Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
ISLA FERRER: Unspoken Sacrifice

ISLA FERRER: Unspoken Sacrifice

"Let's file an annulment, Isla..." Ibinigay ni Isla Ferrer ang lahat-lahat sa pinakamamahal niyang asawa na si George Madrigal. Mula sa pagmamahal, oras, atensyon at salapi. Subalit imbes na suklian ng kaakibat na pagmamahal, isang pagtataksil ang ginawa ng kanyang asawa at balak pang pakasalan ang kabit nito, dahilan kung bakit tuluyang nawasak ang puso ni Isla. Dahil sa sakit na ipinaramdam ni George sa kanya, ipinapangako ni Isla sa sarili niya na gaganti siya sa mga taong nanakit sa kanya. Kahit pa pabagsakin ang sarili niyang asawa na minsan na niyang minahal at sinamba. At sa kanyang pagbangon, mapagtatagumpayan kaya ni Isla ang balak niyang paghihiganti? O muli lang na manunumbalik ang dati niyang pagmamahal sa lalaki. Hanggang saan dadalhin si Isla ng galit na bumabalot sa kanyang puso? Magawa kaya niyang pabagsakin ang negosyo at ang pamilya Madrigal? Kayanin kaya niyang paghigantihan ang pamilyang naging ikalawa niyang tahanan?
Romance
103.0K viewsOngoing
Read
Add to library
The Unwanted Wife's Second Chance

The Unwanted Wife's Second Chance

Sa ika-dalawang anibersaryo ng kasal ng mag asawang Enrico Dela Muerte at Carmina Ocampo ay parehas silang may gustong sabihin sa isa’t isa. Hindi pinairal ni Carmina Ocampo ang kasabihang ‘ladies first’ sa kadahilanan na gusto niya munang marinig kung ano ang inihandang surpresa ng kaniyang asawa para sa kaniya. Subalit, biglang naghain ng divorce si Enrico na sobrang ikinagulat ni Carmina. Ikinagulat ito ni Carmina sapagkat, gano’n ba kabilis? Gano’n lang siya kabilis bitawan ni Enrico? Tumulo ang luha ni Carmina habang hawak sa kaniyang kamay ang isang pregnancy test sheet na nasasabik niya sanang ibabahagi kay Enrico para sa kanilang anibersaryo. Dahilan sa halo halong emosyon na nararamdaman ni Carmina ay hindi na niya naiwasang itanong kay Enrico kung paano kung sabihin niya na magkakaroon na sila ng anak? Ngunit hindi inaasahan ni Carmina ang naging sagot sa kaniya ni Enrico---bumalik na ang totoong minamahal ni Enrico. Makalipas ang ilang buwan, habang tinatahak ni Carmina ang kalsada upang tumawid, naramdaman niya ang kakaibang sakit ng tiyan niya kaya bigla siyang napahinto sa paglalakad, ‘manganganak na ata ako’, wika niya sa kaniyang sarili. Eksaktong hinto ni Carmina ay siya namang naramdaman niya ang sakit mula sa pagkabunggo ng isang sasakyan sa kaniya. Eksaktong kasal ni Enrico at siya ay nasa simabahan nang mabalitaan ang nangyari kay Carmina at agad itong lumisan. Humahangos, nakarating siya sa ospital kung saan dinala si Carmina at hindi siya makapaniwala sa kaniyang nakita---DUGO! Nababalot ng dugo si Carmina at kitang-kita niya itong naghahabol ng hininga at paulit-ulit na sinasambit, ‘Pakiusap, pakiusap, iligtas n'yo ang anak ko.
Romance
1015.6K viewsOngoing
Read
Add to library
My Maid is My Missing Wife

My Maid is My Missing Wife

Si Bella Monteverde, pinanganak galing sa mayaman na pamilya. Isang tagapagmana, subalit dahil sa pag-ibig, tinakwil siya ng sarili niyang pamilya. Hanggang sa dumaan ang ilang buwan. Ipinaghiwalay sila ng tadhana ng kaniyang asawa na si Brent De Guzman. Tunay na pagmamahal ang ibinigay nila sa isa't isa. Isang bulag si Brent. Ngunit, ginawa pa rin ni Bella ang lahat upang ipaglaban nito ang kaniyang asawa sa pamilya niya. Hangang sa isang araw, pumunta siya sa hospital dahil masama ang pakiramdam niya. Naging masaya naman si Bella dahil buntis pala siya. Ngunit, pagbalik niya sa kanilang bahay ay hindi na niya naabutan ang asawa niya. Tanging mapanakit na sulat na lang ang natanggap ni Bella. Pitong taon ang nakalipas. Muli siyang bumalik, ngunit hindi na siya tinaggap ng kaniyang ama base sa sinabi ng stepsister niya. At ngayon ang pamana na dapat kay Bella ay pilit na kinuha ng kaniyang step sister. Kahit nagawa man ni Bella ang lumapit sa pamilya niya para sa pagpapagamot ng anak niya. Ay naging walang saysay pa rin ito. Subalit, patuloy pa rin na lumaban si Bella. Hanggang sa hindi niya sinasadyang makatagpo ang isang matanda. Ang matandang ito ay nagpanggap bilang isang pulubi. Subalit, sa likod nito siya ang lolo ni Brent. Na siya ring dahilan nang muling pagkikita ni Bella at ni Brent. Ngunit sa kasamaang palad, hindi na si Bella ang kinikilalang asawa ni Brent. Dahil kinuha ng stepsister niya ang bagay na 'to at nagpanggap bilang si Bella. Gayunpaman, ay nais ng lolo ni Brent na ikasal si Brent kay Bella. Saan hahantong ang ganitong buhay? Muli kaya niyang maibabalik ang kaniyang asawa sa piling niya? Muli kaya niyang mababawi ang dapat para sa kaniya?
Romance
1040.1K viewsCompleted
Read
Add to library
Dirty Secret of the CEO's Wife

