กรองโดย
กำลังอัปเดตสถานะ
ทั้งหมดยังไม่จบจบแล้ว
จำแนกโดย
ทั้งหมดเป็นที่นิยมที่แนะนำคะแนนการอัปเดต
Single Mom

Single Mom

Si **Luna Reyes** ay isang 18-anyos na estudyante sa kolehiyo mula sa probinsya na nabuntis ng **Alexander "Alex" Montemayor**, anak ng isang bilyonaryo. Nang malaman ng ama ni Alex, si **Ricardo Montemayor**, ang pagbubuntis, inalok niya si Luna ng malaking halaga ng pera kapalit ng paglayo sa buhay ni Alex. Dahil sa takot sa kapangyarihan ni Ricardo, pumayag si Luna at lumipat sa Maynila upang buhayin ang kanyang anak na si **Mateo**. Pagkalipas ng labing-dalawang taon, namatay si Ricardo at sa pagbabasa ng testamento, lumabas ang isang probisyon na ang yaman ng Montemayor ay mapupunta lamang sa anak o apo. Nagkaroon ng duda si Alex tungkol sa pagkakaroon ng anak niya kay Luna. Kasama ang pulis na kaibigan, si **Miguel Santiago**, sinimulan niyang imbestigahan ang nakaraan. Nagkita muli sina Alex at Luna sa isang event, at sa kanilang pag-uusap, inamin ni Luna na si Mateo ang kanilang anak. Habang lumalapit si Alex kay Mateo, naging mapanganib ang sitwasyon dahil kay **Sofia Aguilar**, ang magiging asawa ni Alex na hindi makapagkaanak at nagpasya na patayin si Mateo upang mapanatili ang kanyang kapangyarihan sa pamilya Montemayor. Nakipag-ugnayan si Luna kay Miguel upang mapanatili ang kaligtasan ni Mateo. Nang maganap ang mga insidente ng pag-atake kay Mateo, nahuli si Sofia at ang kanyang kasabwat, si **Carmen Morales**. Sa kabila ng lahat ng nangyari, nagkaroon ng pagkakataon sina Luna at Alex na magbuo muli ng kanilang pamilya. Ang nobela ay nagwakas sa isang simpleng kasal na puno ng pagmamahal at pag-asa, na simbolo ng bagong simula para sa kanilang pamilya.
Romance
5.5K viewsจบแล้ว
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
It's Not Goodbye

It's Not Goodbye

Spinel Jewel
Naging emosyonal para kay Precious Sarmiento ang unang araw ng pasukan sa paaralang kanyang tinuturuan, nang makilala niya si Chris Laurente, isa sa kanyang mga estudyante sa Grade 10 na malaki ang pagkakahawig sa namayapa niyang bestfriend at boyfriend na si Alexander Suneco. Dahil dito'y nagbalik sa kanyang alaala ang masakit na kahapon. At first she thought, it was just a reincarnation dahil may nasabi si Alex noon na nasabi din ni Chris sa kanya. Hanggang sa nagkapalagayang-loob sila sa isa't isa at naging mag bestfriend. When Precious realized she was falling for him, inisip pa rin niyang bahagi pa rin ito ng reincarnation. Chris misinterpreted her feelings for him dahil akala niya kaya lang nagkagusto si Precious sa kanya dahil magkamukha sila ni Alex. Unti-unti siyang dumistansya dito at ibinaling ang atensyon sa iba. Naging masakit ito para kay Precious lalo na't natitiyak niyang mahal talaga niya si Chris. Pero kailangan niyang tanggapin na hindi sila pwede, dahil sa layo ng agwat ng kanilang edad. Years had passed at muli silang nagkita ni Chris. Nanumbalik ang kanilang pagkakaibigan hanggang sa nahulog ang damdamin nila sa isa't isa. Would they be able to fight for their love when the world is against them? Hanggang saan ang kaya nilang ipaglaban sa ngalan ng pag-ibig?
Romance
105.3K viewsจบแล้ว
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
Karma : Kill me or Love me

Karma : Kill me or Love me

The story follows a person transported to another world as a dwarf named Karma. While living a quiet life in this new realm, Karma encounters Freya, a succubus Demon Lord, who commands him to undertake a seemingly impossible task: assist her in completing her mission in this world. Freya presents Karma with a stark choice—ascend the Sky Tower of Doom to kill her or remain in the tower and love her for eternity. As Karma grapples with this dilemma, he meets Mirai, the world’s hero, who is desperately hunting him to obtain the Black Crystal embedded in his body. Mirai pleads with Karma to sacrifice his life for the sake of humanity and her mission on this planet. However, when Karma refuses, she offers an alternative: she’ll stop attacking him if he agrees to join her and live peacefully in the city of humans. Caught between the conflicting demands and missions imposed by the goddess on both the Demon Lord and the hero, Karma is thrust into a chaotic, nerve-wracking, and relentless adventure that upends his tranquil existence, forever altering his peaceful life.
Fantasy
1.4K viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
Behind Her Chalk : The Mafia's True Face of Zhaine

