Diary Ng XXX Celebrity
Irina POV
Pagkababa namin ni Boss Ravi sa sasakyan, agad akong napahinto sa nakita ko. Sa likod ng malawak na gate, bumungad ang isang beach resort na napakalaki at napakaganda, malalawak ang garden na puno ng makukulay na bulaklak, mga coconut tree na pantay-pantay ang pagitan, at sa dulo, tanaw ko na agad ang mala-kristal na dagat na kumikislap sa ilalim ng araw. Ang hangin dito, grabe, sariwa at mapapakanta ka talaga ng song ni Taylor swift na ang title ay August, talaga namang salt air ang eksena dito.