CARIÑO ETERNO
nagtataka niyang tanong.
“Nagmumunimuni lang… may iniisip kasi ako” tugon ko naman sa kanya. “Ano naman ang iyong iniisip na inabot ka ng gantong oras?” may halong pagtataka ulit sa kanyang boses. Muli akong napatingin sa kalangitan. Muli kong nasilayan ang ganda ng mga nagkikislapang mga bituin. Nakakabighani ang mga ito, na para bang ngiti ng babaeng nakita ko kanina, na siyang nagdala ng pagkapanalo sa akin. Hindi ko makalimutan ang kanyang mata, ang kanyang labi, ang kanyang malalambot na kamay, at ang kanyang tinig na kay ganda. “Paano mo ba malalaman kung ikaw ay umiibig na?” tanong ko kay Himal-ing. Napatingin ako sa kanya at ganun din siya sakin, bigla itong napangiti. Mukhang may na
Hot Chapters