Ang Asawa Kong Artista
Karilxxlife lesson quotes tagalogsacrifice magulang quotesrole playing script tagalogcrisostomo ibarra monologue script tagalog
“Masyadong mabigat ang tungkulin ng isang CEO. Mabuti pa sa pag-aartista—ang poproblemahin ko lang ay ang pagod sa trabaho ko!”
Si Luigi Ibarra, na nakasuot pa ng casual na damit mula sa rehearsal niya sa studio, ay nakatayo sa gitna ng sala, ang mga kamay ay nasa magkabilang gilid, mahigpit ang pagkakakuyom. Sa harap niya ay ang kanyang ama, si Sergio Ibarra, ang makapangyarihan at kilalang negosyante. Nakatayo rin ito at ang kanang kamay ay mahigpit na hawak ang isang baso ng alak.
“Lahat ng meron tayo—lahat ng kayamanan, ang pangalan ng mga Ibarra—nasa balikat mo! Hindi mo ba naiintindihan na ikaw ang nag-iisang tagapagmana ko?”