Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Billionaire's Debt-Paid Wife

The Billionaire's Debt-Paid Wife

Isang iglap, nagbago ang buhay ni Ava Santos nang tumakas ang kanyang kapatid na si Bella sa mismong araw ng kasal nito sa bilyonaryong si Alexander Valderamos. Dahil sa matinding utang at banta ng pagkasira ng kanilang pamilya, napilitan si Ava na palitan ang kapatid at humarap sa altar sa ilalim ng isang kasinungalingan. Ngunit hindi lingid kay Alexander ang nangyari—alam niyang hindi si Bella ang kanyang pinakasalan. Sa kabila nito, itinuloy niya ang kasal dahil may sarili siyang plano. Sa ilalim ng isang malamig na kasunduan, ginawang legal na asawa si Ava kapalit ng pagbura sa utang ng kanyang pamilya. Sa loob ng isang taon, kailangan niyang gampanan ang papel bilang perpektong maybahay, habang itinatago ang tunay niyang pagkatao. Sa marangyang mundo ni Alexander, unti-unting naramdaman ni Ava ang pagiging bilanggo—isang babae na itinuring na kapalit sa isang transaksyon. Habang lumalalim ang kanyang paghihirap, nahaharap siya sa malamig at mapaglarong ugali ng kanyang asawa. Sa isang relasyong puno ng kasinungalingan at kontrol, kakayanin ba ni Ava na panatilihin ang sarili, o tuluyan na siyang mawawala sa mundong hindi niya pinili?
253 viewsOngoingAdded to Library 8 Times as aswang sa probinsya
Read
+Library
The Betrayed Wife's Revenge

The Betrayed Wife's Revenge

Sa loob ng dalawang taon ng kanilang pagsasama, natuklasan ni Aliyah na ang kanyang pinakaiingatang sertipiko ng kasal ay isang huwad. Sa kanyang pagtatangkang komprontahin ang asawang si Frederick, hindi niya sinasadyang marinig ang katotohanan—ang lalaking nagpakita ng walang kapantay na pagmamahal sa kanya sa loob ng anim na taon ay matagal na palang kasal sa kanyang guro, na mas matanda pa sa kanya. Hindi lamang siya ginamit bilang isang panakip-butas, kundi pinaratangan pa siyang baog at pinilit na mag-ampon ng anak na dalawa. Sa matinding pagkadismaya, tinawagan ni Aliyah ang abogadong nangangalaga sa kanyang mana at buong diin na sinabi: "Walang asawa, walang anak, ako ang tanging tagapagmana." Iniwan ni Aliyah ang pamilyang Finch, habang si Frederick ay kampanteng naghihintay sa kanyang pagbabalik, umaasang magmamakaawa siya para sa tulong. Ngunit isang araw, nasaksihan ni Frederick ang hindi inaasahang paglitaw ni Aliyah sa pambansang telebisyon, kung saan ipinahayag ang kanyang pagpapakasal sa isang lalaking may angking yaman at kapangyarihan. Sa gitna ng atensyon, nakatayo si Aliyah sa tabi ng lalaking ito, tinatanggap ang mga pagbati at inggit ng nakakarami.
535 viewsOngoingAdded to Library 17 Times as aswang sa probinsya
Read
+Library
Call Me, Kuya!

Call Me, Kuya!

Nag-iisa niyang tinaguyod ni Unique ang kanyang pamilya kaya bukod sa pagtitinda ng balut sa gabi ay naisip niya na magtrabaho bilang secretary sa malaking building na naghahanap ng secretary, dahil confidence siya na matatanggap siya sa trabaho dahil nakapagtapos naman siya ng highschool. Pero sa pag-apply niya ng trabaho at sa pag-aakala ni Unique na natanggap ito bilang sekretarya ang maging trabaho niya pero iyon pala ay magpanggap si Unique na anak sa nagmamay-ari ng building na tinatrabahuan nito. Kaya niya bang tanggapin ang alok nito kapalit ng malaking halaga para sa kanyang pamilya? Hanggang kailan ang kaya niyang magpanggap kung sa kabila ng lahat may nararamdaman na siya na pag-ibig sa anak ng kanyang tinuturing na magulang?
8.827.2K viewsCompletedAdded to Library 787 Times as aswang sa probinsya
Read
+Library
Melancholic Wife