Behind Her Chalk : The Mafia's True Face of Zhaine

Si Jhai ay ang pinuno ng isang lihim na samahan na tinatawag na Lion Warrior, isang grupo na nagtutuwid ng mga maling katarungan. Maaga siyang naulila matapos mapatay ang kanyang mga magulang sa isang madugong insidente. Bitbit ang pangakong tutuparin ang pangarap ng mga ito, pinili niyang maging high school teacher. Upang mapanatili ang kanyang lihim na pagkakakilanlan, nagpakilala siya bilang si Zhaine, isang weird at old-fashioned na guro. Sa hindi inaasahan, siya ang itinalagang class adviser ng section 12-D—isang klase ng mga outcasts, pasaway, at mga estudyanteng tila wala nang pangarap sa buhay. Isa sa mga estudyante ay si Kenn Singson, anak ng school director. Masungit, matalino, at mailap—katulad ni Zhaine pagdating sa mga taong mahal nila. Bagama’t malamig at puno ng tensyon ang kanilang unang pagkikita, unti-unting nahulog ang loob ni Kenn sa kanyang adviser. At sa pagdaan ng panahon, kahit labag sa patakaran ng paaralan at sa sariling prinsipyo, natutunan ding ibigin ni Zhaine ang binata. Ngunit sa gitna ng unti-unting namumuong pag-ibig, patuloy pa rin ang misyon ni Jhai para makamit ang hustisya para sa kanyang mga magulang. Hanggang sa isang araw, natuklasan niya ang isang nakakagulat na katotohanan: ang taong pumatay sa kanyang ama ay walang iba kundi ang kanyang bagong kaibigan—isang private police inspector na lingid sa lahat ay may itinatagong lihim bilang kalaban ng Lion Warrior. Gumuho ang mundo ni Jhai. Ang paghahangad ng hustisya, sa pagkamatay ng kanyang magulang ang-siyang nagdulot sa kanya, upang siya'y mapahamak at mag-agaw buhay. Makakaligtas kaya si Zhaine sa bingit ng kamatayan? Isusuko ba niya ang Lion Warrior sa kanyang kaaway? handa ba nyang tanggapin ang alok ni Blue magpakasal kapalit ng kaniyang kaligtasan? At paano haharapin ni Kenn ang sakit ng mawalan ng babaeng unang nagturo sa kanyang magmahal—sa paraang kailanma’y hindi niya malilimutan?
Mafia
9.7530 viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
That First Night With Mr. CEO

That First Night With Mr. CEO

Girl friday sa umaga, estudyante sa gabi. Ganyan ang ikot ng buhay ni Samantha Bautista araw-araw. Pangarap niyang makapagtapos ng pag-aaral upang lalong matustusan ang pangangailangan nila ng nanay niyang maysakit. Wala sa mga priority niya ang pag-ibig subalit may secret crush siya sa bagong CEO ng kanilang kumpanya na si Aaron Miguel Sandejas. Isang gabing lasing si Aaron, sadyang nagtagpo ang kanilang landas at nalagay sila sa isang sitwasyon na nagpangyari upang kusa niyang isuko ang sarili sa lalaki. Pangyayari na nagresulta sa kanyang pagdadalang-tao. Napilitan si Samantha na itago ang kanyang kalagayan. Kasabay niyon ang kanyang pagbabagong-buhay nang matuklasan niya ang lihim sa kanyang tunay na pagkatao. Apat na taon ang nakalipas, muling nagtagpo ang landas nila ni Aaron. This time, hindi na niya ito boss, kundi isa na sa mga kliyente sa events planning company na pag-aari niya. Ikakasal na ang lalaki at siya ang events planner para sa engagement party at nalalapit na kasal nito. Ayos lang sana siya, kaya niyang magpanggap na wala nang epekto sa kanya ang presensiya nito. Kaso, kahit na anong tanggi niya, panay ang tanong nito sa kanya ng, “Have we met before?” Aaminin ba si Samantha? O maninindigan siya na hindi niya ito kilala at hindi bunga ang isang gabing pinagsaluhan nila na hanggang ngayon, tila hindi nito maalala.
Romance
9.6417.2K viewsยังไม่จบ
อ่านรีวิว (27)
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
Jenny Javier
Starting today, maari na po ninyo mabasa ang story nina Gael at Charlie sa librong ito. Pagkatapos ko pong idagdag ang Loving The Lost Billionaire dito, isusunod ko na po ang story ni Caleb. Salamat po sa patuloy ninyong suporta.
Cheryle Lobrino
hi po.... kakabasa ko lang po ng novel nio at sobrang nagustuhan ko po... ask ko lng po kung series po ba ito? kc po nabanggit nio sa last na susunod po ung 2nd gen... gusto ko po sana mabasa ung mga nauna pi d2 kung series po eti.
อ่านรีวิวทั้งหมด
SHOW ME HOW - JAN QUARO ZODIAC