Dirty Secret of the CEO's Wife

Wild and immodest are just a few words na ikinakabit sa pangalan ni Atashia Magnoia. Bakit? Anak kasi siya ng isang babaeng mababa ang lipad. People condemn her because of her mother's work. Dahil dito kaya simula noong bata pa siya ay pilit niyang pinatutunayan sa lahat na iba siya sa kaniyang ina. Sa kabila ng pangmamaltrato na kaniyang nararanasan, hindi niya magawang iwanan ang kaniyang nanay. Wala kasi siyang ibang matatawag na pamilya maliban dito. Hanggang sa dumating si Lance Henzon sa buhay ni Atashia. Wala siyang pakialam sa kung anuman ang kinamulatan na buhay ng dalaga. Sa kabila ng pagiging CEO ng Henzon Group of Companies, walang takot niyang aalisin ang babaeng minamahal sa putikan na kinasasadlakan nito, kahit kapalit noon ay madungisan ang apelyido na iniingatan niya. Handa siyang maging tanga at katawa-tawa sa ngalan ng pag-ibig. Pakakasalan niya si Atashia dahilan para isumpa siya ng kan'yang buong pamilya. Iiwan n'ya ang karangyaan at magtratrabaho siya bilang isang construction worker para buhayin ang kaniyang asawa. Sa kabila ng hirap, magiging masaya silang dalawa. Ngunit isang aksidente ang babago sa lahat. Sa muling pag-gising ni Lance, mamumulat siya sa katotohanan na ang kan'yang asawa ay nakalimutan na ang kanilang sumpaan at naging katulad na rin ng kaniyang biyenan. Bukod pa roon, may anak na si Atashia na pilit ipinaaako sa kaniya. Ang pusong dating wagas kung magmahal ay babalutin ng matinding poot at kasamaan na magdudulot ng matinding sugat sa mga puso nila. Ang kasal na nagbibigkis sa dalawa ay tatalikuran ni Lance at sa iba niya hahanapin ang panibagong kaligayahan. Ngunit paano kung gawin ni Atashia ang lahat upang muli siyang mapaibig, babalikan n'ya pa rin ba ang kan'yang asawa sa kabila ng pagkakaroon nito ng dirty secret?
Romance
1024.2K viewsCompleted
Read
Add to library
She Was My Wife, Never My Love—Until I Lost Her...

She Was My Wife, Never My Love—Until I Lost Her...

"Asawa niya ako, pero hindi kailanman minahal." Sa loob ng isang taon, tiniis ni Anessa ang malamig na pagtrato ni Bart Divinagracia—ang CEO na asawa niyang itinuring siyang wala. Isang kasal na itinali ng obligasyon, hindi ng pag-ibig. Isang pusong tahimik na nasasaktan, umaasang mamahalin din siya balang araw. Pero hanggang kailan siya maghihintay? Nang siya’y tuluyang iwan, doon lang napagtanto ni Bart ang halaga ng babaing dati’y hindi niya pinansin. Ngayon, handa siyang bawiin ang pusong sinayang niya—pero may babalikan pa ba kaya siya? O huli na ang lahat?
Romance
1045.1K viewsCompleted
Read
Add to library
MARRIED to a HEARTLESS COWBOY

MARRIED to a HEARTLESS COWBOY

(First Generation 5) Pilit na ipinakasal ng kanyang mga magulang si Terrence Mikael Saavedra kay Corazon Villaluna kahit pa may iba na siyang mahal kaya naman ipinangako niya sa sarili na gagawin ang lahat para magdusa sa piling niya ang asawa. Bata pa lang si Corazon ay gusto na niya ang binatang si Terrence kaya nang mabigyan siya ng pagkakataong maikasal silang dalawa, hindi na niya ito pinakawalan pa. Subalit sa kanilang pagsasama imbes na magiging masaya siya ay puro pait at hinagpis lamang ang kanyang nararanasan sa piling ng kanyang asawa. Darating kaya ang araw na matututunan siyang mahalin ng asawa o susuko nalang siya? Paano kung muling magbalik ang babaeng mahal ni Terrence sa buhay nila? Handa ba niyang ipaglaban ang kanyang karapatan bilang legal na Mrs.Corazon Saavedra?
Romance
1014.2K viewsCompleted
Read
Add to library
Comeback Revenge: Breaking My Cruel And Heartless Husband's

