Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
BIDDING FOR HER (She was His to Win)

BIDDING FOR HER (She was His to Win)

Mabait. Inosente. Mapagmahal. Ganyan inilalarawan si Megan Gonzales, isang dalagang lumaki sa pagitan ng liwanag at dilim. Anak ng isang babaeng bar performer na mas mahal pa ang pag susugal kaysa sariling anak, natutunan ni Megan na ang simpleng pamumuhay ay sapat na—makatapos ng pag-aaral, makakain sa tamang oras, at maipaglaban ang mga taong mahal niya, kahit ang kapalit ay ang sarili niyang kalayaan. Hanggang sa isang gabi, tuluyang naglaho ang natitirang liwanag sa buhay niya. Sa isang underground human auction—isang gabi ng kasinungalingan, kasakiman, at kapangyarihan—ibinenta siya ng kanyang ina kapalit ng pera. Isang murang halaga, isang kahindik-hindik na kataksilan. Ang mga bid ay mabilis na tumataas: lima... sampu... tatlumpung milyon. Hanggang sa isang malamig, mariin, at makapangyarihang tinig ang sumigaw. "Isang daang bilyon. Para sa kanya." Tahimik ang mundo. Tumigil ang lahat. Doon siya unang nasilayan ni Lucien Alcaraz—isang negosyante sa itaas ng mundo, kilala sa yaman, talino, at kawalan ng puso. Ngunit sa gabing iyon, sa ilalim ng mga ilaw ng kasalanan, nakita niya si Megan. Hindi bilang isang produkto... kundi isang bagay na dapat angkinin para sa kaniyang sariling intensyon. Sa pagitan ng kasunduan at lihim na damdamin, matutuklasan ba ni Megan na ang tunay na halaga ng isang tao ay hindi nasusukat sa perang ipinambibili sa kanya? Mararanasan ba niya ang pagmamahal na ipinaglalaban siya? Halina`t subaybayan ang kwento nang ating bida.
Romance
498 viewsOngoing
Read
Add to library
Married to a Heartless Ugly Billionaire

Married to a Heartless Ugly Billionaire

Sa madilim na sulok ng kanyang silid, isinumpa ng isang lalaki ang kanyang kapalaran. Ipinanganak na may birthmark na halos sakop ang kalahati ng kanyang mukha, lumaki siyang iniiwasan ng mga tao—at sa huli, siya na mismo ang lumayo. Ang tanging nagmahal sa kanya ay ang kanyang mga magulang, ngunit kahit ang sariling kapatid ay hindi pa siya nasisilayan. Dahil sa mga pangungutya at pag-iwas ng iba, isinara na niya ang kanyang puso—lalo na pagdating sa mga babae. Hindi na niya hinangad na mahalin o mahalin pa ng iba. Ngunit nagbago ang lahat nang dumating ang isang babaeng katulong sa kanilang bahay. Sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, naagaw nito ang kanyang atensyon. May kakaiba rito, at hindi niya mapigilan ang sariling mahulog. Ngunit isang araw, isang lihim na usapan ng kanyang mga magulang at ng babaeng iyon ang kanyang narinig—isang kasunduang pag-aasawa kapalit ng malaking halaga. Isang pagtataksil. Isang panloloko. Sa galit at pagkasuklam, isinumpa niya ang babae. "Gold digger!" Wala itong pinagkaiba sa lahat ng iba pang tao. Mula noon, nagbago ang kanyang pagtingin dito. Hindi na pagmamahal ang nais niyang ipadama—kundi paghihiganti. Pero hanggang kailan niya maitatanggi ang tunay niyang nararamdaman? At totoo nga bang panloloko lang ang naging dahilan ng babae sa paglapit sa kanya? Abangan ang kanilang kwento—isang kasunduang puno ng sakit, galit, at isang pag-ibig na pilit na itinatanggi.
Romance
101.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Ang Tagapagmana na Naging Intern

Ang Tagapagmana na Naging Intern

Sa unang araw ko ng trabaho, isa sa mga bago kong katrabaho ang nagpapakita sa amin ng mga senyales na siya ang anak ng chairman. Sumipsip at pinuri siya ng lahat nang marinig nila iyon. At hindi pa rito nagtatapos ang lahat—dahil pinalabas din nila na isa akong sugar baby ng isang mayamang matanda! Galit akong tumawag sa chairman. “Tinawag ka nilang matanda na may sugar baby, Dad!”
Read
Add to library
My Boss and Me

My Boss and Me

itsloveren
Isa lang akong simpleng babae, papasok sa opisina, magtatrabaho at uuwi. Wala na sa isip ko ang mainlove simula ng lokohin ako ng una kong . Kaya naman subsob sa trabaho lang ako, kumbaga eto na ang buhay ko. Nagsimula ng magbago ang buhay ko ng mapromote bilang Executive Secretary ni Mr. Montano. Makakaya ko kayang balewalain ang charm nito lalo pa at saksakan ito ng gwapo?
9.6285.0K viewsCompleted
Read
Add to library
Take Me, ELECTRA

