Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Revenge Of The CEO's Wife

Revenge Of The CEO's Wife

Sa pamamagitan ng kasal naisipan ni Ellery Hernandez na pwede siyang mahalin ni Thaddeus Lopez. But she's wrong. Mas lalo lang siyang kimamuhian ng lalaki dahil sa kagustuhan lamang ni Ellery kaya naidaos ang kasal. Pero sa isang aksedenteng nangyari, sa isang iglap ay magbago ang naramdaman ni Ellery. But can Thaddeus make Ellery's back to his arms? Mapapayag kaya nitong muli na magiging asawa niya gayong nagsisimula na si Ellery sa plano? Ellery's revenge for her loving husband is coming.
Romance
102.4K viewsOngoing
Read
Add to library
The CEO's Ex-Wife Is Now A Doctor

The CEO's Ex-Wife Is Now A Doctor

“Kahit minsan ba nagawa mo akong mahalin sa tatlong taon nating pagsasama?” Pinahid ni Felicia ang mga luhang walang tigil sa pagpatak mula sa kanyang mga mata at nagpatuloy. “Kahit katiting lang?” Batid ni Felicia na sa pagbigkas niya ng mga salitang iyon ay itinapon na niya ang lahat ng kanyang natitirang dignidad. Gusto niyang sabunutan ang sarili dahil sa ginagawa niyang kamartiran. Hindi ito deserve ni Xander dahil sa mga pinaggagawa nito sa kanya. Subalit tila ba may sariling buhay ang kanyang puso sapagkat kahit na anong gawin ng lalaki sa kanya ay nangingibabaw pa rin ang kanyang pagmamahal para rito. Marahas na binawi ni Xander ang kanyang braso. “What do you think, woman? What do you think is my answer?” Napalunok si Felicia. “N-Nainitidihan ko,” she answered softly. “Xander… I am sorry if my love made you this miserable.” ************* Sa loob ng tatlong taon, umasa si Felicia na matututunan din siyang mahalin ni Alexander Buenaventura. Subalit ni katiting na pagmamahal ay hindi siya tinapunan ng lalaki. Sa halip, matinding galit at pagkapoot ang namayani sa puso ng binata dahil sa paniniwala nitong minanipula ni Felicia ang kanyang lola upang sila'y maikasal. Finally, Felicia had enough. She left Xander and moved on with her life. Ipinagpatuloy ni Felicia ang naudlot niyang pangarap, ang pagdo-doktor. Pinilit niyang kalimutan ang lalaking dumurog sa kanyang puso, kasama ang naging bunga ng kanilang una’t huli pagniniig, si Caleb. Sa loob ng anim na taon, naging mapayapa ang buhay ni Felicia. Subalit isang araw, muling nag-krus ang mga landas nila ni Xander. At sa pagkakataong ito, gagawin ni Xander ang lahat upang bumalik siya sa kanya.
Romance
602 viewsOngoing
Read
Add to library
Desiring Multibillionaire's Daughter (ZL Lounge  04-2nd Gen)

Desiring Multibillionaire's Daughter (ZL Lounge 04-2nd Gen)

At first, akala ni Callen Moore, natutuwa lang siya sa dalagang si Asia Jade Del Franco dahil sa lantarang pagpapahiwatig nang nararamdaman nito sa kaibigang si Astin. Hindi pala. Nasasaktan pala siya dahil unti-unti na siyang nahuhulog sa dalaga. At nasasaktan na siya sa paulit-ulit na pag-reject ni Astin dito. How he wish na sa kanya na lang nito ibaling ang pag-ibig nito. Dahil sa kabiguan kay Astin, ibinaling ni Asia ang tingin niya sa iniidolong author, kay Ismael. Napag-alaman niyang maliban sa magaling na manunulat, isa itong adonis. Wala siyang pinapalipas na libro nito sa merkado. Kaya mula sa pagkagusto, nauwi iyon sa obsession na makita ito. Ni hindi na nga niya pinapansin ang pagpapahaging sa kanya ni Callen tungkol sa nararamdaman nito, kahit na lagi itong sumusulpot sa tuwing kailangan niya nang karamay. At kung kailan naman nakukuha na ni Callen ang atensyon ni Asia, saka naman na nagpakita si Ismael sa kanya. Tunay nga ang bali-balitang isa itong adonis. Kaya binalewala niya nang tuluyan ang umuusbong na pagkagusto kay Callen. Pero hindi akalain ni Asia na may tinatagong lihim si Ismael. Ano kaya ang gagawin niya oras na matuklasan iyon? Mabibigo na naman ba siya sa pag-ibig?
Romance
1024.3K viewsCompleted
Read
Add to library
The Bride of the Nine Tailed

