Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Governor's Mafia Bodyguard (De La Fontaine Series)

The Governor's Mafia Bodyguard (De La Fontaine Series)

iampammyimnida
Si Amanda Violet Chua ay isang gobernador sa lalawigan ng Alfonso. Simula nang mamatay ang kanyang ama sa isang engkwentro ay namuo ang galit at pagkamuhi sa kalooban ng dalaga na nagsanhi ng paghihigante at pagtugis niya sa taong pumatay sa kanyang ama. Subalit gano'n na lamang ang takot na namayani sa babae nang naulit muli ang engkwentrong iyon habang tinatahak niya ang daan pauwi sa kanilang mansyon. Mabuti na lang ay may sumagip sa kanya—si Pierre Quintavious De La Fontaine. Sa takot na maulit muli ang trahedya ay agad niyang kinuha ito bilang bodyguard niya. Hindi niya alam na may sekreto pala itong tinatago sa pagkatao niya. Mayroon bang pagmamahalan na mabubuo sa kanila o habang papalapit si Amanda sa katotohanan ay pagkamuhi ang babalot sa kalooban niya?
Romance
102.7K viewsOngoing
Read
Add to library
TEMPTING the DEVIL MAFIA (Riot Men Series 24)

TEMPTING the DEVIL MAFIA (Riot Men Series 24)

Lumaki sa karahasan at magulong buhay si Niccos. Normal na lang sa kan'ya ang patayan at madugong kaganapan sa araw-araw. Kaya ipinangako n'ya sa sarili pagkatapos ng unos sa kan'yang buhay at sa pamilya ay mamuhay s'ya ng tahimik, maayos at matiwasay. Ngunit paano kung hindi n'ya pwedeng talikuran ang obligasyon na iniwan sa kan'ya? Paano kung dito nakasalalay ang kaligtasan ng nag iisang babae na pinakaayaw n'ya, ngunit nagbago ang lahat ng minsang may mangyari sa kanila. Naging demonyo s'yang muli ng masaksihan kung paano nalagay sa panganib ang buhay ni Kianna dahil sa kagagawan ng kan'yang mga kalaban dati na naghihiganti sa kan'ya. Paano n'ya lalabanan ang isinumpa sa sarili na mamuhay ng tahimik? Kung sa bawat pagpikit ng kan'yang mga mata ay ang nagmamakaawa at nahihirapang mukha ng dalaga ang kan'yang nakikita.
Romance
9.9118.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Married with a Stranger

Married with a Stranger

Walang nagawa si Ada nang pumayag ang kaniyang ama na ipakasal sa lalaking hindi kilala. Ang alam lang niya 'tungkol sa kaniyang magiging asawa ay isang bilyonaryo, matagumpay sa pagpapatakbo ng negosyo at nag-iisang anak ng isang kilalang business tycoon. Natapos ang paghahanda para sa kasal, na hindi man lang nagpakita ang mapapangasawa at nagpakilala ng pormal sa kaniya. Sa araw at sa mismong kasal ay nakilala niya ito subalit laking gulat ni Ada, na si Nik pala ang taong iyon. Ang taong nagligta kay Ada nang may magtatangkang gumahasa sa kaniya sa party ng kaibigan at sa lalaking nakasama ng isang gabi sa pagbabakasyon sa La Union. Pero ang Nik na ngayong naging asawa ay ibang-iba sa nakilala at ang tingin nito sa kaniya ay isang babaeng kayamanan lang ang habol kaya nagpakasal dito. Matapos ang unang gabi ng pagiging mag-asawa nila ay iniwan na siya nito kinabukasan at isang taon ang nakalipas ay uuwi na ito subalit para makipaghiwalay sa kaniya. Hindi sila maaring maghiwalay ni Nik dahil magagalit ang Papa niya sa kaniya at kailangan nila si Nik upang iligtas ang palubog na nilang negosyo. Kahit ayaw niyang maging tama ang paningin ni Nik sa kaniya ay kailangan niyang iligtas ang negosyo para sa amang minamahal.
Romance
1011.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Pretty You

Pretty You

Certified raketera, palaban at walang inuurungan. Siya si Leah Rivera o mas kilala sa tawag na Iya ng mga taong malapit sa kaniya. Magmula pagkabata ay natuto na siyang maging isang raketera dahil maaga rin siyang tinuruan ng kaniyang ina na nagtitinda sa palengke ng kung anu-anong trabaho na sa kalaunan ay nakasanayan na niyang gawin. Ang kailangan niya ay pera. Pera na makakatulong sa kanila para mairaos ang kanilang pang-araw araw na pangangailangan at para na rin makatulong siya sa pagpapaaral sa kaniyang kambal na kapatid na ngayon ay nasa kolehiyo na. Likas kay Leah ang pagiging masayahin at pagkakaroon ng positibong pananaw sa buhay. Pero hindi sa lahat ng oras. Tulad na lamang nang isang gabi, habang nagse-serve siya ng alak sa mga mayayamang costumer ng bar na pinapasukan niya ay may nagtangkang mambastos sa kaniya. Dahil likas sa kaniya ang pagiging palaban, gumanti siya sa lalaki. Ang kaso, ang suntok na dapat na para rito ay dumapo sa isang kasama nito na wala namang ginawang masama sa kaniya. Paano kung ang lalaking hindi niya sinasadyang masuntok ay ang anak ng kaniyang boss? At anong gagawin niya kung sakaling magkagusto ito sa kaniya at yayain siya nitong magpakasal? Makakaya ba niyang tanggapin ang alok nito sa kaniya kapalit ng halaga na makapag-aahon sa kanila sa kahirapan? Will she ever fall in love with the man who is only good at pestering her with his stupid antics?
Romance
1020.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Noong Gumuho Ang Lahat

