang tunay na pag-ibig ni Jeorge ay nakalaan para sa kay Zebyana- Ang nakababatang kapatid ni Ashera. Sa loob ng malaking bahay na kanilang tinitirhan, dama ni Ashera ang pagkakulong, hindi itinuturing na espesyal, at para lamang siyang isang utusan. Sa kabila ng sakit na dulot ng pagsaksi sa relasyon nina Jeorge at Zebyana, nananatili siyang tahimik at nagdurusa sa isang sulok.
10663 viewsยังไม่จบถูกเพิ่มไปยังห้องสมุด 25 ครั้งในชื่อ alipin ni bobby
อ่าน
+ห้องสมุด
ก่อนหน้า
1
...
454647484950
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status