กรองโดย
กำลังอัปเดตสถานะ
ทั้งหมดยังไม่จบจบแล้ว
จำแนกโดย
ทั้งหมดเป็นที่นิยมที่แนะนำคะแนนการอัปเดต
The Unwanted Heiress

The Unwanted Heiress

Si Felicia ay isang batang ulila na may pambihirang talino at diskarte. At isang utak kriminal kung tutuusin, pero hindi kailanman ginamit sa kasamaan.  Sa murang edad, naging banta na siya sa kapulisan at naging pakay ng mga pinuno ng kriminal na sindikato. Hangad nilang gamitin ang galing ni Felicia para sa pansariling kapangyarihan. Ngunit isang gabing puno ng panganib ang tuluyang nagbago sa kanyang kapalaran. Iniligtas ni Felicia ang mga anak ng mayaman na biktima ng kidnapping, at hindi niya alam na doon na magbabago ang tadhana ng buhay niya. Tinulungan siya ng isang binatilyo at pinapanggap na apo ng pinakamaimpluwensyang businessman sa boung mundo at nakuha niya ang pansin nang matandang businessman na iyon na matagal nang naghihinagpis sa pagkawala ng kanyang pinakamamahal na apo. Inampon siya ng matanda at ginawa bilang huwad na tagapagmana. Kahit batid ng matanda ang buong katotohanan, buong puso niya itong tinanggap bilang apo, sa hangaring makaramdam muli ng init ng pamilya bago siya tuluyang mamaalam. Pero hindi ganoon kadali ang buhay sa loob ng mansyon. Ang mga magulang ng nawawalang bata ay malamig at mapanakit. Ang kanyang stepsister, parang ahas na laging handang manira.  Hindi niya ginusto ang lugar na ito, pero pinili niyang manatili, para tuparin ang hiling ng tanging taong naniwala sa kanya. Hangad lang ni Felicia na maging mabuting apo. Pero kailanman ay hindi naging sapat ang kabutihan sa mundong puno ng kasinungalingan at inggit. At sa likod ng bawat ngiti sa mansyon, may mas malalim palang lihim… Isa siyang pamalit.... Pero baka siya rin ang susi sa pagkawasak o pagsalba ng pamilyang ito. At kung aapakan siya ng mga taong dapat ay pamilya niya... Pasensya na lang sila. Hindi siya ang tipo'ng basta na lang magpapatalo. Dahil siya ay si Felicia o nagtatago sa pangalan ni Lucia Moretti. *****
Mafia
1012.1K viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
The Other Dimension

The Other Dimension

Tet Cruz
Sa kabila nang modernisasyon ng mundo ay tahimik na nabubuhay ang grupo ng mga engkantao sa Mt. Talumpit. Sila ang mga nilalang na naging bunga ng pagmamahalan ng mga engkanto at tao noong panahong bago pa man dumating ang mga dayuhang mananakop. Nakalimutan na sila ng mga tao at itunuring na isa na lamang kwentong-bayan. Si Seiri Santos ay anak ng isa sa pinakamayamang negosyante sa Quezon City. Si Matuk ay itinuturing na susunod na pinuno ng mga engkantao. May forever ba kung sakaling bigyan nila ng chance ang isa't-isa? O isa lang itong kaso ng pinagtagpo ngunit di itinadhana?
Fantasy
2.3K viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
I'M THE BILLIONAIRES SLAVE