Melancholic Wife

Puno ng pagdadalamhati si Jenissa Reillen Sarosa-Bennett matapos siyang tangkaing patayin ng mismong asawa niya at ng kaniyang matalik na kaibigan. Nawala sa kaniya ang kaniyang supling kaya ay puno ng galit ang puso niya at ang hangad nito ay ang makapaghiganti sa mga tumaksil sa kaniya. Sa kaniyang muling pag-bangon ay layunin niyang iparanas sa asawa niya at sa kalaguyo nito ang impiyernong minsan niyang naranasan sa mga kamay nila. Wala siyang ibang hangad kun'di makamtan ang hustisya na nararapat lamang para sa kaniya at sa anak niyang nawala. Matutupad kaya ang nais niyang makapag-higanti? Paano kung ang paghihiganting ito ang maging tulay upang matuklasan niya ang katotohanang gugulantang sa kaniyang natutulog na isipan?
1015.1K viewsCompletedAdded to Library 544 Times as aswang sa probinsya
Read
+Library
Ako’y Ibigin Mo, Babaeng Matapang

Ako’y Ibigin Mo, Babaeng Matapang

Si Alexandria Saavedra— Maangas. Basagulera. Walang trabaho. May bisyo. Matigas pa sa adobe ang puso. Higit sa lahat, galit sa mundo. Lalo na sa sariling amang ginamit lamang siya para sa pansariling pangangailangan... Hanggang ang magulo niyang mundo ay binulabog ni Heiz Mikael. Isang binatang basta na lamang sumusulpot sa t'wing nasa panganib ang kanyang buhay. Sa pagdating ni Heinz sa kanyang buhay, 'di inaasahan ni Alexandria na pati na ang nananahimik niyang puso ay ginulo ng binatang ito. . . Sa unang pagkakataon, ang pusong niyang kasintigas ng adobe ay napalambot nito. Subalit isang araw, gumuho ang kanyang mundo nang matuklasan niya ang totoong dahilan nang biglang pagsulpot nito sa kaniyang buhay...
1026.7K viewsCompletedAdded to Library 667 Times as aswang sa probinsya
Read
+Library
Mapaglarong Tadhana

Mapaglarong Tadhana

Warning: Please be advised that this story contains TRIGGER WARNINGS, and POTENTIALLY OFFENSIVE LANGUAGE, VIOLENCE, SEXUAL HARASSMENT, SENSITIVE LANGUAGE ang MATURED THEMES, that not suitable for young audiences. _________ Akala ko ang pagkamatay ni mama at papa ang pinakamasakit na nangyari sa buhay ko hindi pa pala dahil may mas lalong masakit pa na nanaisin ko na lang ding mamatay para makasama si mama at papa. Ang hirap at sakit na dinanas ko sa poder ng tiyahin ko.Ang pagmalupet niga sa akin. Ang pagtalikod sa akin ng mga kaibigan ko noong kailangan ko sila. Ang ipagtabuyan ako ng taong mahal ko at ang pagkamuhi niya sa anak namin dahil isa akong biktima ng panggahasa. Imbis na tulungan,pinili nilang ako ay talikuran at pabayaan. Ngunit sa kabila ng lahat ng pinagdaanan ko may taong taos-pusong tumulong sa akin at inako ang lahat ng responsibilad na hindi niya dapat gawin sa akin. Ngunit ang hindi ko inasahan na ang taong tumulong pala sa akin ay siya pala yong taong sumira ng buhay ko ng buong pagkatao. Ang taong tumulong sa akin siya rin pala ang taong gumahasa sa akin. Gusto ko siyang maparusahan sa ginawa niya sa akin, ngunit sa anong paraan? Ipagkatiwala ko ba iyon sa batas o ako mismo ang gagawa? Ngunit, paano? Gayong sa puntong ito natutunan ko na siyang mahalin. Bakit sa ganitong paraan ako pinaglaruan ng tadhana? Makayanan ko bang ipakulong ang taong mahal ko? Maibigay ko pa ba ang hustisya para sa sarili ko kung ang taong iyon ay parte na ng buhay ko?
106.7K viewsCompletedAdded to Library 140 Times as aswang sa probinsya
Read
+Library
One Night Fate: The Man Behind the Mask