Take Me, ELECTRA

Nagtrabaho siya bilang isang babaeng bayaran sa club. Ipinambayad utang siya ng kanyang ama para sa mga bisyo nito. Sa murang edad natuto siyang maging isang breadwinner. Hanggang sa kunin siya ng mga pinagkakautangan ng ama at gawing isang prostitute. Niligtas siya ng isang matandang hasyindero mula sa masaklap na sitwasyon. Dito binihisan, pera’t karangyaan kanyang naranasan. Inahon siya nito sa dilim ng kanyang buhay. Ngunit may kapalit pala lahat ng ito– ang puso niyang nakatakda na bilang kabayaran. This is one of the Magdalena Series. Liam and Danie Story
Romance
2.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Billionaire's Accidental Baby (Tagalog)

Billionaire's Accidental Baby (Tagalog)

Hindi pa handa si Amelia na bumuo ng pamilya. Kaya nang pilitin siyang ipakasal sa matandang kaibigan ng kanyang ama bilang pambayad ng utang, wala siyang ibang pagpipilian kundi tumakas. Ngunit sa kanyang pagtakas, aksidente niyang naka-one-night stand ang bilyonaryong si Liam—isang lalaking matagal nang naghahanap ng perpektong asawa upang bumuo ng sariling pamilya. Paano kung ang isang gabing iyon ay nagbunga—at kambal pa? Ang sanang pagtakas ay nauwi sa isang malaking responsibilidad. Haharapin niya ba ang responsibilidad na bumuo ng sariling pamilya, o tatakas ulit?
Romance
104.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Kidnapped by the Billionaire After Divorce

Kidnapped by the Billionaire After Divorce

Para kay Liberty, siya na yata ang pinakamasayang asawa sa piling ni Duncan. Ngunit napagtanto niyang ilusyon lamang iyon nang aksidenteng malaman na nakikiapid ito sa kanyang kaibigan. Habang magkapatong sa ibabaw ng kama, natuklasan niya ang pagtataksil ng dalawa. Gusto niyang makipaghiwalay rito ngunit ang napakasalan pala ay isang demonyo na matagal ng nagbabalat-kayo. Sa araw ng kanilang diborsyo, na-kidnapped siya ng dominanteng tiyuhin nito. Ngayong kontrolado siya ni King Baron, matatakasan niya ba ang mga pang-aakit nito? Upang makalayo sa isa pang Salvantez, hanggang saan ang kaya niyang takbuhan? Makakaya niya bang dinggin ang idinidikta ng kanyang puso o pakikinggan ang sinasabi ng kanyang isipan?
Romance
9.9100.7K viewsCompleted
Show Reviews (20)
Read
Add to library
Letii
Isang special chapter palang pero grabe na ang tawa ko. Hahahahahahaha. Ka cute ng apat na to. I really salute King how he loved Kalayaan.. may King kaya sa totoong buhay? Yung handang magnakaw ng saging para sa akin. Hahaahahahha
Ma Sofia Amber Llanda
pls author after Ng epilogue mo Sana ganahan Kang isulat ang special chapters para ALAM nmn Kung anong nangyari talaga Kay Leonard pwede rn na mga POV ni Liberty. thanks for this beautiful story we really enjoyed reading it.
Read All Reviews
Chasing Mafia's Heart

Chasing Mafia's Heart

Si Enzo Valderrama ay isang lalaking malupit at malamig pa sa yelo sa pakikitungo sa mga babae. Para sa kanya hadlang ang magkaroon ng seryosong pakikipagrelasyon. Isa siyang mafia na nagpapatakbo ng isang training camp para sa mga assassins niya na pinaparentahan niya sa mga mayayamang tao sa bansa. Ito ay isang sekretong pasilidad lamang kaya lahat ng nakakatuklas sa aktibidad nila ay pinapapatay niya ganoon siya kalupit. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay makikilala niya si Taira Monde, isang hostess na nagtatrabaho sa Pentagon Club para kay Chard Buenavista. Ang Pentagon ay isang lugar kung saan nagaganap ang lahat ng mga illegal na gawain sa buong bansa. Napag-alaman niyang may malaking utang ang ama ni Taira kay Chard kaya napilitan itong magtrabaho doon. May umusbong na hindi maipaliwanag na pakiramdam si Enzo para sa dalaga kaya lagi siyang nasa Pentagon para i-table ito at minsan naman ay inilalabas niya ito sa club. Lahat ng nakakaalam ng madilim na aktibidad ng Pentagon ay dinidispatsa ni Chard. Nang isang araw ay nakita mismo ng mga mata ni Taira ang ginagawa ng grupo ni Chard ay nakaramdam siya ng takot. Wala siyang ibang maisip na paraan kung hindi ang magtiwala kay Enzo at sabihin dito ang lahat ng nalalaman kahit na hindi niya alam kung magiging kakampi niya ba ito. Binili siya ni Enzo kay Chard sa malaking halaga higit pa sa pagkakautang ng kaniyang ama at nagsimula siyang pumasok sa training camp at nagsanay bilang isang babaeng assassin. Nagsanay siya hanggang sa naging magaling siya sa larangan nito at mabigyan siya ni Enzo ng kliyente. Pero isang araw ay mismong si Enzo Valderrama na kailangan niyang patayin para sa isang espesyal na kliyente katumbas ng malaking halaga. Makakaya ba niyang patayin ang taong nagligtas sa kanya at itinitibok na ng puso niya?
Romance
444 viewsOngoing
Read
Add to library
Ang Basorerong Bilyonaryo