SHOW ME HOW - JAN QUARO ZODIAC

TALACHUCHI
RISE ABOVE THE ZODIACS SERIES | Uno - AQUARIUS Title: Show Me How (Jan Quaro Zodiac's Story) Genre: Romantic comedy | Light Erotica | R-18 Synopsis: Jan Quaro Zodiac is the owner of the "Panaderia De Quaro". Tagamasa. Tagasalang. Tagabalot. Tagabantay. Tagatinda. Tagasilbi. He is a one-man army; kaya niyang gawin ang lahat ng mga gawain sa shop nang mag-isa. He has never employed a single soul since he opened his business as he was just too proud and confident working alone. He has been running his bread-slash-coffee shop for years now, at ang madalas niyang mga customers ay pawang mga babaeng estudyante sa katabing kolehiyo na walang ibang ginawa kung hindi magpa-cute sa kaniya. Everybody wants to get the shop owner's attention, but if you ain't buying his bread and cookies, Quaro won't entertain. Pero iba ang diskarte ng isang dalagita na matagal nang pabalik-balik sa shop ni Quaro; dinaan ba naman sa mala-Oscars na drama ang binata upang mapansin nito? Kahit ang matalino at wais na si Quaro ay nalinlang! Paanong drama at anong diskarte ba 'ka mo? You will have to read and find out yourself.
Romance
2.1K viewsจบแล้ว
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
My Naughty Boastful Boss

My Naughty Boastful Boss

Onyx
Kylee Nicole Montenegro, ako 'yun. Labing-walong taong gulang na at malapit ng mag-kolehiyo. Hindi na ako nagho-homeschool; malapit na akong maging normal na estudyante, tulad ng pangako ni Dad. Homeschooled ako mula nung ako'y limang taon dahil sa isang aksidente. Madalas sabihin ng mga tao na marami daw nangyari sa buhay ko noong bata ako, pero isang bagay lang ang matandaan ko — isang panyo. Isang hindi kakilalang bata ang nagbigay sa akin nito, at hindi ko alam ang pangalan niya. Malamang, hindi ko na siya makikilala matapos ang maraming taon, pero umaasa ako na isang araw ay makakita ako sa kanya para magpasalamat. Ang hindi kakilalang ito ang tumulong sa akin nang mawala ako sa mall. Naalala ko ang bahagi ng pangyayari, pero hindi lahat. Napapangiti ako nang hindi ko namamalay. Pagkatapos kong lumabas ng banyo, napansin ko ulit ang panyo at ngumiti. Mukhang may kaunting paghanga ako sa taong nagbigay nito sa akin. Ilang taon na itong nasa akin at hindi ko pa ito nalalabhan. May nakasulat ding salitang "TRIST" dito. Iniisip ko kung pangalan ba ito. Nagtango na lang ako dahil wala akong alam. Nahulog sa malalim na iniisip, isang katok sa pinto ang bumalik sa akin sa realidad. "PUPUNTA NA!" sigaw ko nang marinig ko si Ate Lena na nagpapaalam na ang almusal ay handa na. Isinilid ko ulit ang panyo sa aparador, may kakaibang tanong pa rin sa aking isipan. SINO KA?
Romance
104.4K viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
SEDUCING NINONG AMADEUS

SEDUCING NINONG AMADEUS

Simula pagkabata, humahanga na si Alliana sa Ninong niyang si Amadeus isang propesor. Kaibigan ito ng kanyang mga magulang at isa sa mga taong naging sandigan ng pamilya niya noong bata pa siya. Kahit noon pa man, alam na ni Alliana sa sarili niya na hindi lang basta paghanga ang nararamdaman niya sa kanyang Ninong. Tahimik niyang pinangarap na balang-araw, kapag siya’y ganap nang dalaga, baka sakaling mapansin din siya nito. Lumipat ang pamilya nila sa Vancouver Canada, at doon siya lumaki. Nang bumalik siya sa Pilipinas, isa na siyang kolehiyala. Dahil hindi na makakauwi sa Pilipinas ang kanyang mga magulang, ipinagkatiwala siya kay Amadeus na hindi lang ngayon ay guardian niya, kundi isa rin sa magiging propesor niya sa unibersidad. Sa tabi mismo ng condo unit ni Amadeus siya nanirahan. Mula nang magkita silang muli, hindi nawala ang pagkamangha ni Alliana sa kanya. Hindi pa rin ito nag-asawa. May dalawampung taon ang agwat ng edad nila, pero lalong lumalim ang damdamin ni Alliana sa araw-araw na kasama niya ito. Nakikita niya kung paano ito igalang ng mga estudyante, kung gaano ito ka-organisado at katalino, at kung gaano ito ka-dedicated sa trabaho. Ngunit gaano man siya lumapit, tila may dingding pa rin sa pagitan nila. Turing pa rin sa kanya ni Amadeus ay isang bata. Isang inaanak na kailangang alagaan at ituwid. Nagpasya siyang akitin ito sa kahit paanong paraan na alam niya, at kung hindi pa rin ito bumigay sa kanya tutuluyan na niya itong kakalimutan talaga at ibabaon ang damdamin para rito.
Romance
2.1K viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
That Summer...the Rain Pours

