Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Billionaire's Ex-Wife Comeback

The Billionaire's Ex-Wife Comeback

Isabel G
Minahal ko siya sa kabila nang malamig niyang trato sa akin, ngunit sa huli ay parang basura niya lang kung itapon ako sa pagbabalik ng kaniyang unang pag-ibig. Pero hindi ako papayag na mauwi sa wala ang mga araw na natitira sa akin. Hindi mo na ako maaangking muli, President Riego!
Romance
44.7K viewsOngoing
Read
Add to library
One Night Stand

One Night Stand

Sa pag kabigo ni Chloe sa dati nitong nobyo, naisipan niyang pumunta sa Club para maka-limot sa pait ng kanyang puso. Naka-bunggo niya ang estrangherong lalaki na hininggan niya ng halik at ang halik na iyon nauwi sa mainit na pag tatalik. 2 days past, nag cross muli ang kanilang landas sa Campus,
Romance
5.0K viewsCompleted
Read
Add to library
Tayo Na Lang (Habibi Boyz Series)

Tayo Na Lang (Habibi Boyz Series)

Rain Sevilla
Lihim sa mga kabanda ni Jhonel Hosoda ang relasyon niya sa co-singer sa dating pinagtatrabahuan niya sa Japan, not until he proposed to Akime, upang matanggap lamang ang rejection mula rito. Ang matagal niyang pinaghandaan at inasam ay nasira sa isang sandali lang. Ngunit kung bakit sa gitna ng pag-iwan ni Akime sa kanya ay biglang may isang babaeng nais pumalit sa ex-girlfriend niya para maging asawa. Sa labis na awa at concern ay inalok ni Laceyleigh ang kamay niya kay Jhonel para siya na lang ang pakasalan nito, pero sa halip ay pinagtawanan siya. But her guts reached to its next level. She kissed him, and then... he kissed her back! Mula niyon ay umiwas na siya rito. Sadyang mapagbiro lang ang tadhana dahil sa kagagawan ni Jhonel ay nag-viral sa social media ang pictures niya, hindi dahil sa gusto siya nitong makita kundi para mabawi ang engagement ring na ninakaw niya. Mahanap pa kaya muli nila ang isa’t isa?
Romance
1.9K viewsOngoing
Read
Add to library
First Birthday Cake

First Birthday Cake

Maya Morenang Mangangatha
Pangarap ni Mavie na makatanggap ng birthday cake, buong-buo at walang bawas ang icing. Mahirap ang kanilang pamilya ngunit nagagawa ng kanilang magulang, kapwa magsasaka, ang patapusin sila sa pag-aaral. Matalik na magkaibigan mula pagkabata sina Hugo at Mavie sa kabila ng magkaiba ang estado ng kanilang buhay. Nag-aaral ng political science si Hugo sa bayan at nangangarap magtrabaho sa gobyerno. Samantala, nag-aaral naman ng engineering si Mavie sa kanilang baryo na nangangarap na maipa-renovate ang kanilang kubo. Isang kalihim ng samahang ARC (Arts with Responsibilities Creatives) si Mavie. Sa tulong ng kanyang kaibigang si Salome, namulat siya sa paglilingkod sa kolehiyo. Ang mga dokumento ng samahan na maingat niyang hinahawakan ang magiging susi ng pagmulat ng kanyang mga mata sa totoong takbo ng kolehiyo, maging ang iba pang organisasyong humaharap sa mala-butas ng karayom sa pagre-request ng budget ng mga gaganaping programa para sa mga kapwa estudyante. Samantala, ang pangarap na birthday cake ni Mavie para sa kanyang sarili ang magiging pinto ng kanyang tadhana upang hanapin ng kanyang puso ang lubos na sinisinta. Ito ay sa kabila ng mga kinakaharap ng mga pagsubok sa gitna ng tagumpay.
105.5K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Playdate

