Share

Chapter 13.5

Napainat si Shaun Dale sa kinauupuan. Isinara niya ang laptop at dumapa sa kama. Napahikab na dinampot niya ang smartphone.

Parang tangang tiningnan na naman niya ang profile account ni Dahlia. Hindi pa naman siya ina-unfriend nito.

Natutukso na siyang i-message ito. Tanungin kung kamusta na o kung ano'ng ginagawa?

Napailing siya at inabot na ng hiya.

Ano kaya kung ito naman ang akyatin niya sa kwarto nito? Napailing siya.

Ipinikit na lang niya ang mga mata para magpahinga.

"Shaun Dale..."

Napamulat siya nang may tumawag sa pangalan niya. Kaagad siyang napabalikwas nang makitang nasa gilid ng kama niya si Dahlia at nakatayo doon.

"Dahlia?" bumilis ang tibok ng pusong tanong niya.

Napansin niyang napakagat labi ito at kita rin sa kislap ng mga mata nito ang pamumuo ng luha.

Hindi na niya itatanong kung paano ba ito nakapasok, mukhang sa bintana na naman dumaan dahil hindi naman niya inilock iyon. Walang imposible dito.

"Ano'ng ginagawa mo dito?"

Hindi ito sumagot bagkus ay parang b
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Evelyn T Lastimoso
you're welcome ......️
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status