Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The  Heiress True Love

The Heiress True Love

Nabuhay si Yvone na may gintong kutsara sa kanyang bibig pero never niyang ikinatuwa ang maging ganito. Sa bawat araw ng kanyang kabataan ay kinasabikan niya ang atensiyon at pagmamahal ng ama lalo na ng maagang maulila sa Ina. Lalong naging miserable at malungkot ang buhay ni Yvone ng magdalaga at gawing tagapagmana ng kanyang ama. Naging tinik siya sa lalamunan ng madrastaat doon nangsimulang manganib ang buhay niya. Samantalang nabuhay naman si Edward sa magulong mundo at nasanay sa kalakaran ng mahirap na pamumuhay kaya naging wais at palaban. Iisang tao lamang ang kinamumuhian niya, ang amang hindi pa nakikit. Sa pagsirko ng kapalaran ay magtatagpo ang landas ng dalawa na walang kamalay malay sa malaking lihim ng kanilang mga pagkatao
Romance
1017.3K viewsCompleted
Read
Add to library
The Broken Past of a Billionaire

The Broken Past of a Billionaire

HeyYou
Ang nais lamang ni Jessica ay marinig ng buong mundo ang kanyang adbokasiya sa pamamagitan ng pagsali sa isang prestihiyusong beauty pageant. Ngunit nang siya ay nanalo bilang kinatawan ng Pilipinas ay hindi niya inaasahan ang nangyari sa kanyang buhay. Dinukot siya ng mga armadong grupo noong gabi pagkatapos ng coronation night. Ngunit ililigtas siya ng anak ng pinakamayaman sa Pilipinas na si Sebastian. Mahuhulog ang loob nito dahil sa kanyang angking kagandahan. May iniindang sakit pala ito at si Jessica ang makakatulong sa kanya. At sa huling talata ng nobelang ito ay masisilayan ang pag-iibigan ng dalawang tao.
Romance
101.2K viewsOngoing
Read
Add to library
LIFE FULL OF LIES

LIFE FULL OF LIES

Precious_Wannabee
Para sa mga taong, minsan ng nagparaya para sa pagkakaibigan, sa mga taong minsan ng nagpalaya para sa ikabubuti ng lahat.Ito ay kwento ng isang teenage girl na minsan ng nakalimot sa kaniyang nakaraan. Ikinasal sa kababatang lalaki, sa edad na labing siyam. Makikilala niyang muli ang lalaking minsan ng nagkaroon ng malaking parte, sa kaniyang nakaraan. Mapapalapit muli ito sa pangalawang pagkakataon, na siya namang pag-iiba ng pakikitungo at trato sa kaniya ng naturang asawa.Darating ang panahon na malalaman at maalala niyang muli ang nakaraan. Gustuhin man niyang magalit at kamuhian ang mga taong malapit sa kaniya, dahil mistulang pinaglaruan siya ni kapalaran. Napunta siya sa taong minsan ng nagparaya para sa pagkakaibigan, napalapit siyang muli sa taong minsan na niyang minahal at ipinaglaban.Pilitin man niyang talikuran ang lahat, at kalimutan ang nakaraan, ngunit pipiliin niya paring yakapin at harapin ang kasalukuyan, sa ngalan ng pag-ibig, sa huli mananaig padin ang pagmamahal at pagpapatawad.
21.7K viewsCompleted
Read
Add to library
A Contract Marriage With Abe Dela Torre

