Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
My Undercover Bodyguard (SSPG)

My Undercover Bodyguard (SSPG)

WARNING! This story contains sensitive and mature content including crime, violence, murder, strong language, and explicit sexual scenes. Reader discretion is strongly advised. Hindi alam ni Allysandra “Ally” Valderama na ang lalaking nagligtas sakaniya at magiging personal bodyguard niya ay isa palang Undercover agent, na nag pakilalang Josep Macaraeg na ang totoo palang pangalan ay Spencer Gaciano.. Ang sikreto ni Spencer bilang Josep at maging personal bodyguard ni Ally ay isa sa misyon nila upang alamin ang tungkol sa isang madulas na sindikato sa batas na hindi mahuli huli, dahil ang hinala nila ay may humahawak sa sindikato na mas mataas at makapangyarihang tao—at ang pinaghihinalaan nilang big boss? Ang ama ni Allysandra na si Congressman Froilan Valderama. Malaman kaya ni Allysandra ang katotohanan sa pagkatao ng kaniyang personal bodyguard? gayong unti unti na itong nahuhulog sa lalaki. At matapos kaya ng maayos ni Spencer ang misyon niya? o magiging suliranin niya ang babaeng dapat ay gagamitin niya lang pero unti unti na pala niyang minamahal?
101.4K viewsOngoingAdded to Library 28 Times as dapat
Read
+Library
She Calls Him Dad, I Call Him Mine

She Calls Him Dad, I Call Him Mine

Umalis si Elizabeth sa marangyang buhay sa Maynila upang takasan ang isang sapilitang kasunduan—ang pag-date kay Greg, anak ng pinakamayamang negosyante sa lungsod. Sa pagtakbo palayo, hindi inaasahang masisira ang kanyang kotse sa gitna ng isang liblib na lugar. Isang misteryosong lalaki ang dumaan at tumulong sa kanya. Tall, dark, and handsome—isang "prince charming" sa tunay na buhay. Pero hindi niya nakuha ang pangalan nito. Pagdating sa probinsya, ibinahagi niya ang kwento sa kanyang kaibigang si Monique, na agad nilang tinawag ang lalaki bilang "Prince Charming." Ngunit gumuho ang mundo ni Elizabeth nang mapagtanto niyang ang lalaking ito… ay walang iba kundi si Benedict—ang ama ng kanyang kaibigan. Isang single dad na hindi rin inakalang ang babaeng tinulungan niya sa kalsada ay ang magiging dahilan ng muling pagtibok ng kanyang puso. Handa ba si Elizabeth na mahalin ang lalaking hindi niya dapat ibigin? At kaya ba niyang ipaglaban ang damdaming maaaring sirain ang pagkakaibigan nila ni Monique?
10781 viewsOngoingAdded to Library 27 Times as dapat
Read
+Library
Marked as His: A contract of Possession

Marked as His: A contract of Possession

Hindi pinili ni Elara Virelle na mapasakanya ang lalaking kinatatakutan ng buong siyudad. Sa isang kontratang nilagdaan para iligtas ang kapatid, isinuko niya ang kalayaan niya kay Kael Mortis, isang bilyonaryong may kapangyarihang bumili ng katahimikan, tao, at kapalaran. Sa mundo niya, ang pagmamay ari ay proteksiyon at ang pagsunod ay kaligtasan. Hindi siya sinaktan. Hindi siya ikinadena. Mas masahol pa. Inangkin siya. Habang unti unting kinokontrol ni Kael ang bawat galaw ni Elara, natuklasan niya ang isang lalaking mas mapanganib kapag nagmamahal. Isang lalaking sanay mag angkin, hindi magmahal. At isang pusong unti unting natututong pumili. Pero sa mundong binubuo ng lihim at dugo, ang pagmamahal ay kahinaan. At ang babaeng minarkahan bilang kanya ay maaaring maging dahilan ng kanyang pagkasira. Hanggang saan ka lalaban kapag ang lalaking umaangkin sa iyo ay siya ring lalaking hindi mo kayang iwan? Siya ang lalaking hindi niya dapat minahal. Ngunit siya rin ang lalaking hindi na niya kayang takasan.
209 viewsOngoingAdded to Library 4 Times as dapat
Read
+Library
I shared my Husband

