Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
And Then I Kissed Him

And Then I Kissed Him

Cassandra Sayson, graduate ng apat na taong kurso ng business administration ay sumama sa graduation party na sponsor ng kanilang departmento na ginanap sa beach resort. Sa isip pa ni Cassandra, she has nothing to lose dahil natapos na niya ang apat na taon na pag-aaral sa college. May diploma na siya, hindi na masama ang mag-enjoy kahit isang gabi lang. Simula ng mag-aral siya mula elemtarya hanggang kolehiyo ay hindi pa niya naranasan ang gumimik, kaya sa beach resort ay tinodo na ni Cassandra ang maging masaya at malaya upang maranasan ang mag-enjoy sa party ng walang pakundangan Sa kasagsagan ng kasiyahan ay nalasing si Cassandra kasama ng kaniyang mga kaibigan. Nauwi sa tuksuhan at isang dare ang nangyari. Ang dare ay pumili ng lalaking halikan, kahit sinong lalaki na trip niyang halikan. Napadako ang tingin niya sa isang matangkad, matipuno at guwapo na lalaki. Ang lalaking hinalikan ni Cassandra ay ang tanyag na Doktor Adrian Razon na mula sa bilyonaryong pamilya. Namangha si Dr. Razon ng masilayan ng masinsinan ang babae dahil kamukha ito ng kaniyang girlfriend na si Sharon, nasa Amerika at comatose. Isang linggo ang lumipas pagkatapos ng insidente ng halikan sa party ay kinausap ni Dr. Adrian Razon si Cassandra at nag-offer ng proposal. Gusto niyang magpanggap si Cassandra na kaniyang girlfriend at maging asawa. Pumayag si Cassandra , nagkasundo silang dalawa na gumawa ng kontrata na ang pagpapanggap ay sa loob lamang ng dalawang taon. Isang taon pa ang lumipas ng pagsasama nina Dr Razon at Cassandra ng malaman ni Cassandra na siya ay nagdadalang-tao. Gusto niyang sabihin Kay Adrian na dinadala Niya ang anak ng doktor, subalit hindi Niya nagawang magtapat pa ng bigla namang nagpakita ang Isang babae na nagngangalang Sharon.
Romance
1011.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Devil Don't Come Near Me

Devil Don't Come Near Me

Zoe Colette Serpant o mas kilala sa tawag na Colette. Si Colette ay bunso sa tatlong magkakapatid. Isa siya sa tagapagmana ng ZC Group. Ang kompanya nila Colette ang pangalawa sa nangungunang kompanya sa Pilipinas. They handles thousands company of mall and hospital. Hindi mapagkakailang may gintong kutsara sa bibig itong si Colette, pero kahit na ganun hindi umaasa si Colette sa yaman ng kanyang mga magulang. Bagkus nagtatrabaho pa nga ito sa restaurant ng kanyang kaibigan na si Maisha. Hindi interesado si Colette sa yaman nila sapagkat hindi naman siya ang naghirap nito. Gaya nang ibang babae simple lang ang buhay na meron ito. Nagtatrabaho siya, nagpaparty at nagmamahal din, Gano’n lang ang cycle ng buhay niya, pero nagbago ang lahat ng mamatay ang mga magulang nila. Dahil sa pagkawala ng mga magulang nila, unti-unti nang nalulugi ang kompanyang naiwan sa kanila. Ang ZC Group na lang ang natitirang alaala nang namayapa nilang magulang kaya walang nagawa ang panganay nilang kapatid na si Haley kundi ipagkasundo ang bunsong kapatid sa anak ng Wood Group na si Atlas para ma-survive ang kompanya nang kanilang magulang. Ang Wood Group ang una sa pinakamayaman na kompanya ngayon sa Pilipinas. They handles multimillion of company. Si Atlas Wood ang nagiisang tagapagmana nang Wood Group, kahit hindi pa siya nagiging CEO ng kompanya nila. Kilala na ito sa pagiging malupit, masungit at babaero. Sex lang kasi ang habol niya sa mga babaeng nakaka-date niya. He was deeply in love and obsessed in her ex girlfriend to the point that he never forget her. Kahit na hindi siya ang pinili nito sa halip ay pinili ang kanyang matalik na kaibigan. Sa kabilang banda dahil sa nalaman ni Colette palihim itong lumipad ng amerika at doon nagtago ng ilang taon.
Romance
7.3K viewsOngoing
Read
Add to library
TIMELESS ONES TRILOGY (FILIPINO ROMANCE)

TIMELESS ONES TRILOGY (FILIPINO ROMANCE)

Jessica Adams
BOOK 1: TIMELESS ONES Ipinangako ni Fritz sa sarili niyang walang ibang babae siyang iaakyat sa dream house niya maliban kay Julia. Ang nag-iisang babaeng minahal at minamahal niya mula pagkabata. Pero nasira ang pangakong iyon nang hingin ng isang malapit na kaibigan na patuluyin niya doon ang isang nangangailangan na sa kalaunan ay napag-alaman niyang si Julia pala. Time is forever for those who love truly. Pero paano mangyayari iyon kung nariyan ang asawa ni Julia na siyang mas may higit na karapatan sa babaeng pinakamamahal niya? BOOK 2: JOURNEY TO FOREVER Nang tanggihan ni Claire ang inialok na kasal ni Lawrence at piliin ang Amerika, nasaktan noon ang binata. Pero nagbago ang ihip nang hangin makalipas ang walong araw ay maganap ang isang malagim na aksidenteng nagbigay daan sa muling pagsasanga ng buhay nina Lawrence at Anya. Ang unang babaeng minahal ng binata, ang unang babaeng pinangarap nito at ang nag-iisang babaeng hindi nawala sa puso nito sa loob ng mahabang panahon. At higit sa lahat ang pinakamamahal ni Lawrence pero minabuti nitong talikuran para sa kapanan ng iba. Pero hindi lang si Anya ang nagbalik sa buhay niya, kundi maging si Claire. Si Claire na mas nanaisin pang mawala nalang ang binata bago ito mapunta sa iba. BOOK 3: UNBROKEN VOW Bata pa si Sara nang una itong masilayan ni Benjamin. Pero nagkaroon na ito ng espesyal na parte sa kanyang puso. At masasabi niyang puso niya mismo ang nag-alaga ng bahaging iyon kaya hindi niya iyon nagawang ibigay sa iba. Ang isang tunay at wagas na pagmamahal ay walang pinipiling panahon o edad, minsan kailangan lang maghintay. Pero anong katiyakan ni Benjamin na hindi mahuhulog sa iba at babalik sa kanya ang dalaga kung ang tanging pinanghahawakan niya ay isang pangakong kung tutuusi'y posible ring masira?
Romance
9.1K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
345678
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status