Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Behind The Mafia's Mask

Behind The Mafia's Mask

Lucianna lived in a faraway island in the South with her parents. Masaya ang pamilya nila, hanggang sa dumating ang isang malagim na bangungot sa kaniya. Pinatay ang walang kalaban-laban niyang mga magulang sa harapan niya mismo, kaya nangako siyang hahanapin ang may gawa niyon. Habang nagluluksa, natagpuan niya ang isang lalaking duguan at sugatan sa may dalampasigan. Inalagaan niya ito hanggang sa bumalik ang malay. Nagpakilala itong si Victor Rodriguez at unti-unti'y nahulog ang loob nila sa isa’t isa. Subalit wala siyang kaalam-alam na ang lalaking ito ay napakarami palang lihim. Mga lihim na magbubukas sa bagong kabanata ng buhay niya at dudurog nang husto sa kaniyang puso. Paano kapag nalaman niya ang totoo sa likod ng mapakunwaring maskara nito? Iibigin pa rin kaya niya ito? O hahayaan na lang niya ang sariling kamuhian ito nang tuluyan?
Mafia
153 viewsOngoing
Read
Add to library
Alpha's Forbidden Mate

Alpha's Forbidden Mate

“Bawal ako sa'yo... pero bakit puso ko ang lumalaban?” Si Amara Villanueva ay isang ordinaryong dalagang tahimik ang buhay sa bayan ng El Cielo. Pero nagbago ang lahat nang isang gabi’y matuklasan niyang isa siyang Loba — isang babaeng lobo na isinumpa ang kapangyarihan. Sa gitna ng kaguluhan, dumating ang makapangyarihang Alpha na si Kael Donovan—mapanganib, mailap, at hindi dapat sa kanya. Pero kahit anong pilit nilang lumayo sa isa’t isa, mas lalong humihigpit ang ugnayan nilang pinagtagpo ng tadhana... at ng iisang kapangyarihang hindi nila lubos na naiintindihan. Handa ba si Amara na suwayin ang batas ng Buwan para sa lalaking ipinagbabawal sa kanya? O tuluyan siyang magpaparaya sa takot at kapalaran?
Romance
144 viewsOngoing
Read
Add to library
The CEO's Discarded Wife

The CEO's Discarded Wife

Sa loob ng siyam na taon, buong pusong ginampanan ni Isabelle Reyes-Santiago ang pagiging isang perpektong ina at asawa. Tahimik siyang sumuporta kay Lucas—sa kanyang negosyo, sa kanyang reputasyon, at sa kanyang ambisyon. Nanahimik siya sa likod ng camera, sa mga board meeting na hindi siya inanyayahan, at sa mga sandaling kailangan niya ng karamay pero wala ni isang halik o salitang ginhawa ang kanyang nakuha. Ang mas masakit? Wala siyang lugar sa sariling tahanan. Hindi lang si Lucas ang may paboritong kasama. "Mas gusto ko si Tita Karina kaysa kay Mommy!"—sambit ng anak nilang si Marcus habang nakangiti si Lucas, tila sang-ayon. Ginawa na ni Isabelle ang lahat para mapanatiling buo ang kanilang pamilya. Pero imbes na pagmamahal at respeto, ang gantimpala niya’y pagtataksil at pangungutya. Habang binubura siya mula sa buhay ng asawa’t anak, si Karina Sison—ang ex ng kanyang asawa—ang inilalagay sa pedestal. Ginawang presidente. Ginawang reyna. Hanggang sa dumating ang gabing iyon. Ang gabing tuluyan siyang nagising sa katotohanan—na minsan, kahit gaano mo kamahal, hindi mo na kayang manatili sa isang lugar na matagal ka nang hindi pinipiling mahalin pabalik. Pagod na siyang umasa. Pagod na siyang maging tanong sa pamilyang matagal nang may sagot—at hindi siya iyon. Kaya handa na siyang magpalaya. Handa na siyang iwan ang tahanang dati niyang ipinaglaban, sa piling ng mga taong mas masaya nang wala siya. Ngunit nang sa wakas ay iniabot na niya ang annulment papers sa kanyang asawa… Hindi galit ang sumalubong sa kanya. Hindi rin pakiusap. Kundi isang malamig na titig lang. Isang mapanganib na ngiti. At ang mga salitang… “You’re not going anywhere, Isabelle.”
Romance
167 viewsOngoing
Read
Add to library
Loving My Enemy

Loving My Enemy

Who would've thought that person is the killer? Matagal nang may mga nagagalit sa ama ni Celine na isang politiko; isang gobernador sa kanilang lalawigan. Ito'y sapagkat marami itong pinatay na mga inosenteng tao. At dahil na rin sa mga gawain nito, maging ang kaniyang sariling anak ay siya'y itinatakwil at itinataboy. Dahil maraming galit sa kaniya ay isa-isang pinaslang ang kaniyang mga tauhan. Hindi matukoy kung sino nga ba ang may kagagawan nito at kung konektado ba 'to sa grupong nais siyang ipapatay. Nagsimula ang lahat ng ito nang dumating si Lucas sa mansyon ng gobernador, ngunit ito'y kanyang ginigiit. Kaya't palaisipan kung sino nga bang pumapatay. Sino kaya ang mayroong kinalaman? Paano nga ba malulutas ang kaso? "The killer could be me, you. . . Anyone." Unmask the shadow, reveal the culprit
Romance
10139 viewsOngoing
Read
Add to library
Married to Ruin you