One Night Fate: The Man Behind the Mask

Isang gabi ang naging simula ng pagbabagong hindi inaasahan sa buhay ni Elisse Marquez. Sa gitna ng sakit na dulot ng pagtataksil ng kanyang pinsan at dating kasintahan, tinanggap niya ang imbitasyon ng kanyang kaibigan na dumalo sa isang engrandeng party. Layunin niyang takasan ang kasal ng pinsan niyang sumira sa kanyang tiwala at damdamin. Sa gabing iyon, pinili niyang kalimutan muna ang lahat at magpakalunod sa saya, musika, at liwanag. Doon niya nakilala ang isang misteryosong lalaki—isang estrangherong agad niyang nakaramdam ng koneksyon. Sa kabila ng pagiging hindi magkakilala, nagbahagi sila ng isang gabi ng init, saya, at emosyon. Isang gabing hindi niya inakalang mag-iiwan ng panghabambuhay na marka. Pagkaraan ng gabing iyon, bigla na lamang nawala ang lalaki. Walang pangalan, walang bakas, at walang paraan para hanapin siya. Ngunit mas mabigat pa rito ang natuklasan ni Elisse—siya ay buntis. Sa kabila ng takot at pagkalito, pinili niyang harapin ang bagong yugto ng kanyang buhay nang mag-isa, habang patuloy na iniingatan sa alaala ang lalaking minsang nagpasaya sa kanya. Lumipas ang panahon at nagkaroon si Elisse ng pagkakataong magtrabaho bilang advisor sa isang kilalang kumpanya. Dito niya nakilala si Matteo Alvarez, isang makapangyarihang CEO na kilala sa kanyang pagiging seryoso, mainitin ang ulo, at walang oras sa pag-ibig. Sa kabila ng kanyang matigas na personalidad, may lihim siyang hinahanap—ang babaeng nakasama niya sa isang gabing hindi niya makalimutan. Hindi nila alam na ang tadhana ay muli silang pagtatagpuin—sa paraang hindi nila inaasahan, at sa panahong magbabago sa kanilang kapalaran.
243 viewsOngoingAdded to Library 6 Times as aswang sa probinsya
Read
+Library
A Deal With The Billionaire

A Deal With The Billionaire

Si Lyrica ay galing sa isang pamilya sa probinsiya, siya ay sumubok makipagsapalaran sa Maynila. Doon ay nakilala niya ang binatang si Lucian, inalok siya nito ng isang kasunduan, isang kasunduang hindi niya mahindian. Ano kaya ang mangyayari sa kasunduan ng dalawa? Mahuhulog kaya ang loob nilang dalawa sa isa't isa? Ano ano kaya ang mga sikretong mabubunyag sa pagpasok nilang dalawa sa kasunduan?
1076.0K viewsCompletedAdded to Library 3.0K Times as aswang sa probinsya
Read
+Library
Ruthless: Nicholas Buenaventura (Tagalog)

Ruthless: Nicholas Buenaventura (Tagalog)

Buenaventura Trilogy: One Nicholas Buenaventura is a certified bachelor at halos umikot na ang buhay niya sa dalawang bagay; pera at negosyo. In short, Workaholic. Minsan na siyang nagmahal ngunit dahil sa ginawa sa kaniya ng babaeng minahal niya ay tuluyan nang nagbago ang pananaw niya sa pag-ibig. Paano kung dumating ang babaeng isa sa magpapasakit sa ulo niya? Maari kayang maibalik ang dating siya? Ang dating seryoso sa pag-ibig?
9.923.8K viewsOngoingAdded to Library 902 Times as aswang sa probinsya
Read
+Library
Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire

Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire

Sawang asawa na si Graciella sa palaging panunumbat ng tiyahin sa kaniya. Makipagblind date siya sa isang lalaki sa pag aakala na iyon ang taong sasalba para maka alis sa poder ng tiyahin. Paano kung hindi pala dapat si Menard Young ang dapat na ka blind date? Sisibol kaya ang pag-ibig sa dalawang nilalang na ang pakay sa pavpapakasal ay para lang takasan ang panggigipit ng pamilya?
103.0K viewsOngoingAdded to Library 84 Times as aswang sa probinsya
Read
+Library
PREV
1
...
2627282930
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status