The Bride of the Nine Tailed

Aurum Jazmine
Tinanggap ni Celestina ang isandaang bilyong dolyar kapalit ay pakakasalan niya at pakikisamahan si Lestre Sylverstain sa loob ng isang buwan. Akala niya ay matanda na ang pakakasalan subalit isa palang guwapo at matipunong lalaki ito. Ngunit sa kabila ng taglay na kakisigan ay nagtatago ang lihim nitong itinatago. At kung kailan mahal na siya ni Celestina ay saka pa magbabalik ang babaeng tunay na iniibig ni Lestre. Subaybayan ang kuwento ni Lestre at Celestina at ang lahat ng gusot sa kanilang buhay.
Romance
105.5K viewsOngoing
Read
Add to library
My Fiancé Cheated on Me so I Flirt with his Bestfriend

My Fiancé Cheated on Me so I Flirt with his Bestfriend

Sa mismong kaarawan ni Seth, ang kaniyang fiancé, nakipaghiwalay si Sabrina dahil sa harap-harapang pakikipaglandian nito sa kababatang si Pia. Sa sobrang sama ng loob at nasaktan, isinuko ni Sabrina ang pagkababae kay Adrian, ang matalik na kaibigan ni Seth. Hindi niya pinagsisihang isinuko niya sarili kay Adrian dahil isa ito sa taong makakatulong sa kanya para gumaling ang amang may malubhang karamdaman . Hanggang saan hahantong ang mga plano ni Sabrina? Magtatagumpay kaya siya o magsisi sa huli?
Romance
1012.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Innocent Love

Innocent Love

Kinalimutan at nagpaubaya si Meira para sa kanyang kapatid at sa lalaki na kanyang minamahal, kasama ang bata na nasa kanyang sinapupunan. Hindi alam ni Acerlon na nagka-anak sila ni Meira. Sa muling pagkikita, hindi alam ni Meira na marami na pala ang nagbago. Higit pa doon, maraming sekreto ang mabubunyag.
Romance
1017.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Married to my Boss, Divorced from my Love

Married to my Boss, Divorced from my Love

Anim na taon na mula nang huling magkita sila Kristine at Nine. Dati silang magkasintahan at hindi naging maganda ang paghihiwalay nila. Pinangako ni Kristine sa sarili na hindi na siya muling magpapaloko kay Nine, at isinumpa naman ni Nine na maghihiganti siya sa dalaga sa susunod na magkita sila. They were worlds apart. Akala nila hindi na sila magkikita ulit pero nang dahil sa utang ng mga pamilya ni Kristine sa pamilya ni Nine, napilitan siyang magtrabaho para sa mga ito.
Romance
228 viewsOngoing
Read
Add to library
Underground Society: Love On The Brain

Underground Society: Love On The Brain

Eu:N
Nalaman ni Araceae na buhay pa ang tunay niyang magulang kaya tumakas siya sa bahay ampunan upang hanapin ang mga ito. Kasama niyang tumakas ang matalik na kaibigang si Ertan, ngunit nahuli sila sa lansangan ng isang sindikatong grupo. Kasama ng iba pang kabataan, dinala sila sa isang underground human auction, dito nagkahiwalay si Araceae at Ertan. Napunta si Araceae sa kamay ni Kaya, ang binatang may malaking galit sa kanya. Naging miserable ang buhay ni Araceae sa kamay ni Kaya, sinapit niya ang parusa sa isang kasalanang hindi naman niya ginawa. Sa kagustuhan na mabuhay tumakas si Araceae sa malupit na lalaki, nagtagumpay siya ngunit ang alaala niya ang naging kapalit nito. Nagising si Araceae sa isang maliit na isla at nakilala ang matandang mag-asawa, dito nabuhay siya bilang si Aris. Paglipas ng dalawang taon, nakilala ni Araceae si Temur, isang mayamang binata na taga Maynila. Inibig nila ang isa't-isa at pagkatapos ng kasal, dinala siya ng asawa sa Maynila upang doon manirahan. Sa pagtira niya sa mansion, nakilala ni Araceae si Kaya Flegenheimer, ang CEO ng FHMer Corporation at nakatatandang kapatid ni Temur. Sa pagbabalik ng lalaking lumapastangan at nagpahirap sa kaniya. Magbalik na kaya ang alaala ni Araceae? Madiskubre kaya niya ang lihim sa likod ng tunay niyang pagkatao? Ano ang gagawin ni Kaya oras na makitang muli ang babaeng minahal at nagtraydor sa kanya?
Romance
102.4K viewsOngoing
Read
Add to library
The Doll

