Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Billionaire's Hidden Wife

The Billionaire's Hidden Wife

SAMPUNG TAON... Ganoon katagal nitong minahal si Noah hanggang umabot sa puntong naging parte na ito ng buhay niya. Wala siyang ibang pinangarap kung hindi ang lalaki at kung kailan akala nito ay magiging masaya na sila sa piling ng isa't isa ay kailangan na pala nitong magising sa mahaba at masarap niyang panaginip. "Finally, matatawag ko na ring Nicole Saavedra ang aking sarili nang walang halong pag-aalinlangan. Siguro oras na para anihin ko ang bunga ng pagsisikap ko bilang butihing maybahay ni Noah," aniya saka napangiti sa kinatatayuan. Dalawang taon ang lumipas magmula nang ikasal si Nicole sa bilyonaryong apo ng lalaking kumupkop at nagpalaki sa kaniya. Hindi masukat ang tuwang naramdaman ng puso niya nang mga oras na iyon hanggang sa alukin siya nito ng isang kasunduang maghihiwalay sila pagkatapos ng tatlong taon oras na manatiling walang apoy ang kanilang pagsasama. Sa kabila noon, ginawa ni Nicole ang lahat upang maging mabuti at mapagmahal na asawa habang hindi rin naman ito nagkulang na iparamdam sa kaniya ang prebelihiyo bilang misis nito. Muntik na nga nitong makalimutan ang kasunduan dahil naramdaman niyang tunay na ang ipinapakita nila sa isa't isa. Ngunit sa kaniyang kaarawan, isang annulment paper ang natanggap nitong regalo mula sa asawa. Dahil sa malungkot na balita ay nawalan siya ng lakas ng loob na sabihin ang tungkol sa anghel na nasa kaniyang sinapupunan. Sinubukan nitong alamin ang dahilan ng pakikipaghiwalay ng asawa hanggang sa tuluyang gumuho ang mundo niya nang malamang balak palang balikan ni Noah ang babaeng muntik na nitong pakasalan five years ago. Magagawa niya kayang iwan si Noah kung wala siyang ibang minahal sa tanang-buhay niya kung hindi ito lamang? Paano kung kailangan niyang maging lihim na asawa nito kapalit ang pananatili at pagiging responsable nitong ama sa kaniyang ipinagbubuntis?
Romance
106.4K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Loving The Mistress

Loving The Mistress

FilipinangManunulat
Wala ng ibang maisip na lapitan si Beatrice kundi ang kapatid niyang si Zircon tungkol sa kanyang problema. Hiniling ni Beatrice kay Zircon na paibigin ang kabit ng kanyang asawa upang mapaghiwalay sila. At kapag napa-ibig na ni Zircon si Yara, ang kabit ni Jack ay iwanan na niya ito agad para maturuan ng leksyon. Hindi sana papayag si Zircon sa hiling ng kapatid dahil hindi siya ganong lalake ngunit ayaw niyang matulad sa kanya ang pamangkin niya na hindi buo ang pamilya. Parang isang mailap na tupa si Yara ng tangkain na makipaglapit ni Zircon. Ngunit dahil sa isang pangyayari na hindi nila inaasahan ay iyon ang nagbukas ng daanan para maging malapit at makilala nila ang isa’t isa. Nakilala ni Zircon ng mabuti si Yara at nalaman niya na mabuti itong babae kahit na kabit ito. Nagmahal lang naman at nabulag siya sa pag-ibig. Pinayuhan naman niya si Yara na itigil niya iyon at tila biglang natauhan ang dalaga kaya bigla itong nakipaghiwalay kay Jack, isa pa ay napapagod na rin siya na maghintay kay Jack at sa mga pangako nito, idagdag pa ang katotohanang nahulog na rin ang loob niya kay Zircon. Hindi nagtagal ay naging magkasintahan sina Zircon at Yara, akala nilang dalawa ay magiging masaya na sila sa piling ng bawat isa ngunit lumabas ang mga lihim na hindi na sana nila gusto na lumabas. Simula noon ay naging mahirap para sa kanila ang bawat araw at humantong iyon sa kanilang hiwalayan. May pag-asa pa ba na magkabalikan sina Zircon at Yara gayong nawala na ang tiwala sa isa’t isa? May pagkakataon pa ba si Yara na makaramdam ng isang totoong pag-ibig kahit minsan na siyang naging kabit? O baka naman tuluyan na silang paghiwalayin ng tadhana at dalhin sa magkaibang landas.
Romance
10949 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Billionaire Marry Me For A Bet

Billionaire Marry Me For A Bet

Nagsimula ang lahat sa isang taya, isang pustahan na ginawa ni Stanford Guzman sa kanyang dating kasintahan, isang pustahan na nagpapahintulot kay Veronica Montenegro na pakasalan ang kanyang lihim na pag-ibig. Naisip ni Stanford na palagi siyang mananalo ngunit hindi inaasahan, na ang pagkawala ni Veronica ang magiging pinakamalaking pagsisisi niya. Nakahiga pa rin ako sa kama, hubo't hubad, na may mga marka sa buong katawan ko, nang binitawan niya ang malamig na mga salitang iyon, "Melissa Johnson is back. I want a divorce." Nagulat ako kung gaano siya ka-callus. Hindi ko pa nasasabi sa kanya ang tungkol sa pagbubuntis ko. Ano ang dapat kong gawin ngayon? Makakalimutan ba niya si Melissa at ipagpapatuloy ang kasal na ito kung sasabihin ko sa kanya? "Malinaw na nakasaad sa kontrata na maaari nating tapusin ang kasal na ito kung hindi tayo magmamahalan sa isa't isa sa loob ng isang taon. Hindi kita mahal, Veronica. You failed to win my heart." Walang emosyon niyang sinabi ang mga salitang iyon, nakatingin sa mga mata ko. Naiintindihan ko na hinding-hindi ko mapapalitan si Melissa sa puso niya, kaya nagpasiya akong ilihim sa kanya ang pagbubuntis ko. "Maghiwalay na tayo," sabi ko Naisip ni Veronica na mabubuhay siya nang masaya kasama ang kanyang sanggol na malayo kay Stanford at sa kanyang malamig at walang pusong mundo. Ngunit gumawa na ng ibang plano ang tadhana para sa kanya. Sa huli ay tumawid siya sa kanyang landas. "Naglakas-loob kang itago sa akin ang anak ko. Ngayon humanda ka sa mga kahihinatnan." Nang muling lumitaw si Stanford sa buhay ni Veronica, naging buhawi ng kaguluhan ang lahat. Paano niya ilalayo ang kanyang sarili at ang kanyang anak sa kanya? Maililigtas kaya niya ang sarili na hindi na muling masaktan?
Romance
211.7K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
222324252627
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status