That Summer...the Rain Pours

LorieMeTangerine
Sa labis na kagustuhan ni Gabrielle na mabawasan ang guilt sa pagkawala ng kanyang kapatid ay sinikap niyang gawin ang lahat para sa ikabubuti ng kanyang mga estudyante lalo na at buhay na ng mga ito ang nakataya. Para sa kanya, wala nang mas lulungkot pa sa naging buhay niya. Walang pamilya. Mag-isa. Miserable. Hanggang sa dumating sa buhay niya ang isang lalaki sa katauhan ni Zierelle Montefalcon. Hindi niya alam kung biyaya ba ang pagdating nito sa buhay niya o isang pagkakamali. Pagkakamali, kung hahayaan niya ang kanyang sariling tanggapin ito sa buhay niya at umasa siyang mayroon ulit siyang taong maaasahan sa tabi niya. Sa ilang taong namuhay siya nang mag-isa, natuto na siyang walang ibang inaasahan pa kundi ang sarili lamang niya. She became an independent woman as she wanted to be. But fate interfere. Some things won't go as planned. Namalayan na lamang niya ang kanyang sarili na unti-unti nang nanghihina ngunit sa isiping nasa tabi niya lang ang lalaki ay nanatili siyang malakas at natuto siyang magtiwala na tutulungan siya nitong hanapin ang kapatid niya. How about the boy with yellow umbrella? Patuloy niya itong inaalala dahil naroon ito sa tabi niya noong mga panahong nawala ang kapatid niya. Pagkakatiwalaan niya kaya ang isang aroganteng police officer para mahanap ang dalawang taong matagal na niyang hinahanap? How will she find them when her only clue is.... That summer...the rain pours.
Romance
104.7K viewsจบแล้ว
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
THE BULLY'S OBSESSION ( BROTHERS SERIES#1)

THE BULLY'S OBSESSION ( BROTHERS SERIES#1)

InkNylde
Norienette Boado is an ugly nerd if they call her and everyone thinks she is a useless trash na pwedeng itapon at paglaruan. Bata pa lang si Norienette ay nararanasan nya nang mabully because her ugly appearance pero hindi nya na lang pinapansin ang mga pangugngutya nang ibang tao dahil naniniwala sya na pantay pantay lahat nang tao sa mata nang diyos. She is a simple student studying at a famous universty ‘yon ang Brent International School. Gaya nang ibang estudyante ay gusto nya ding makapagtapos nang pag aaral at magkaroon nang magandang kinabukasan. Tahimik ang pag aaral nang dalaga pero agad nabulabog nang mabully sya nang isang sikat na leader ng Gang na si Duke Shintaro Qutierrez labis na kinabahan ang dalaga dahil kilala ang binata na isang ma angas na estudyante at kaya nitong pumatay nang tao. Shintaro ay isa sa kinatatakotan nang lahat sa Brent International School maliban sa kaya nitong pumatay kung gusto nya eh kaya din nya angkinin lahat nang mayroon ka. Gusto nang binata na pahirapan nang husto si Norienette dahil ‘yon ang gusto nya hindi nya man lubos nakilala ang dalaga pero kumukulo ang dugo nang binata kung nakikita nya ang panget na mukha nang dalaga sa hindi nya alam ang dahilan. Kaya gusto nyang pahirapan ang dalaga hangga't ang dalaga na mismo ang mag mamaka awa sa kanya na patayan sya. May magagawa ba ang dalagang si Norinette para patigilin si Shintaro sa pagpapahirap sa kanya or habang buhay na lang sya sa na mag papaalipin kay Shintaro hanggang sa mamatay sya sa kamay nito mismo? Ano kaya ang dahilan bakit gustong gusto niyang nakikitang nahihirapan si Norinette.
Romance
1.4K viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
ก่อนหน้า
1
...
1011121314
...
50
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status