Naglalagablab na Secrets and Revenge
Pilit kong itinatago ang katotohanang muntik na naman akong bumigay sa kaniya.
Tinitigan niya ako. Isang mahaba, malalim, at nanunuot na titig.
“All I need was your kiss, Little Bird,” paos, mababa, at nakakapanindig-balahibong Ingles na usal niya.
Napalunok ako.
“That makes me feel better... or maybe just hungry for more.” patuloy niya, ang mga mata ay hindi man lang kumukurap habang kinukulong ako sa kaniyang paningin.