Ang Basorerong Bilyonaryo

si Winston Lawrence ay ipinanganak ng kaniyang Ina sa tabi ng bundok na mga Basura at dito na lumaki at nagka isip si Winston Lawrence isang araw, habang pumapasok ito sa School, lagi itong binubully ng kaniyang mga kaklase dahil na rin sa Mabaho ang kaniyang mga damit at halos tatlong notebook lang ang dalaga nito araw araw at ang mga pinag tirahan lang ng mga kaklase at kapit bahay lang nito ang mga Notebook na ginagamit niya at minsan napupulot lang nito sa bundok ng basurahan kinuha niya ito ang mga walang sulat, at kaniyang pinag sama sama upang maging isang notebook. sa tindi ng hirap nang kaniyang, nag sikap si Winston Lawrence na mag aral ng mabuti, at lagi nitong sinasabi sa kaniyang magulang at mga kapatid pag ako naging mayaman, aalis tayo sa lugar na ito, at ititira ko kayo sa isang malaking bahay si Winston ay panganay sa Tatlong mag kakapatid, at tanging siya lang ang nag iisang lalake sa magkakapatid. isang araw, nasa 406,549,000 Million Pesos na ang Jockpot Price ng Lotto, at may isang lalake ang nanalo nito, ayon sa Balita ngunit pagkalipas ng isang Linggo, nabalitaan ng Lahat na patay na ang Lalake ayon sa Balita, pinatay ito dahil sa Ticket Lotto na kaniyang napanalunan ngunit ang lalakeng tumama sa Lotto ay nagawa nitong ilagay sa isang Sobre ang ticket at ito ay naka singit sa isang Notebook. dahil wala na ang kanilang Anak, kaya tinapon na lamang ng kaniyang Pamilya ang lahat ng gamit nito sa basura, at ang lahat ng gamit ng lalake ay itinabi sa isang maliit na bodega, isang araw nangangalakal si Winston ng Basura sa at napansin nito ang isang Notebook, ung una ito ay gagamitin niya lamang sa School ngunit dito pala magbabago ang buhay ni Winston Lawrence...
Urban
1012.2K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Little Secret: Love After the Ruin

The Billionaire's Little Secret: Love After the Ruin

Limang taon ng matinding pag-ibig ang nagwakas sa pinakamapait na paraan. Iniwan ni William Ferrer si Erin sa araw mismo ng kanilang kasal—para sagipin si Menchie, ang kababata nitong nagtangkang magpakamatay. Sa puntong iyon, napagtanto ni Erin ang isang masaklap na katotohanan: hindi niya kayang tunawin ang pusong yelo ni William. Buong tatag niyang tinapos ang lahat ng koneksyon sa lalaki at nilisan ang Cebu, patungong Maynila upang magsimula ng bagong buhay. Ngunit sa isang gabing puno ng alak at pangungulila, napunta siya sa isang hindi inaasahang sitwasyon—nagising sa kama ng isang cold-hearted billionaire na kaaway pa ng kanyang kapatid na si Randell. Walang iba kundi si Blake Gener! Sa pagsikat ng araw, tahimik siyang gumapang papalayo upang makatakas sa lalaki. Ngunit bago pa man siya makalayo, hinatak siya pabalik sa kama ng lalaki. Ang tinig ni Blake, mabagal at mapanukso, ay bumulong sa kanyang tainga, habang ang mga daliri nito ay dumadampi sa sariwang marka ng kiss mark sa sariling leeg: “My Little Erin.., akala mo ba makakatakas ka matapos mo akong angkinin? Hinalikan mo ako nang ganito— kailangan mo akong panagutan.” Sa mataas na lipunan ng mga mayayaman, kilala si Blake, ang nagmamay ari ng B&G corporation, bilang isang lalaking malamig at aloof. Ngunit walang nakakaalam ng kanyang lihim—ang kanyang pagmamahal sa kapatid ng kanyang mortal na kaaway. Mula noong may mangyari sa kanila ni Erin, bumaba siya sa kanyang pedestal. Ang paghanga ay nauwi sa obsesyon. Bilyun-bilyon ang ginastos niya para bilhin ang isang buong isla para lamang sa babae. Gulat man, hindi naiwasang magtanong ni Erin sa lalaki.. “Bakit ginagawa mo ang lahat ng ito para sa akin, Blake?” “Para sayo, my Little Erin.. Handa akong magpakababa, at bilhin ang mundo, basta, mahalin mo rin ako..”
Romance
10627 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status