RUTHLESS OFFICER
"Paano ka? Oras na malaman nila na hindi mo talaga tinuluyan si Daddy, ikaw ang malilintikan.'
"Ako na ang bahala sa sarili ko. Bago ako patayin ni Mr.Foller, sisiguraduhin ko na mauna muna siya," seryosong saad ko kay Kei.
Bago ako umalis, sinigurado ko muna nasa maayos na kondisyon ang matanda. Alam kung may nagmamanman sa akin noong nasa beach ako. Mabilis lang ang paggalaw ng kamay ko at sinadyang sa balikat ni Mr.Foller itama ang bala. Mautak ang matandang si Mr. Foller. Pero nagkataon na mas mautak ako. Alam kong mahigpit na kalaban ni Mr. Foller si Mr.Kayaki Shimaro sa negosyo. Pera sa Pera. Bawat isa kumukuha ng Assassin para patayin ang sagabal sa negosyo nila.