The Doll

"Bakit ang dungis mo na naman? Tanong ni Marilyn sa pamangkin. Mula nang mamatay ang mga magulang ng bata, siya na ang kumupkop dito, naging pangalawang ina siya ng bata. "Si Dolly po kasi, sabi ko sa kanya ayoko maglaro pero nagalit siya." Tukoy ng bata sa hawak na manika. Nasundan naman ng tingin ni Marilyn ang manikang hawak nito, pero dahil walong taon palang ang kanyang pamangkin ay sinawalang bahala niya ang mga sinasabi ng bata. "Anong ginagawa ni Dolly kapag nagagalit siya?" Sinakyan ni Marilyn ang sinabi ni Maya. "Minsan tita nagpapalit po kami, minsan ako ang nasa loob ng kahon para maging manika at siya naman ay magiging tao." Naguluhan si Marilyn sa sinabi ng pamangkin, natatawang ginulo niya ang mahabang buhok nito. Ngunit isang araw ay muli niyang nakita ang isang maputing batang babae, hawak nito ang kahon kung saan nilalagay niya ang manika ni Maya. Pinagsabihan ni Marilyn ang batang babae sa pag-aakalang kukunin nito ang manika ng pamangkin niya. Pinaalis niya ang batang babae, ngumiti lang ito sa kanya. Ngiting nagbigay ng kaba sa sa dibdib ni Marilyn. Inilapag ng batang babae ang kahon at mabilis na itong tumakbo palabas ng gate. Ngunit ganoon na lamang ang hilakbot na nadarama ni Marilyn nang buksan niya ang kahon at makita ang isang manika na nasa loob. "Hindi ito totoo, Maya!"
Mystery/Thriller
3.4K viewsOngoing
Read
Add to library
SHE RETURNS WITH MR. CEO’S BABY

SHE RETURNS WITH MR. CEO’S BABY

Nagising si Freya sa hospital, nahihilo, nasusuka, at natatakot, kasabay ng pagtambad ng balitang, siya ay nagdadalantao. Naalala niya ang dahilan kung bakit siya napunta sa ospital, ang dahilan ng kanyang paghihirap: si Alexander Evans, ang CEO ng Evens Industry. Isang mapanganib at malupit na bilyonaryo. Inakala ni Freya na magiging masaya siya sa piling ng binata, ngunit hindi pala dahil sakuna ang dala ni Alexander sa buhay niya. Binigyan siya nito ng pag-ibig na siya ring sumira. Tumulo ang mga luha ni Freya. Si Alexander, ang pinakamalaking pagkakamali sa kanyang buhay! Ngayon, determinado siyang hindi na ito mauulit. Iniwan niya si Alexander na sugatan ang kanyang puso, dala ang kanilang anak sa kanyang sinapupunan. Itinago niya ang lahat ng impormasyon tungkol sa kanya at nagsimula muli upang bumangon. Akala niya'y hindi na sila magkikita muli, ngunit pagkalipas ng limang taon, muling nagkrus ang kanilang landas. "Mommy, gusto ko si Uncle Evans ang maging daddy ko, please!" pakiusap ni Rose, ang anak ni Freya. Hindi kayang tanggihan ni Freya ang kanyang anak. Hindi rin niya kayang sabihin ang katotohanan na si Alexander ang ama ni Rose. Paano kung malaman ni Alexander na si Rose ay kanyang anak? Guguluhin ba nito muli ang buhay ni Freya? Susugatan, sasaktan ba nito ang kanyang puso na magiging dahilan ng kanyang muling pagkalugmok?
Romance
9.871.5K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
1011121314
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status