The Billionaire's Playdate

sybth
Natuklasan ni Jaxson na ang inaakala niyang kanyang anak sa sinapupunan ng fiance, ay anak pala ng kapatid niya sa ama. Nilunod niya ang sarili sa alak dahil sa paghihignapis nang magawa siyang pagtaksilan ng dalawang taong pinagkakatiwalaan niya. Nagkataon naman na sa club kung saan siya naroroon, ay siya ring kinaroroonan ni Cattleya upang punan ang raket na ibinigay sa kanya ng kaibigan. Nang sandaling mag krus ang mga landas nila, isang hindi inaasahang plano ang nabuo kay Jaxson. Inalok niya si Cattleya ng isang trabaho, at ito ay ang magpanggap bilang bagong girlfriend niya at ipamukha sa pamilya at ex-fiance na hindi siya apektado at agad nang nakalimot, dahil sa takot maging isang katatawanan. Nag-alinlangan man ay nakumbinsi rin si Cattleya na pumayag sa alok ni Jaxson dahil sa kabayaran nito. Magiging malaking tulong ito para sa pag-aaral niya at pang-suporta sa pamilya. Kahit na hindi magkakilala at walang alam sa isa't isa ay dumalo ang dalawa sa dinner ng pamilya Madrigal bilang bagong magkasintahan. Ang hindi nila inaasahan, ay ang agarang utos ng ama ni Jaxson na pakasalan niya si Cattleya sa isang kondisyon na hindi nila matatangihan.
Romance
4.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Rejected Wife of A Heartless CEO

Rejected Wife of A Heartless CEO

Sabi nila, isa raw sa magagandang araw sa buhay ng isang babae ay ang maikasal sa lalakeng mahal niya. Pero hindi ako. Dahil iniwan ako ng lalakeng nangako sa akin na sasamahan ako habang buhay sa mismong seremonya ng aming kasal. Iniwan niya akong nag-iisa sa altar at mas pinili ang nakababata kong kapatid. Hindi lahat ng kasal ay masaya. Isinumpa ko ang araw  na iyon at nangako sa sariling maghihiganti. Pero paano pa ako makapaghihiganti kung namatay ako mismo sa araw na iyon?
Romance
8.533.7K viewsOngoing
Read
Add to library
MAFIA'S SWEET ADDICTION

MAFIA'S SWEET ADDICTION

Si David Sandoval, ang sikat at kilala sa larangan ng business industry kilala rin siya sa kanyang angking ka guwapuhan ,pagiging multi billionaire at higit sa lahat kilala siya bilang ruthless Mafia Lord hawak niya halos lahat ng legal at ilegal na negusyo,kahit pa siguro and demonyo mahihiya sa ka walang puso ng Isang DAVID SANDOVAL. Sa kabilang banda my Isang palaban piro sweet na probinsyanang si Ashley Cruz,simpling babae at my mapag mahal na pamilya,at ng iisang anak ng mabubuti at kilalang pamilya Cruz si Ashley sa kanilang lugar sa Palawan,piro kinailangang lumuwas ng maynila para maipag pa tuloy ang pag aaral ng kolehiyo sa edad na 21 years old nasa 4year college na si Ashley sa kursong nursing na pag pasyahan niyang mag aral sa maynila para narin sa mas maganda at kilalang paaralan,piro lingid sa kalaman ni Ashley ang inaasahan niyang maganda at payapang Buhay niya sa maynila ay magugulo ng isa David Sandoval..kakayanin kaya niya Isang ruthless evil na si David ,kaya ba niya itong ma bago oh kaya siya ang mahulog sa ka demonyuhan nito at mawalan ng pag asa.
Mafia
10671 viewsOngoing
Read
Add to library
Wished One, But Got Five

