Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Carrying The Billionaire's Child

Carrying The Billionaire's Child

"Whether you like it or not! You need to abort the baby! I don't need your fucking mercy Iris! You don't have to project yourself as a victim!" Nanlilisik ang mga mata ni Lucas habang nakatitig sa akin. Gusto niya akong burahin sa kaniyang mga mata. Isang basura ang tingin niya sa'kin. Isang maruming asawa. "Pagkatapos mong makuha ang lahat? Ito ang gagawin mo? Ipapalaglag mo ang bata? Wala kang puso. Wala kang awa. Hayop." Hinampas ko si Lucas sa dibdib ng aking mga kamay. Galit ang nararamdaman ko sa kaniya. Niloko niya ako. Ginawa niya akong tanga. Pinaglaruan niya ang nararamdaman ko. Umiiyak lamang ako habang pinapalo ko siya sa dibdib. Gusto siyang saktan. Gusto ko siyang paluin ng mga kamay ko para magising siya sa katotohanan. Wala akong magawa kundi ang hampasin si Lucas sa dibdib habang umiiyak ako. Ang sakit-sakit ng ginawa niya. Isang bagay ang tingin niya sa'kin, na pagkatapos niyang gamitin at pagsawaan ay itapon na lamang. Walang halaga ang pagkababae ko para sa kaniya. Marahas niyang pinigilan ang mga kamay ko. Nangingilid lamang ang mga luha ko. Parang pinipiga ang puso ko nang mga sandaling ito. I thought he is my happily ever after? But I was wrong! The man I adored was hurted me. He broke my heart after all. "Stop being fool Iris. Nothing can blame but you. Dahil ginusto mo ang nangyari sa atin. Ikaw ang may kagustuhan ng lahat," Nanlaki ang mga mata ni Lucas sa akin dahil sa galit. Pagkamuhi ang nararamdaman ng puso niya para sa akin. Agad akong sinakal ni Lucas sa leeg. Napahawak ako sa braso niya. Nakatingala lamang ako sa kaniya, hindi makahinga. Pumapatak ang mga luha ko. "You need to abort the baby. You will do it to protect my identity Iris."
Romance
1068.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Loved and Chained

Loved and Chained

A rebellious woman and a policeman. Will she accept that she was loved and chained by him? Tunay nga na kapag tumitigas ang ulo ng isang bata, kailangang dinidisiplina. Pero sa kaso ni Gisselle na dalaga na, hindi niya matanggap na dinidisiplina siya ng isang pulis na hindi niya naman kilala. Ang nais niya lang naman ay magrebelde dahil sa sama ng loob niya sa sarili niyang ama na dating pulis, na aniya’y tila wala naman daw sa katuwiran, at abusado sa karapatan ng kababaihan. Naging party girl siya dahil sa mga barkada niya at sinasadyang magpa-late ng uwi upang inisin ang kaniyang ama. Pero ang hindi niya alam, iyon na pala ang huling beses na magagawa niya ang mga bagay na ’yon. Nahuli siya ng mga pulis sa kalsada nang hating-gabi, at naging buena manong curfew violator sa gabing iyon. Napatawan siya ng community service sa loob ng isang buwan. Naiinis siya sa tuwing nakakakita siya ng mga pulis, lalo na ang lalaking hindi niya inaasahang makikilala niya. Naiinis siya lalo dahil desidido itong palambutin ang ulo niya. Tahimik lamang itong lalaki pero walang sinoman ang kayang bumali sa mga salita nito. Hanggang sa hindi niya namamalayan na nag-iiba na pala ang tingin at pananaw niya sa mga pulis, na hindi pala lahat ay masasama tulad ng iniisip niya noon. May tulad pa rin pala ni PCol. Carlos Joseph Guevarra na matino at disiplinadong pulis na magpapatino sa kaniyang rebeldeng pag-iisip. Lingid sa kaalaman ng dalaga, may lihim palang interes sa kaniya ang single at treinta y tres anyos na pulis. Kaya naman pala kahit na anong gawin niya ay pinapansin agad nito at todo kung makaprotekta sa kaniya. Papaano niya kaya mapipigilan ang lalaki kung siya mismo ay hindi ito magawang mapaikot sa mga kamay niya?
Other
1013.1K viewsCompleted
Read
Add to library
AVA'S DARK SECRET

AVA'S DARK SECRET

Si Ava Miller isang probinsyana may angking ganda matangos ang ilong na nakuha niya sa namayapa niya amang, malamlam na mata na kulay berde, ang namumula nito labi na malambot na kay sarap dampian ng halik at hubog na pangangatawan na nakuha niya sa ina na. Lumuwas siya sa syudad para makamit ang pangarap. Pero hindi iyon naging madali sa baguhan katulad niya, kaya labag sa kagustuhan naibigay niya ang sarili sa hindi karapatdapat na tao para lang matupad niya ang pangarap. Pero nabago ang pananaw niya nang makilala niya si TG. Naging kontento na sakanila buhay pero kung kailan masaya na sila atsaka nalaman ng lalaki ang lihim niya. "Nakakadiri ka! Ava." Mas nadurog pa siya nag-itanggi ng lalaki ang dinadala niya bata sa sinapupunan niya at ang masakit pa doon lumipad pa ito ng bansa after a week. Nang maglaon pinagpatuloy niya ang buhay nila ng anak niya sa sinapupunan. Pero kung kailan mapayapa na silang namumuhay atsaka ito magpapakita. Hindi naging madali makasama ito bilang boss niya, pinag-iinitan siya nito sa trabaho. Isang araw nakita siya nito kasama ang ina na kasama ang anak nila. "Is that my son?" "So your claiming him now." Hindi siya pinagbigyan ni Ava para maging ama sa anak nila. Pero ilang araw niya pa lang hindi nakakasalamuha ang lalaki tila hinahanaphanap niya ito. Nababaliw na siguro siya dahil pinalangin niya kahit galit ito sakanya basta nakikita niya ito araw araw. Nang malaman niya ang kinaroroonan ng lalaki kaagad niyang pinuntahan. Handa na tanggapin ito ng buo pero ang lalaki ang gusto lumayo para sa ikabubuti ng lahat, hindi na ito napigilan ng babae. After two years nagkita sila sa anibersaryo ng magulang ng lalaki doon inalok siya ng kasal ni Ava na tinaggap niya kaagad. "Daddy did you propose to mommy?"
Romance
14.2K viewsCompleted
Read
Add to library
Uncle Robert