Married to Ruin you

Akala ni Averill Alarcon, sapat na ang sakit nang ipagpalit siya ng nobyo sa ibang babae. Pero hindi pala roon nagtatapos ang kanyang pagkawasak. Sa isang iglap, itinapon siya ng kumpanyang itinayo niya sa sariling kamay — siniraan, pinagtulungan, at itinaboy na parang walang kwenta. At sa gabi ng kanyang pagbagsak, dumating si Sebastian Dela Vega — ang CEO na kilalang walang puso, brutal sa negosyo, at mas bihasa sa laro ng kapangyarihan. Isang kasunduang kasal ang inalok niya… kapalit ng paghihiganti ni Averill sa mga taong sumira sa kanya. Pero sa likod ng kasunduang iyon, mas malupit pa pala ang kapalit. Dahil si Sebastian—hindi lang siya gagamitin, kundi unti-unting dudurugin… Kasal ba ito para sa kanyang tagumpay? O para tuluyang sirain siya
Games
137 viewsOngoing
Read
Add to library
She Wasn’t Meant to Be Loved—Until Him

She Wasn’t Meant to Be Loved—Until Him

“Minsan, sa pinaka-wasak na puso, doon pa pumipili ang pagmamahal.” Akala ni Celeste ay siya na ang pakakasalan ng lalaking minahal niya ng buong puso. Pero sa harap mismo niya, ipinagpalit siya nito sa matalik niyang kaibigan. Masakit. Nakakahiya. Nakakawasak. She lost everything—her love, her trust, and herself. Pero sa gitna ng pagbagsak niya, isang lalaking hindi niya inaasahan ang dumating: Eliandro Velasquez—cold, mysterious, at isang powerful businessman na desperado ring maghanap ng mapapangasawa para sa isang kontratang kailangang masunod. Isang kasunduan. Isang papel. Isang fake marriage for 30 days. Walang puso. Walang damdamin. Walang commitments. Pero paano kung habang tumatagal, hindi na peke ang nararamdaman nila? Dahil minsan, kahit ang pusong akala mong hindi na para mahalin… May nakatakdang magmahal muli.
Romance
137 viewsOngoing
Read
Add to library
The Deception : Revenge Of The Unwanted Lover

The Deception : Revenge Of The Unwanted Lover

Sa isang pustahan ng mag inang Ellicia Guevara at Ellara Guevara nagsimula ang lahat. Hinamon ni Ellara ang kanyang ina sa isang pustahan, alang-alang sa panandaliang kalayaan na mahalin at paibigin si Gabriel Zerosa. Pumayag naman ang Ginang sa gusto ng dalaga ngunit kaakibat noon ang ilang rules. That once she lose the bet, babalik siya sa kanila at paninindigan ang pagiging tagapagmana. Sinimulan ni Ellara ang planong paglapit kay Gabriel kasabay ng pagtalikod sa kanyang tunay nakatauhan. From a rich, popular and happy go lucky girl. Nag-transform si Ellara bilang masunurin at mabait na babae sa paningin ni Gabriel. Nagawa ni Ellara na hindi lang basta makalapit sa lalaki kundi manatili na rin sa piling nito. Wherever Gabriel goes, Ellars is always beside her. Kahit na magmukhang desperada Ellara never leave his side. On Gabriel’s birthday, Ellara knew na talo na siya. To make things seems right. She acted the way she used to be. Pero may mga taong matalim ang dila lalo na sa ikakasira at ikakasakit ng damdamin ng iba. Nagkaroon ng pagkukumpara ang iba hanggang sa nadawit na ang pangalan ni Ellara kaya nararamdaman ng babae na dapat niyang ibangon ang kanyang dignidad. “Minsan na akong na talo. I won’t allow you again to defeat me.” Out of nowhere, as a random but smooth revenge in-announce ni Ellara na engage na siya sa anak ng isa sa pinakamayamang angkan sa italya na walang iba kundi si Hector Lombardi na isa sa guest of honor ng event. Agad umahon ang mga haka-haka, walang sino man ang nakakita sa binatang binanggit ni Ellara. Dahil ilang ulit man itong imbatahan wala itong pinaunlakan. Ngunit sa isang iglap dumating ang lalaki claiming Ellara as his fiancee. Nagbago lahat sa paligid kahit si Gabriel ay hindi makapaniwala.
Romance
10130 viewsOngoing
Read
Add to library
Kneel for me, Mayor (Politician Series#1)

Kneel for me, Mayor (Politician Series#1)