I shared my Husband

Azeuri
Paano kung ang tinuturing ni Solen Alejo na kanyang asawa ay may fiancé na pala na dapat ay ipapakasal kay Erwin Tovias? Ang lalaking taga pagmana ng lupang kanilang tinitirahan at ang ama ng kanyang anak, bunga ng Isang mainit na gabi. Nagkatagpo muli ang kanilang landas ng lalaki matapos itong masangkot sa isang disgrasya resulta ng pagkawala ng ala-ala nito. Kung kaya naman nag sinungaling si Solen upang hindi kunin sa kanila ang lupa at mag papanggap bilang mag asawa. Hindi nag tagal ay nahulog si Solen sa sarili nyang bitag at unti-unting minamahal si Erwin. Paano kung bumalik ang memorya ng lalaki? Magagawa nya kayang mahalin si Solen matapos sya nitong itago sa kanyang Mundo? Magagawa kaya nilang ituloy ang kanilang pag mamahalang nag simula sa pagkakamali? At paano kapag nalaman nyang muling nag bubuntis si Solen sa kanilang ikalawang anak? “Minahal mo ba ako? — hindi. Ginamit mo lang ako at natutong mahalin” –Erwin Tovias.
101.8K viewsOngoingAdded to Library 55 Times as dapat
Read
+Library
Capturing The Billionaire's Heart

Capturing The Billionaire's Heart

Kung gusto may paraan, kung ayaw naman, ay siguradong may dahilan. Matapos mahiwalay naglakas-loobsa kaniyang kababata sa loob ng apat na taon, si Shevanee na hanapin ito sa Manila. Ngunit laking gulat niya na parang ibang Ralph Timothy Villanueva ata ang nahahanap niya sapagkat hindi na siya nakikilala nito. Ginawa niya ang lahat upang makuha ang pansin nito at nagbabakasakaling maalala siya ni Ralph, ngunit may isang lalaki ang humarang sa mga plano niya. Si Gaven Lance Galvez, ang sempatiko na pinsan ni Ralph na namamahala ng isang kompanya. Wala itong ibang ginagawa kundi bantayan ang bawat kilos at hakbang niya dahilan upang mawalan siya ng pag-asa na makilala ulit ng kaniyang kababata. Sa pag-aakala ni Shevanee na makukuha niya muli ang puso ng kaniyang kababata, ay ibang puso pala ang nabingwit niya. Ngunit isa lamang ang dapat niyang piliin. Sa pagkakataong ito, ano kaya ang mas matimbang para kay Shevanee? Ang minahal niyang kababata o ang lalaking si Gaven na mahal siya?
1.6K viewsOngoingAdded to Library 54 Times as dapat
Read
+Library
Bawal Na Tadhana: I'm Obsessed With My Ninang Ruth (SPG)

Bawal Na Tadhana: I'm Obsessed With My Ninang Ruth (SPG)

"Akin ka lang, Ninang Ruth! Walang ibang magmamay-ari sa’yo kundi ako!" Ramdam ko ang panginginig ng kanyang kamay habang hinawakan ko ito. Nanlilisik ang mga mata ko, puno ng pagnanasa at pag-angkin. Pero sa halip na matakot, marahan lang siyang ngumiti—isang ngiting may halong pangamba… at pagnanasa rin. "Wag ako, Ace," mahinahon niyang tugon, pilit tinatago ang emosyon sa kanyang tinig. "I’m older than you. I’m thirty… habang ikaw, twenty-five pa lang." Ngunit sino bang makakapigil sa puso? Ako si Ace Pattern, dalawampu’t limang taong gulang, isang business tycoon na sanay makuha ang gusto. Lahat ng gusto ko… maliban sa kanya. Si Ninang Ruth. Ang babaeng pinagbabawal mahalin. Ang babaeng dapat kong irespeto, pero mas gusto kong angkinin. Masama bang magmahal sa isang Ninang? Sabi nila, mas masarap daw ang bawal. At ngayong naranasan ko na siya… handa akong sirain ang lahat — kahit ang sarili kong pagkatao —mapasaakin lang siya.
103.4K viewsCompletedAdded to Library 116 Times as dapat
Read
+Library
LET'S GET MARRIED, BESTIE

LET'S GET MARRIED, BESTIE

QueenBiankky
Roxan Viex Balbacal, isang sikat na model na may napakastriktong magulang. Ian Cassandro Velasco, isang masipag naman na Architect na hindi tanggap ng magulang sa piniling kasarian. Simula nga nung matagpuan ang isa't isa, sila ay naging matalik na magkaibigan na kinakapitan ng isa't isa sa bawat problema. At sa hindi nga inaasahan pagkatapos ng isang gabing wala silang dalwa sa sarili nangyare ang hindi dapat mangyare, imposibleng mangyare at di ka pa I-paniwalang mangyayare. Saan nga kaya hahantong ng lahat? Mananatili kayang matatag ang pinagsamahan sa lahat ng pagsubok na pinagdadaanan? Paninindigan ba nila ang lahat ng nangyare? O tuluyan na lang mawawala ang lahat? May happy ending nga ba sa kanila o tatakluban lang ang mga bagay na nangyare upang masagip ang isa't isa? Kaya kayang mahalin ng isang bakla ang isang babae? Matanggap kaya nila ng buo ang isa't isa? Humantong nga kaya sa kasalan ang dalwa? O magiging kasalanan ang lahat?
1.7K viewsOngoingAdded to Library 35 Times as dapat
Read
+Library
The Rented Wife