I'M THE BILLIONAIRES SLAVE

Sa isang mundong pinaghaharian ng yaman at kapangyarihan, ipinanganak si Elena Cruz sa kahirapan. Maganda siya—mala-porselanang kutis, brown ang mata, at may alindog na kahit sa simpleng ayos ay nakakakuha ng pansin. Pero sa likod ng ganda, puno ng sugat ang kanyang buhay—ama niyang lulong sa sugal at inang kasambahay sa pamilya ng mga Monteverde, isa sa pinakamayamang angkan sa bansa. Isang gabi, nagbago ang lahat. Sa desperasyon at gutom, nagnakaw ang kanyang ama mula sa mansion ng mga Monteverde—isang kasalanang nahuli sa CCTV. At nang mabunyag ito, nasira hindi lang ang tiwala, kundi pati ang buhay nilang mag-ina. Sa gitna ng kahihiyan, pagkakautang, at apoy na sumunog sa kanilang tahanan, namatay ang kanyang ina sa konsensya at pangamba, habang nagtatago naman ang ama. Walang ibang natira kay Elena kundi ang pangalang minantsahan ng kasalanan. Hanggang sa isang gabi, muling tumagpo ang landas nila ni Lance Monteverde—ang bilyonaryong CEO na anak ng among pinagsilbihan ng kanyang ina. Malamig, makapangyarihan, at walang pakialam sa pag-ibig. Ngunit sa kabila ng lahat, tila may kakaibang puwersang nagtulak sa kanya na iligtas si Elena mula sa kamay ng mga mapang-abusong nanghihingi ng utang. Kapalit ng kaligtasan, isang alok ang binitawan ni Lance: “Babayaran ko ang lahat ng utang mo, Elena. Pero may kapalit... ikaw.” Sa pagitan ng utang, galit, at pag-ibig na unti-unting tumutubo sa gitna ng poot—mapipilitan si Elena na maging asawa ng lalaking kinaiinisan at kinatatakutan niya… ang lalaking unti-unti ring matututo kung ano ang tunay na halaga ng pag-ibig at pagkatao. Ngunit sa mundo ng mga Monteverde, walang libre. At sa dulo ng bawat pangako, may kapalit na kalayaan.
Romance
378 viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
Lustful Affair

Lustful Affair

Dahil sa isang gabi ng pagkakamali, nagsimula ang pagmamahalan ng mag-among sina Magnus at Milana. Ngunit sa pagbabalik ng nakaraan ng dalaga, ang inaakalang magiging maayos na relasyon ay biglang naging magulo. Maipaglalaban kaya ng dalawa ang kanilang pagmamahalan o magpapadala sila sa bagsik ng nakaraan?
Romance
102.2K viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
RED ROOM: Tagalog SPG Hot Stories

RED ROOM: Tagalog SPG Hot Stories

Kalipunan ng mga maiinit na kwento ng pagnanasa, tukso, at bawal na pag-ibig. Mga kwentong magpapaalab ng damdamin at maghahatid ng init sa bawat pahina.
Romance
12.2K viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
My Mother’s Fiancé: Yes, Daddy Governor

My Mother’s Fiancé: Yes, Daddy Governor

Napilitang mag-extra sa bar si Danica Olivarez bilang tindera ng sigarilyo at mga alak para sa mayayamang customer dala ng pangangailangan para sa operasyon ng kanyang ina. Hindi niya inakalang may estrangherong ubod ng gwapo at misteryoso na mag-aalok ng malaking halaga kapalit ng isang gabi sa kama. Dahil sa desperasyon, pumayag siya, at ang perang iyon ang nakatulong sa operasyon ng ina at pagtatapos niya sa kolehiyo. Pagkaraan ng tatlong taon sa Maynila, umuwi siya para sa kasal ng ina, ngunit halos bumagsak ang mundo niya nang makilalang ang mapapangasawa nito ay si Zachary Cuevas, ang gobernador ng probinsya, at ang lalaking minsang bumili ng kanyang dangal. Paano siya makikisalamuha sa magiging ama kung bawat tinginan nila ay bumabalik ang alaala ng gabing iyon, lalo na’t tila mas lalo pa itong lumalapit sa kanya?
Romance
418 viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
The Boss and His Secretary

The Boss and His Secretary

Lumaking hirap sa buhay ang 24 years old na si Trisha Julianna Brenzuela mula nang iwan sila ng kaniyang ina matapos mamatay ang kaniyang ama. Hindi natapos ang kaniyang pagdurusa matapos naman siyang hiwalayan at ipagpalit ng fiancé niya sa kaniyang kaibigan. Sa kadahilanan ng dagok ng buhay nang mawalan siya ng trabaho at magkasakit ang kaniyang kapatid. Ginawa niya ang lahat kahit na maging isang bayaran sa loob ng isang gabi upang makalikom lamang ng malaking halaga ng pera para sa operasyon ng kapatid niyang may autism. Sa hindi inaasahan, ang childhood enemy niyang si William na kasalukuyang CEO ng Aveedra Electronics Company, ang lalaking naka-one night stand niya at magiging boss rin niya sa trabaho. Ang siyang magiging contract husband niya nang palihim sa loob nang ilang buwan. Ngunit, nang nahulog na ang loob nila sa isa't isa, eksakto namang dumating ang fiancée nito na itinalaga ng pamilya Cervantes at Smith para sa nakaplanong arrange marriage ng dalawa ilang taon na ang nakalilipas. Paano pa maipaglalaban ng dalawa ang kanilang lihim na relasyon mula sa mga magulang ng dalawang kilalang makapangyarihang pamilya? Matapos mabigo ng mga masasamang tauhan ng pamilya Smith mula sa pagtatangka. Magbabalik si Trisha para ipakilala ang kaniyang sarili sa bagong katauhan bilang isang tunay na anak ng kilala at mayamang pamilya Del Fuego.
Romance
103.7K viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
My Stepbrother’s Touch (Tagalog)