Wished One, But Got Five

Si Rica ay isang masayahin, mabait, at mapagmahal na dalaga sa kanyang pamilya hanggang sa isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap sa kanyang buhay na nagdulot sa kanya ng kalungkutan at pagkasira. Si Sage, ang kanyang kasintahan, ay tumulong sa kanya na mailigtas ang kanyang sarili at inalok siya ng pansamantalang tirahan sa condo unit nito kasama ang apat na lalaking kaibigan na sila Zian, Wenhan, Ran, at Yruma. Naganap ang pag-iibigan sa loob ng condo unit kung saan sila nakatira. Pagkatapos, isang hindi inaasahang lalaki ang pumasok sa kanyang buhay. Ang isang lalaki ay mag-aalaga sa kanya habang siya ay nasa gitna ng kaguluhan at problema, at ang isa namang lalaki ay bigla na lang lilitaw upang tulungan siyang maiangat ang kanyang sarili. Magkakaroon sila ng malalim na epekto sa kanyang puso, at bibigyan siya ng pag-aaruga at pagmamahal na magpaparamdam sa kanya ng kaligtasan at proteksiyon. Si Rica ay humiling lamang noon ng isang tunay na pag-ibig, ngunit bakit siya ay nagsimulang umibig sa limang lalaki na mas nagbigay ng kalinga at importansiya sa kanya kaysa kay Sage ukol sa tuntunin ng kahalagahan, pagmamahal, at seguridad?
Romance
1010.7K viewsCompleted
Read
Add to library
When The Mafia Falls In Love

When The Mafia Falls In Love

Ipinambayad si Angel Anzores ng kanyang tiyahin at tiyuhin sa kanilang pagkakautang matapos nilang itago ang kanyang nakababatang kapatid na si Angelo at pagbantaang ito ang ibebenta kung hindi siya papayag. Kaya walang nagawa ang dalaga kung hindi ang sundin ng mga taong umako sa kanilang magkapatid matapos mamatay sa isang car accident ang kanyang mga magulang. Si Salvatore Ravalli ay 35 years old at kilala sa tawag na “Tore” sa underground at isang malupit na mafia na siyang inutangan ng tiyuhin at tiyahin ni Angel at mahuhulog ang loob sa dalaga. Matatanggap kaya ni Angel ang lalaki na noong una ay nang-alipin sa kanya at tinakot gamit ang buhay ng sariling kapatid? Ano ang gagawin ni Salvatore kapag nalaman ni Angel na sangkot siya sa aksidenteng kumitil sa buhay ng kanyang mga magulang na naging dahilan upang masadlak silang magkapatid sa buhay na ibinigay sa kanila ng mga taong kumupkop sa kanila? Magagawa kaya ni Salvatore na mailigtas ang babaeng minamahal sa kamay ng mga malupit din niyang kaaway?
Romance
1073.5K viewsCompleted
Show Reviews (16)
Read
Add to library
MysterRyght
Hi po. Sobrang salamat po sa pagsubaybay sa story nila Salvatore at Angel. Kila Gracie, Irene Wong at Vanessa na nagregalo ng coins thank you so much po. Pati na rin sa mga nagbigay ng gems. Sobrang grateful po ako sa inyong generosity kaya sana po ay pagpalain pa po kayo ng Panginoon.
Erichine Asuncion
nakakaworry na nawala xa ng malay,bka yung ama ni victor ang nasa likod niyan...pero mas gusto ko mgpkapositive na nahilo lang sia kc buntis ulit sia and this time twin boys naman hahaha taz gud samaritan yung driver dinala sia sa hospital
Read All Reviews
Taming the Devil Boss

Taming the Devil Boss

Kaya mo bang tiisin ang araw-araw na kasama ang lalaking pinaka-kinaiinisan mo? Yung tipong pagpasok mo pa lang sa opisina, madilim na mukha niya agad ang bubungad sa’yo? Yannie Sanchez, isang dedicated na secretary, ay labis na naiinis sa boss niyang si Xanthy Torres—ang seryoso, istrikto, at laging galit na CEO ng isang malaking kumpanya sa Asia. Para sa kanya, ito ang epitome ng "toxic boss" na palaging sumisira sa araw niya. Pero paano kung may dahilan pala sa likod ng kanyang ugali? Isang lihim ang matutuklasan ni Yannie—isang sikreto na magpapabago sa tingin niya kay Xanthy. Mula sa inis, unti-unti siyang nakaramdam ng awa at kagustuhang protektahan ito. Ngunit sa isang hindi inaasahang pangyayari, kinailangan niyang lumayo—hindi alam ni Xanthy na nagdadala siya ng kanilang anak. Pagkalipas ng limang taon, muling nagkrus ang kanilang mga landas. Sa pagkakataong ito, pipiliin pa rin ba niyang protektahan ito? O oras na para harapin ang nakaraan at isama siya sa hinaharap na para sa kanilang dalawa?
Romance
10563 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3031323334
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status