The Rented Wife

Mag-isang tinataguyod ni Renice Ocampo ang kaniyang pamilya matapos ang trahedyang nangyari sa kanilang ama noong sila'y bata pa. Magmula noong mawala ang kaniyang ama, siya na ang umako sa responsibilidad nito, na ginagawa rin naman niya dahil sinisisi niya ang kaniyang sarili sa pagkamatay nito. Ngunit kahit anong pagtatrabaho ni Renice ay lugmok pa rin sila sa kahirapan, at hindi na makakabangon pa. Pero kahit gano'n, hindi titigil ang dalaga hanggang hindi niya nabibigyan ng maayos na buhay ang kaniyang pamilya. Handa niyang gawin ang lahat mabigyan lamang ng maayos na buhay ang kaniyang pamilya, na dapat naman ay talagang kanilang tinatamasa kung hindi lang namatay ang kanilang ama. Hanggang sa makilala niya ang bago niyang boss na nais siyang rentahan upang maging asawa nito, at handa siyang sweldohan sa kahit magkanong kaniyang naisin. Ito na ba ang simula ng magandang buhay na minimithi ni Renice? O ito ang simula ng buhay na muli niyang nais matakasan? Let's find out.
1045.2K viewsOngoingAdded to Library 1.8K Times as dapat
Read
+Library
Abandoned by Him: Claimed by His Billionaire Uncle

Abandoned by Him: Claimed by His Billionaire Uncle

Limang taon. Limang taon na minahal ni Jazz ang isang lalaking hindi naman siya pinahalagahan. Lahat ibinigay niya—oras, tiwala, at puso. Pero isang iglap lang, nawala ang lahat. Isang car accident ang bumura ng kanyang alaala. Pagmulat niya ng mata, wala na ang babaeng marunong magmahal. Ang natira na lang ay isang estranghero sa sariling buhay. Nagkaroon siya ng amnesia. At habang wala siyang maalala, ang dating kasintahan niyang si Damon ay wala ring konsensya. Sa halip na umamin sa kanilang relasyon, niyakap nito ang kanyang nakababatang kapatid na babae at iyon ang ipinakilala nitong kasintahan. Itinuro nito ang telebisyon at walang emosyon na sinabi, “Iyan ang boyfriend mo. Siya ang habulin mo.” Nalito si Jazz. Pero naniwala siya sa sinabi nito. At sinunod niya iyon. Ang lalaking nasa TV ay si Malachi Robles— ang CEO na tito ni Damon. Malamig. Tahimik. Hindi madaling lapitan. Mula sa isang kasinungalingan, nagsimula ang isang habulan. Isang babaeng may amnesia. Isang lalaking hindi niya dapat mahalin. At isang katotohanang handang wasakin ang lahat kapag nabunyag.
106.8K viewsOngoingAdded to Library 149 Times as dapat
Read
+Library
Will Never Feel Longing For You

Will Never Feel Longing For You

Naiinis si Shaun Dale kay Dahlia. Hayagan kasi ang pagkagusto nito sa kanya at kulang na lang ay haranahin siya. Para kay Dahlia ay hindi niya dapat ikahiya ang kung anumang nararamdaman niya para kay Shaun Dale. She’s in love kaya ano’ng magagawa niya kundi iparamdam at ipakita iyon. Kahit na palagi siya nitong sungitan hindi niya talaga mapigilan ang nararamdaman. Mas mabuti ng masabi kaysa manahimik siya sa isang tabi. Mas lalong nadagdagan ang inis ni Shaun Dale nang itakda silang dalawa para magpakasal. Tuwang-tuwa naman si Dahlia. At dahil pursigido si Dahlia sa ‘panliligaw’ ay hindi na rin napigilan ni Shaun ang tablan sa taglay nitong kapilyahan. Kung kailan naman tila nahulog na siya, saka siya tinakbuhan ni Dahlia sa araw ng kasal nila at hindi na nagpakita pa. After a couple of years muli silang nagtagpo. Is he still longing for her? Iyon ang tanong niya sa sarili. Hindi dapat. Dahil kung totoo ang ipinaramdam nitong pagmamahal bakit siya nito tinakbuhan sa kasal?
105.4K viewsOngoingAdded to Library 211 Times as dapat
Read
+Library
PREV
1
...
2223242526
...
40
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status