WILD FANTASY (FILIPINO)
“Mas mainam na iyon, sa panahon kasi ngayon marami sa mga lalaki ang naghahanap ng ganyan. Hindi katulad noong panahon namin na importante ang virginity.”
“Ayoko kasing matulad kay nanay, iyon po ang talagang iniiwasan ko,” pagsasabi niya ng totoo saka tumayo para buksan ang TV. “baka nakalimutan na ninyo iyon inabangan ninyong series sa hapon. Hayan, sakto,” aniyang napangiti nang masilayan sa screen ang isang perpektong mukha. “ang gwapo talaga ni Andrew Scott ano Mama? Kinikilig talaga ako sa kanya,” mabilis na mabilis na nagbago ang mood ni Lana pagkakita sa hinahangaang actor.