Maid for YOU
Dala-dala ni Sofia ang kanyang nakuhang gamit nang tumakas ito sa kanilang mansyon. Narinig kasi nito na kailangan nyang makasal sa isang biyudong matandang bilyonaryo na kaibigan ng pamilya nito kaya naman sa takot nito ay naisipan nyang maglayas na lamang.
Namasukan bilang maid si Sofia sa mansyon ng mga Monteverde, at naitago nito ang kanyang katuhan bilang isang heredera ng pamilyang Del Mundo. Pero habang naroon si Sofia sa mansyon ay unti-unting nakikilala nito ang pagkatao ng binata at hindi inaasahan ay nagkamabutihan ang dalawa at minsan pang nagsalo sa isang mapusok na tagpo. Lumipas pa ang buwan ay mas nakikilala ni Sofia ang kasintahan na si Benedict.
Dumating ang kinatatakutan ni Sofia nang malaman nito na ang lalaking mahal nito ay apo ng matandang bilyonaryo na nakatakdang ipakasal sa kanya kaya agad itong umalis sa mansyon.
Lumipas pa ang ilang buwan ay hindi pa rin natatagpuan ni Benedict ang babaeng kanyang pinakamamahal, ilang mga detectives na rin ang inutusan nito para hanapin ang dalaga, maging ang pamilya ni Sofia ay hindi na rin mapakali kung nasaan ang kanilang nag-iisang heredera. Hindi na malaman ni Benedict kung makikita pa ba niya ang dalaga o mananatili na lang isang masayang alaala ang pag-iibigan nilang dalawa?