Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Reclaiming the Billionaire's Love

Reclaiming the Billionaire's Love

Limang taon ang nakalipas mula nang maghiwalay sina Luna at Alexus—isang flight attendant at isang bilyonaryong piloto na dating nagmamahalan. Ngunit ang kanilang pagmamahalan ay nawasak nang matuklasan ni Luna ang lihim na maaaring magdulot ng matinding sakit kay Alexus: ang kanyang sariling ama ang dahilan ng pagkamatay ng ama ni Alexus. Sa desperasyong protektahan ito mula sa masakit na katotohanan, sinira niya ang relasyon nila sa pamamagitan ng isang kasinungalingan. Sinabi niyang niloko niya ito at hindi si Alexus ang ama ng dinadala niyang anak. Ngunit hindi kailanman nawala ang nakatagong sugat sa kanilang mga puso. Ngayon, limang taon ang nakalipas, muling nagkrus ang kanilang landas sa isang flight na hindi inaasahan. Si Alexus ay isang matagumpay na piloto at bilyonaryo, ngunit dala pa rin ang sakit ng nakaraan. Si Luna naman, isang single mom, ay pilit na binubuo ang buhay kasama ang kanilang lihim na anak na si Bella. Habang nalalantad ang katotohanan tungkol sa nakaraan at ang lihim ni Luna, magagawa kaya nilang buuin muli ang nawasak na pag-ibig? At kapag nalaman ni Alexus na si Bella ay anak niya, handa ba siyang patawarin si Luna at labanan ang mga multo ng kanilang nakaraan para sa pagkakataong maging buo muli bilang isang pamilya?
9.822.4K DibacaTamatDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 740 kali sebagai bella twilight outfits
Baca
+Pustaka
The Ceo's Stolen Night

The Ceo's Stolen Night

Hindi kailanman inakala ni Luhan na ang isang gabing dapat ay simpleng “boy’s night out” lamang ang sisira sa pinaghirapan niyang relasyon at nakatakdang kasal kay Stephanie. Sa isang iglap, nasangkot siya sa isang gabing puno ng alak at kalituhan—at nagising na may nangyari sa pagitan niya at isang babaeng hindi niya kilala. Sa desperasyong linisin ang kanyang pangalan, hinanap niya si Bella, ang kaibigang maaaring makapagpatunay na hindi niya ginusto ang nangyari. Samantala, pasan ni Cattleya ang mabigat na responsibilidad bilang ina kay Kesleigh, isang batang may sakit sa puso. Sa gitna ng problema sa pera, pagkawala ng tirahan, at trabaho, napilitan siyang tanggapin ang alok na maging sekretarya ng isang istriktong boss—si Luhan. Sa una’y puro iringan ang namagitan sa kanila, lalo na nang pagbawalan siyang magdala ng anak sa opisina. Ngunit habang tumatagal, unti-unting nahulog ang kanilang mga puso sa isa’t isa. Naging masalimuot ang lahat nang muling manggulo si Stephanie at unti-unting mabunyag ang koneksyon ng nakaraan. Isang rebelasyon ang yumanig sa mundo ni Cattleya—si Luhan ang lalaking nakatalik niya noon. Sa takot na mawala ito, itinago niya ang katotohanan, hanggang sa isang hindi inaasahang pagtatagpo ang naglantad ng lahat. Dumagdag pa sa kaguluhan ang paglitaw ni Caloy na nag-angking ama ni Kesleigh. Nasubok ang tiwala ni Luhan, ngunit pinatunayan ng DNA test na siya ang tunay na ama. Sa araw ng pag-alis nina Cattleya patungong ibang bansa, pinili ni Luhan na habulin sila—handa mang maghintay, umaasang balang araw ay mabubuo rin ang kanilang pamilya.
223 DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 8 kali sebagai bella twilight outfits
Baca
+Pustaka
The Substitute Vows ni Marcandre

The Substitute Vows ni Marcandre

Si Isabella “Bella” Alcaraz ay halos nabuhay sa likod ng anino ng kanyang “almost perfect” na nakatatandang kapatid, si Marisella—ang glamorosa, walang kapintasan at ubod ng bait na mukha ng Alcazar Luxe Events. Kilala ang kanilang pamilya pero sa likod ng lahat ng ito, unti-unting bumabagsak at nababaon sa hindi mabilang na utang. Pinili ng kanilang mga magulang na ipakasal si Marisella kay Leonardo “Leon” Veyra, ang makapangyarihan, walang awa at nakakatakot na CEO ng Veyra Global Holdings. Halos lahat ng negosyo mula finance, hotels at real estate ay saklaw ng kayamanan niya. Ngunit sa mismong araw ng kasal, naglaho na parang bula si Marisella. Para maprotektahan ang pangalan ng pamilya mula sa iskandalo, walang nagawa si Isabella kundi ang maglakad patungo sa altar kapalit ng kanyang kapatid. Natatago sa belo ng sutla at kasinungalingan, siya ang naging “substitute bride” ng isang lalaking kayang ibaon sa hukay ang pamilya niya sa isang salita lamang. Hindi madaling malinlang si Leon. Alam niyang ang babaeng nasa tabi niya ay hindi ang ipinangako sa kanya. Ngunit imbes na itigil ang seremonya, inako niya si Isabella bilang kanyang asawa. Sa mundo, isa itong perpektong kasal, isang fairy tale. Pero sa likod ng mga pinto, isa itong mapanganib na laro ng sekreto, kapangyarihan at obsession. Sa ilalim ng kasal na nabuo sa panlilinlang, kailangan tiisin ni Isabella ang malamig na galit, nag-iinit na pagnanasa at walang hanggang pagdududa ni Leon. Ngunit habang lumilipas ang mga araw, ang galit at pagdududa ay unti-unting lumalabo. Kasabay nito, patuloy na bumabalot ang pagkawala ni Marisella—runaway bride nga ba, o mas malalim pa? Sa bawat pangakong binibigkas, maaaring nakataya ang pamilya, kalayaan… at puso ni Isabella.
451 DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 9 kali sebagai bella twilight outfits
Baca
+Pustaka
Sebelumnya
1234
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status