Character: Zarina Czyrine Montereal Sixto Grey Zarkozi (Mayor X Secretary) Synopsis: Simula noong namatay ang mga magulang ko sa 'di malamang dahilan, tanging sumalo sa akin ang lola ko. Bata pa lamang ako tinatak ko na sa kukote ko na lahat ng gusto ko ay hindi ko makukuha, kung makukuha ko 'man ito, kailangang mag banat ng buto, miski nga pag-aaral ay hindi na natupad dahil sa hirap ng buhay na kinagisnan ko. Mas lalong naghirap ang buhay ko ng namatay ang lola sa katandaan, halos bumalik sa umpisa ang buhay ko. Ilang buwan akong nagmukmok sa pagkawala ng lola, kahit gutom ko ay tinutulog ko na lamang para hindi ko maramdaman ito. Isang araw, may silay ng liwanag ng pag-asa ang dumating pero kapalit nito ay walang hanggang pagsisisi, pero wala akong magagawa dahil isang kahig isang tuka ako. Inaya ako ng kaibigan ko sa isang trabaho na tiyak ay kikita ng malaki sa isang gabi lang. Ang mga pulitiko ang magiging customer namin. Pataasan ng presyo, bidding ng mga babae ang mangyayari kung sino ang pinakamalaking offer ay sakaniya na ang babae ng isang gabi. Isang kakaibang lalaki ang nakakuha sa 'kin, kulay luntian ang mga mata at may malapad na balikat at maskuladong mga braso na kitang kita sa polo na yumayakap sa katawan nito. Pagtapos nga ba ng gabi ay tapos na rin sila? O mapapaamo niya ang isang Mayor na mabangis pa sa mga tigre?
Romance
10110 viewsOngoing
Read
Add to library
Lover Of The Mafia Boss

Lover Of The Mafia Boss

"Pareho man silang mga siga at palaban. Pero sa huli ay palalambutin pa rin ng pag-ibig ang kanilang mga puso" Lumaki ang tibo na si Roxine Caballero, na matatag at subok na ng panahon. Osto anyos pa lang siya noon nang iwan sila ng kanyang ama, at hindi na ito muling nagpakita pa, kaya labis siyang nagtanim ng sama ng loob rito. Nang ma-ospital ang kan’yang ina dahil sa isang car accident, na-comatose ito, at walang may alam kung magigising pa ba ito. Malaki na ang nagagastos ni Rox sa ospital, pero nais niya pa ring madugtungan pa ang buhay ng kan’yang ina. Kaya ginagawa niya ang lahat para kumita ng pera, kahit kumapit pa siya sa patalim. Isang gabi sa isang private port, tahimik siyang nagmamatyag sa pagdating ng bagong shipment. Nag-aabang siya doon para magnakaw ng imported products, at binibenta niya ‘to sa malaking halaga. Pero tila malas kay Rox ang gabing iyon dahil naka-enkwentro niya si Darcos Ruggieri, isang Italo-Filipino billionaire businessman, at mafia boss. Nadaig siya ni Darcos, at akmang papatayin na sana, pero isang tauhan ng binata ang biglang dumating at pumigil rito. Pinadampot agad ni Darcos si Rox, at dinala sa mansiyon nito. Doon nalaman ng dalaga na matagal na pa lang patay ang tatay niya, at matalik nitong kaibigan si Darcos. Nais ni Rox na tumulong sa paghahanap sa pumatay sa tatay niya, pero hindi siya pinayagan ni Darcos. Nangako ang binata sa kanyang best friend na aalagaan niya ang mag-ina nito, at poprotektahan dahil may gusto ring pumatay sa mga ito. At dahil nga parehong mga siga, at palaban sina Rox at Darcos. Nagmustula silang Tom and Jerry, habang magkasama sa iisang bubong. Ngunit sa huli ay nagka-in love-ban din naman.
Mafia
10108 viewsOngoing
Read
Add to library
His Secretary, His Sin

His Secretary, His Sin

Matapos ang isang masakit na hiwalayan nila ng ex-boyfriend niya ay pinili ni Janella Villanueva na magsimula muli. Ang pagiging secretary sa isang malaking kompanya ang naging daan niya para muling buuin ang sarili—malayo sa nakaraan at tuluyang makalimot. Tahimik at kontento na siya hanggang sa dumating ang isang gabing hindi niya inaasahan. Isang gabing puno ng alak at emosyon ang nagtulak sa kanya sa mga bisig ng isang estranghero. Isang gabing mapusok na dapat sana’y manatiling lihim. Ngunit kinabukasan, sa loob mismo ng opisina, doon niya natuklasan ang katotohanan na ang lalaking iyon ay si Dominic Alcantara, ang bago niyang CEO. Isang lalaking kilala sa pagiging malamig, makapangyarihan, at sabi pa ng iba ay isa daw itong playboy. At lalaking mahilig maglaro sa apoy. Ngayon, araw-araw silang magkasama. At habang pilit niyang pinoprotektahan ang puso niya, mas lalo namang lumalalim ang koneksyon sa pagitan nila. Pero may isang lihim na hindi niya kayang itago magpakailanman, ang bunga ng gabing iyon na maaaring magpabago sa lahat.
Romance
1069 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
282930313233
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status