My Stepbrother’s Touch (Tagalog)

Nangako si Alessandra na si Fredrinn lamang ang pakamamahalin at aalayan ng sarili habambuhay matapos nitong iligtas siya mula sa isang sunog. Pinakasalan siya ng lalaki, ngunit agad rin sinundan ng trahedya– ang biglaang pagkasawi ng kaniyang ama at madrasta. Sa gitna ng pagdadalamhati, unti-unting lumabas ang tunay na kulay ng kaniyang asawa. Sinaktan, ipinagpalit sa ibang babae, at pinatay para lang makuha ang kaniyang kayamanan. Binigyan siya ng pangalawang pagkakataon para baguhin ang kaniyang kapalaran. Pipigilan niya ang sarili na mahulog sa kamay ng lalaking sumira sa kaniya. Sa muling pagdilat ng kaniyang mga mata, ang mukha ng lalaking pinakaayaw niya ang bumungad sa kaniya– si Rafael Villareal, ang kaniyang stepbrother. Paano kung sa muling pagtibok ng kaniyang puso, ay sa maling tao pa rin siya mapunta? Paano kung handa na siyang piliin ng taong mahal niya, ngunit ang kapalit ay ang pagkasira ng sariling pamilya? Ipaglalaban niya ba ang pag-ibig, o susuko na lang sa itinakda ng tadhana?
Romance
10245 viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
From Cradle to Heart: The Billionaire’s  Hired Nanny

From Cradle to Heart: The Billionaire’s Hired Nanny

Sa gitna ng kalungkutan at pagsubok, isang sanggol ang nagbigay ng liwanag sa madilim na buhay ni Reinella. Matapos mawala ang kanyang sariling anak, sinisi siya ng kanyang biyenan at tila pinabayaan na rin ng kanyang asawa. Ngunit ang pagtanggap niya sa isang sanggol na iniwan ng kanyang ina ang nagbukas ng pinto sa isang bagong yugto ng kanyang buhay. Hindi niya inasahan na ang sanggol na ito ang mag-uugnay sa kanya kay Reed Montgomery, ang misteryosong presidente-direktor na ama ng bata. Sa pag-aalaga niya sa sanggol, natagpuan ni Reinella hindi lamang ang kanyang sariling lakas kundi pati na rin ang init ng isang posibleng pag-ibig. Ngunit puno ng lihim at hadlang ang kanilang daan. Magiging simula kaya ito ng isang masayang wakas, o isa na namang pagsubok para kay Reinella?
9.889.4K viewsจบแล้ว
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
The CEO's Wallflower: His Wife in Name Only

The CEO's Wallflower: His Wife in Name Only

Knock Knock “Boss?” “Come in.” Pagkatapos ng pahintulot, agad na bumukas ang pinto ng opisina. “Narito na po ang mga dokumentong kailangan ninyo.” “Dalhin mo rito,” utos ng lalaki. Nag-aatubili ang sekretarya na lumapit—marahil dahil naroon pa ang ina ng kanyang boss at ayaw niyang makisali sa usapan. Maingat na lumapit ang dalagang may maayos na tindig, at iniabot ang mga dokumento sa presidente ng kompanya na nakaupo sa kanyang upuan. Ngunit sa halip na kunin ang folder, hinawakan ng lalaki ang kamay niya at hinila siya paupo sa kanyang kandungan Nanlaki ang mata ng babae, nanigas sa gulat, at hindi makapagsalita. “Lorien! Anong ginagawa mo sa kanya?!” Napabalikwas ng tayo ang ina ng lalaki sa labis na pagkagulat. “Mula ngayon, hindi mo na kailangang uminom ng pills. Gusto na ng mama ko ng apo.” “Ano???” Nagulat si Madame Hazel sa narinig mula sa anak.
Romance
1011.4K viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
ก่อนหน้า
1
...
2021222324
...
50
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status