SHE RETURNS WITH MR. CEO’S BABY
“I never broke my promise, Rose. Sino ang nagsabi niyan sayo? Kaya nga ako nandito dahil wala akong planong iwan kayo.”
Napalabi ang paslit. “Kung gano’n po bakit ka lumipat ng Amerika?”
Tuluyan ng nasamid si Raven habang nakikinig sa dalawa.
“Umalis?”
Tumango si Rose kay Alexander. “Yes po, ang sabi po nang mommy ko umalis ka daw po at nasa Amerika na. Do’n ka na daw po titira. Alam mo ba, daddy uncle, na masama ang magsinungaling? When I grow up, I will sue you!” Nang makita ni Rose ang pagpipigil ng tawa ni Alexander ay ngumuso ito lalo, kaya naman tuluyan ng napahalakhak si Alexander, batid na niya kung bakit masama ngayon ang loob nito. Mukhang nagsinungaling si Freya sa anak nito.
Capítulos em Alta