Uncle Robert

Jeremy Navarro
Ako si John. Dalawampu't dalawang taong gulang. Kasalukuyan akong nagtratrabaho bilang isang Nurse. Isang taon pa lamang akong naninirahan dito mula nang kunin ako ni Uncle Robert. Siya ang nagpa-aral sa akin mula Highschool hanggang Kolehiyo ko kaya malaki ang utang na loob ko sa aking Uncle. Ang mga magulang ko kasi ay isang hamak na magsasaka lamang sa aming probinsya. Kaya naman ang kapatid ng Papa ko na si Uncle Robert ang nag-alok na pag-aralin ako dahil nakakaluwag naman ito sa buhay. Isang Pulis si Uncle dito sa Maynila. Mayroon siyang asawa na si Auntie Mabeth at mayroon na rin silang anak. Aaminin ko, isa akong bakla. At alam iyon ni Uncle dahil noong bata palang ay nakitaan na nila ako ng pagiging mahinhin. Hindi naging handlang iyon kay Uncle para hindi ako pagtapusin ng pag-aaral. Nasa edad trenta'y singko na si Uncle Robert. Pero makikita mo parin ang kakisigan nito kahit na nasa ganoong edad na siya. Matipuno si Uncle. Ang baitang nito ay nasa 5'10" kumpara sa akin na nasa 5'5" lamang. Malaki ang katawan nito dahil kailangan niya iyon dahil sa uri ng kanyang propesyon. Aaminin kong may pagtingin ako sa aking Uncle. Alam kong mali ito, pero hindi ko lang talaga maiwasan na pagnasaan siya sa tuwing makikita itong hubad kapag inaayos ang kanyang sasakyan. O, kapag nakasuot ito ng kanyang uniporme at bumabakat ang batutang tinatago nito. Pero nitong mga nakaraang araw, nag-iba lalo ang tingin ko sa kanya nang umalis si Auntie Mabeth para mangibang-bansa. Mas lalo akong nagkaroon ng pagnanasa sa Uncle ko. Mas naging malawak at mapusok ang imahinasyong binubuo ko sa tuwing makikita ko si Uncle. Sa mga sandaling ito, hindi ko alam kung hanggang saan aabot ang pagnanasa ko sa aking Tiyuhin.
LGBTQ+
4.1K viewsOngoing
Read
Add to library
GOT TO BELIEVE IN LOVE

GOT TO BELIEVE IN LOVE

Si Dianne Abrenica, isang dalagang probinsyana na walang karanasan sa pag-ibig, ay pumasok sa isang nakakabagbag-damdaming desisyon—ang maging surrogate mother ng pinakamayamang pamilya sa Davao, ang mga Manalo. Isang birhen at NBSB (No Boyfriend Since Birth), handa siyang isakripisyo ang lahat para sa kanyang kapatid na nangangailangan ng kidney transplant. Ang kontratang ito ang nagdala sa kanya sa isang mundo ng yaman at kapangyarihan, ngunit kasama rin nito ang masalimuot na emosyon at mga hamong hindi niya inaasahang mararanasan. Sa kabilang panig, si Drake Manalo, ang CEO ng Manalo Canning Food Industry, ay isang lalaking puno ng kahanga-hangang katangian—gwapo, matipuno, mayaman, at mapagmahal sa kanyang asawa. Nang pumasok si Dianne sa kanilang buhay, tila lahat ay naging maayos, hanggang sa isang trahedya ang biglang yumanig sa kanilang mundo. Ang biglaang pagkamatay ni Tiffany sa isang car accident ay nagdulot ng matinding sugat kay Drake. Sa panahong nagdadalamhati si Drake, andiyan si Dianne na naging sandigan at karamay nito. Dito, natutong magmahal si Dianne—hindi lamang sa sanggol na kanyang dinadala kundi pati na rin kay Drake, isang lalaking naging bahagi ng kanyang mga pangarap. Habang papalapit ang araw ng pagsilang, nahaharap si Dianne sa isang mahirap na desisyon. Ang kanilang kontrata ay malinaw—wala siyang karapatang kumonekta sa bata pagkatapos ng kanyang pagsilang. Ngunit paano niya maiiwan ang anak na kanyang minahal at itinuring na bahagi ng kanyang pagkatao? Paano niya haharapin ang mga damdaming namuo para kay Drake, isang lalaking bihag pa rin ng alaala ng kanyang yumaong asawa? Si Drake, isang lalaking unti-unting natutong muling buksan ang kanyang puso, at si Dianne, isang babaeng handang ipaglaban ang kanyang nararamdaman, ay sabay na naghahanap ng sagot sa tanong: Makakaya ba nilang buuin ang bagong buhay na nilikha ng sakripisyo, pagmamahal, at pag-asa?
Romance
103.5K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
414243444546
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status