A Contract Marriage With Abe Dela Torre

Kinakaya ni Isla Aguilar ang mabigat na hamon ng buhay. Nagtatrabaho sa araw, nag-aaral sa gabi para sa pangarap na mas maayos na buhay at makatulong sa gamutan ng bunsong kapatid na may Down Syndrome at butas sa puso. Sa gitna ng kanyang pagsusumikap, ang kanyang tanging pahinga ay ang lihim na talon malapit sa likod ng kanilang bahay, kung saan isang araw ay iniligtas siya ng isang guwapo at matipunong estranghero sa pag-aakalang siya ay nagpapatiwakal. Hindi niya inakalang ang estrangherong iyon ay si Johan Abraham Dela Torre, ang bagong CEO ng kumpanyang pinagtatrabahuhan niya na kilalang istrikto at malupit sa pamamalakad sa kumpanya, at mailap sa mga babae. Kaya’t laking gulat ni Isla nang bigla siyang alukin ng CEO ng kasal kapalit ng tulong para sa operasyon ng kanyang kapatid. May kundisyon ang kasunduan: walang pisikal na relasyon, sikreto ang kasal maliban sa pamilya ng lalaki, at isang taon lamang ang bisa. Habang tumatakbo ang mga araw, unti-unting nahuhulog ang loob nina Isla at Abe sa isa’t isa. Dahil sa angking galing at talino, si Isla ay naging isang asset ng kumpanya, at si Abe, sa kabila ng pagkukunwaring malamig at matigas, ay palihim na sinusuportahan si Isla sa kanyang pangarap. Ngunit paano kung may ibang babae na nagpupumilit maging parte ng buhay ni Abe at palaging minamaliit ng matapobreng ina ni Abe si Isla? Magagawa ba nilang ipaglaban ang pag-ibig sa kabila ng takot, sakit, at mga hadlang?
Romance
1019.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Acting Of Affection (TAGALOG)

Acting Of Affection (TAGALOG)

Si Lizabeth Villanueva ay isang babaeng may pangarap sa buhay ngunit sa di inaasahang pagkakataon ay nangailangan siya ng malaking halaga para sa sakit ng kanyang ina. Inalok siya ng sikat na aktor na si Kenzo Navarro ng malaking halaga kapalit ng pagiging pekeng asawa nito sa loob ng tatlong buwan Mauwi kaya ang pagpapanggap sa totohanan? Ilang beses paglalaruan ng tadhana ang pareho nilang buhay?
Romance
1034.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Merry me ,Mr.Montereal

Merry me ,Mr.Montereal

Haliyah
Nang dahil sa pag takas ni Summer sa araw ng kanyang mismong kasal, ay napad-pad siya sa lugar ng Maynila kung saan ni kahit sa panaginip ay hindi pa niya narating.Mabuti na lang at may kaibigan siyang maasahan na tumulong sa kanya para may matuluyan ng pansamantala. Nagtanong- tanong siya ng trabaho sa mga mayordoma sa bahay ng kaibigan nito. dalawang choices lang ang may'roon si Summer ang maging Maid o Isang Secretary ng isa sa pinaka mayamang negosyante sa syudad ng maynila ang kompanyang Montereal corp.
Romance
1.5K viewsOngoing
Read
Add to library
THE BILLIONAIRE'S OFW WIFE

THE BILLIONAIRE'S OFW WIFE

Si Merlyn Claveria Santiago, isang 28 taong gulang na OFW sa Dubai, ay kilala sa kanyang sipag at sakripisyo para sa kanyang pamilya. Sa kabila ng hirap ng trabaho at lumbay ng pangungulila, nanatili siyang tapat sa kanyang kasintahang naiwan sa Pilipinas. Ngunit isang araw, ang kanyang mundo’y gumuho nang malaman niyang nabuntis ng kanyang nobyo ang bunsong kapatid na 18 taong gulang lamang. Labis ang sakit ng pagtataksil, lalo na’t itinago ito sa kanyang mga magulang upang hindi maapektuhan ang perang ipinapadala niya buwan-buwan. Sa hinanakit at kawalang pag-asa, iniwan ni Merlyn ang kanyang pamilya at lumayo. Habang naglalakad, napadpad siya sa isang simbahan kung saan nagaganap ang isang kasalan—isang kasalan na nauwi sa eskandalo nang tuklasin ng lalaking ikakasal na pinagtaksilan siya ng kanyang kasintahan. Sa isang di-inaasahang pagkakataon, nilapitan si Merlyn ng ina ng lalaking iniwan sa altar. Isang alok ang binitiwan: pakasalan ang kanyang anak upang mailigtas ang pamilya nila sa kahihiyan. Dahil sa galit sa mundo at pagnanais na makalimot, tinanggap ni Merlyn ang kasunduan. Ngunit ang kanyang pinasok na kasal ay hindi basta-basta. Ang lalaking kanyang pinakasalan ay si Crisanto "Cris" Montereal, isang bilyonaryo na may makapangyarihang impluwensya at mga negosyo sa iba't ibang panig ng mundo. Sa likod ng kanilang kunwaring pagsasama, unti-unting masusubok ang kanilang damdamin, at mahuhulog sila sa komplikadong laro ng pag-ibig, paghihiganti, at mga lihim na pilit nilang tinatakasan. Makakahanap kaya si Merlyn ng kapayapaan sa piling ng isang lalaking puno ng galit sa pag-ibig? At mapapatawad kaya niya ang mga taong minsang sumira sa kanyang tiwala? O tuluyan siyang magpapatalo sa mga sugat ng kahapon?
Romance
109.7K viewsCompleted
Read
Add to library
UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife

UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife

Sa gitna ng mundong puno ng pagdurusa at kahirapan, isang asawa ang naglalakbay sa daang puno ng sakripisyo para sa isang pag-ibig na di karapat-dapat. Sa kabila ng mga pagsubok at pagkakataon na sumuko, pinili niya paring manatili at magtiis para sa taong hindi nauunawaan ang halaga ng kanyang pagmamahal. Ngunit hanggang kailan siya magtitiis sa pag-asa ng pagbabago? Isang kwento ng pag-ibig, sakripisyo, at pag-asa ni Maricar na nagpapakita ng lakas at tapang ng pusong handang magmahal kahit na di ito kapalit ng karapat-dapat na pagmamahal.
Romance
104.7K viewsCompleted
Read
Add to library
LOVE BEYOND TRADE

LOVE BEYOND TRADE

Baon sa utang at lulong sa casino, ang desisyon ng kanyang ama ay ipagpalit ang kanyang nakababatang kapatid na babae para sa isang contract marriage sa anak ng pinuno ng kanyang pinag-utangan. At upang mailigtas ang kanyang nakababatang kapatid na babae, napilitan si Claire Mariano na palitan ang posisyon ng kanyang kapatid at pakasalan ang susunod na lider ng pamilya ng mga Navarro, si Javier Zen Navarro. Ngunit paano kung higit sa malaking halaga ng pera ang puno’t dulo ng kontrata na ito? Paano kung sa likod nito ay isang sikreto ang nag-uugnay sa mga Mariano at Navarro? Magagawa kaya ng kontrata na pag-ugnayin ang dalawang pusong sangkot sa madilim na katotohanan? O’ ito ang magsisilbing mitsa sa isang malaking gulo sa pagitan ng kanilang pamilya?
Romance
9.96.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Honey, I don't want the Crown

Honey, I don't want the Crown

Sa mata ng lahat, si Cassandra ay ang “Queen” ng mundo ng negosyo ang asawa ni Nathaniel, isang makapangyarihang negosyante na tinaguriang “King of Business Empire.” Marangya ang kanilang buhay, puno ng pera, impluwensya, at kasikatan. Ngunit sa likod ng kinang, itinatago ni Cassandra ang bigat ng pagiging isang “trophy wife” na nakatali sa imahe at kapangyarihan ng asawa. Habang mas lumalawak ang kaharian ni Nathaniel sa mundo ng negosyo, mas nararamdaman ni Cassandra ang pagkawala ng sarili. Ang mga simpleng pangarap niya maging isang fashion designer, mamuhay nang tahimik at payapa ay natatabunan ng mga korona at trono na ipinipilit isuot sa kaniya ng asawa. Sa pagbabalik ng isang matalik na kaibigan mula sa nakaraan, muling nabuhay ang mga tanong sa puso ni Cassandra: Ano ba talaga ang tunay na halaga ng kaligayahan? Pera, kapangyarihan, at titulo? O ang kalayaan na sundin ang sariling pangarap kahit kapalit nito ay mawala ang lahat ng yaman at impluwensya?
Romance
10502 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3839404142
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status