Comeback Revenge: Breaking My Cruel And Heartless Husband's

Sa limang taong kasal ni Daisy Lopez at Kent James Hernandez, pinanatili ni Daisy na maging maayos ang lahat kahit pa niyuyurakan na ang kanyang dignidad at pagrespeto sa sarili. Akala niya na kahit walang pag-ibig at siya lang ang nagmamahal, ay dapat na buo at kumpleto ang isang pamilya. Hanggang sa araw na nalaman niya na malubha na ang sakit ng kanyang nag-iisang anak at kasabay ng balita tungkol sa annulment ng kasal niya kay Keint. May umusbong na pag-asa sa puso ni Daisy dahil sa wakas, hindi na niya kailangan magpanggap pa bilang asawa ni Kent James. Ngunit hindi pumayag ang malupit niyang asawa, at nagbigay ng suhol sa lahat ng media at lumuhod sa harap niya, humihiling ito sa kanya na bumalik siya sa buhay nito. Pero humarap si Daisy sa dating asawa na may kasamang ibang lalaki at magkahawak ang kanilang kamay upang ipakita na may mahal na siyang iba.
Romance
10680 viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Two Wives

The Billionaire's Two Wives

"Karma has no menu. You get served what you deserve." Nang pagtaksilan ni Megara ang karelasiyon niya nang limang taon para sa lalaking si Russel, hindi niya kailanman naisip na babalikan siya ng karma. Buong akala niya ay siya lang ang babae sa buhay ng asawa, pero isang araw ay dumating sa harap niya si Narissa. Napag-alaman niyang kabit ito ni Russel ngunit pangalawang asawa ang pakilala nito sa kaniya. Kahit anong pakiusap at pagtataboy, hindi iniwan ng dalaga si Russel. Hanggang kailan niya matitiis ang paghihirap ng damdamin kasama ang asawa at ang kerida nito sa iisang bubong?
Romance
1023.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Mistress On-Duty (PEG SERIES: 1)

Mistress On-Duty (PEG SERIES: 1)

SYNOPSIS: Leila Reign Dominguez is an elite mistress of the most well-known CEO in the business world. Walang ibang hangad ang puso niya kundi ang mapasa kanya ang lalaking minamahal kahit may kahati siya rito. She tortured herself as the second, a mistress, and a prey of the most prominent person in her life. Ginawang magpaka baba para sa taong mahal niya. They have past that hard to forget. Kaya noong nag offer si Rameses Vin Salgado sa kanya bilang mistress nito ay kaagad siyang pumayag dahil sa kanyang pagmamahal dito. She fulfills her duty as a mistress habang wala ang asawa nito sa tabi. Lingid sa kaalaman ni Leila nagkaroon ng amnesia si Ram at pinakasal siya ng kanyang mga magulang sa isang mayaman at kilalang pamilya. Nang maalala na ni Ram ang nakaraan nilang dalawa ni Leila ay kaagad nag offer ng proposal ang huli kay Leila. Leila has no idea that Ram still loves her and never forget their past. Boung pag aakala niya na hindi na siya mahal ni Ram dahil iniwan siya nito at nagpa kasal sa iba. Nang malaman ng asawa ni Ram na nagkaroon ito ng relasyon sa isang secretary ay kaagad nitong nakipag kita kay Leila. Hindi nagpa tinag si Leila o na sindak sa asawa ni Ram. Kaya ng hindi tumalab ang ginawang komprontasyon ng asawa ni Ram na si Suzy kay Leila ay kaagad itong nagsa gawa ng ibang plano. Magagawa kayang pag hiwalayin ang pagmamahalan na naka kubli pa sa nakaraan? Leila lost and broken again because of the love that is not meant for her. Is she be able to find the love that she wanted? Or be able to find herself way back to him again.
Romance
10346 viewsOngoing
Read
Add to library
Marrying My Ex-Husband's Best Friend

Marrying My Ex-Husband's Best Friend

Walang maramdaming kahit na katiting si Lucilia mula sa asawa. At kinamumuhian siya ng anak niyang lalaki dahil gusto nito ng ibang nanay. Hanngang sa mapagod at mapuno na si Lucilia ay nakipaghiwalay siya sa asawa. Iniwan niya ito. Umalis siya kasama ang anak na babae. Nagpatulong siya para ma divorce sa asawa sa pinakasikat at high paid na lawyer na si Donovan, na best friend ng asawa niyang si Nolan. Matagal ng gusto ni Donovan si Lucilia pero naunahan siya ni Nolan. Pero ngayon ay hindi niya na palalampasin ang pagkakataon na mapasakanya si Lucilia. Kaya gumawa siya ng kasunduan na tutulungan niya si Lucilia na ma divorce sa asawa kung papayag itong magpakasal sa kanya pagkatapos. Papayag ba si Lucilia? Makukuha ba ni Donovan si Lucilia? Abangan ang kwento nina Donovan at Lucilia...
Romance
8.79.6K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
1213141516
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status