Hiram na Asawa
Tuwang-tuwa pa sila noong mataob at maubos lahat.
"Twenty thousand and seven hundred," pagbibilang ni Gina.
Sabay silang nangiwi, "Di man lang naging one-fourth ng kalahating milyon mo," dagdag na komento nito.
Pagod siyang huminga bago sinuot ang hoodie, "Hawakan mo muna, Gina. Bukas ulit, feeling ko bukas kikita na tayo ng kalahating milyon."
Pilit siyang ngumiti sa kaibigan ngunit ramdam niyang naaawa ito base na rin sa klase ng titig nito.