Take Me
Sana lang dumating ito, dahil kung hindi, baka bukas o sa makalawa pa siya makakabangon.
Naalimpungatan siya nang may lalaking nakatayo sa paanan niya. Napabalikwas siya ng bangon… gosh, ang sakit talaga ng puson niya.
“Hey, easy. Ano’ng masakit sa’yo?” malamyos na tinig ng lalaki.
Nagmulat siya ng mata, at hindi nga siya nagkamali—nanlaki ang mga mata niya nang makita at makilala ang lalaki.