Noong Gumuho Ang Lahat

Anibersaryo ng kasal namin nang mag-post ang high school sweetheart ng asawa ko ng sonogram picture sa kanyang social media, na may caption na public thank-you sa asawa ko: [Salamat sa lalaking nandiyan para sa akin sa loob ng sampung taon, at sa pagbibigay sa akin ng anak.] Umikot ang kwarto, at namuo ang galit sa akin habang mabilis akong nagkomento: [So, proud ka sa pagiging homewrecker?] Halos kaagad, tumawag ang asawa ko, puno ng galit ang boses. "Paano mo nagawa na mag isip ng nakakasuklam na bagay? Ang ginawa ko lang ay tulungan siya sa IVF, natupad ang pangarap niyang maging single mom.” "At oo nga pala, kailangan lang ni Ruby ng isang subok para mabuntis, habang ikaw ay may tatlong round ng walang resulta. Walang kwenta ang katawan mo!" Tatlong araw lang ang nakalipas, sinabi niya sa akin na pupunta siya sa ibang bansa para sa negosyo—hindi pinapansin ang aking mga tawag at mensahe sa buong panahon. Akala ko busy lang siya. Gayunpaman, sa huli ay kasama niya pala si Ruby, dumadalo sa prenatal checkup nito. Makalipas ang kalahating oras, muling nag-post si Ruby, na ipinakita ang isang mesa na puno ng masasarap na pagkain. [Nagsawa ako sa French food, kaya ginawa ni Ash ang lahat ng paborito kong pagkain. The best talaga siya!] Napatitig ako sa pregnancy test sa kamay ko, ang saya na naramdaman ko kanina, ngayon ay tuluyan ng nawala. Matapos ang walong taong pag-ibig at anim na taon ng paglunok ng aking pride para lang manatiling buhay ang kasal, sa wakas ay handa na akong bumitaw.
Short Story · Romance
1.4K viewsCompleted
Read
Add to library
WAVES BENEATH THE SILENCE

WAVES BENEATH THE SILENCE

Tahimik. Mahiwaga. Perpekto sa paningin ng lahat. Si Celestine “Celle” Alvarado ay lumaki sa mundo ng kapangyarihan at kontrol. Pero isang gabi ang tuluyang gumulo sa kanyang buhay — isang gabi ng takot, pagtakas, at isang aksidenteng hindi niya kailanman malilimutan. Pagkalipas ng ilang taon, sa isang wild na party sa BGC, nakilala niya si Lorenzo “Renzo” Navarro — isang successful at guwapong businessman na may hawak ding mabigat na nakaraan. May galit siya sa dibdib, at isang misyon: hanapin ang taong muntik nang pumatay sa kanyang kapatid. Hindi nila alam, sa pagitan ng mapusok na halik at mainit na gabi, nakatali na pala ang mga puso nila sa isang trahedyang pinagtagpo sila noon pa man. Sa pagitan ng kasalanan at pagnanasa… Sa pagitan ng katotohanan at pag-ibig… Pipiliin ba nilang lumaban o tuluyang lamunin ng mga alon sa katahimikan?
Romance
522 viewsOngoing
Read
Add to library
LOVE GAME WITH THE COLD CEO

LOVE GAME WITH THE COLD CEO

Forbidden Flower
Minahal ko siya sa kabila nang malamig niyang trato sa akin, ngunit sa huli ay parang basura niya lang kung itapon ako sa pagbabalik ng kaniyang unang pag-ibig. Pero hindi ako papayag na mauwi sa wala ang mga araw na natitira sa akin. Hindi mo na ako maaangking muli, President Riego!
Romance
1.6K viewsOngoing
Read
Add to library
The Chosen One

The Chosen One

Sa paglipat nila sa lumang bahay, unti-unting naungkat ang madilim na nakaraan sa buhay ng pamilya Olivarez. Ang lahat ay nag-ugat sa poot, galit, at pighati ng pagtakas ng kanilang mommy Edna sa nakatakda niyang buhay. Isang sumpa na siyang tuluyang maipapasa sa kanyang anak na si Joelyn. Wala na nga ba talagang ligtas ang pamilya Olivarez mula sa kamay ng katakot-takot na nilalang na gumagambala sa kanila? Maghahari ba ang pagpapatawad at pagmamahal sa pamilya gayong ang kanilang kalaban isang demonyong hindi naman nila nakikita?
Paranormal
2.3K viewsOngoing
Read
Add to library
The Ceo's Blind Wife

The Ceo's Blind Wife

Dahil sa aksidente namatay ang kanyang ama, kasabay din noon ang pagkawala ng liwanag sa kanyang mga mata. Nabuhay siya sa dilim at sa pagmamaltrato ng kinilalang pamilya. Ngunit dahil sa hindi inaasahang pagkakataon nakilala niya ang isang lalaki na nagbigay liwanag sa madilim niyang mundo at bakod sa mapanakit na lipunan. Nanaisin pa ba niyang makakita o, mananatili na lamang siya sa kadiliman gayun ang lalaking natutunan niyang mahalin ay may tinatago pa lang sikreto sa kanyang nakaraan? Handa ba siyang palayain ang taong pinakamamahal para sa ikaliligaya nito kahit na ang kapalit noon ay ikawawasak niya.
Romance
1023.8K viewsCompleted
Read
Add to library
BOOK 2: Maid For You Too

BOOK 2: Maid For You Too

Si Anna Alejandra ay isang ulirang anak na walang ibang hiling kundi ang mai-angat sa laylayan ang pamilyang siya lang ang inaasahan. Isang probinsyanang nakipagsapalaran sa siyudad para tugunan ang pangangailangan ng mga kapatid. Namasukang kasambahay sa pamilyang Martinez, at nakilala ang isang binatang babago sa kapalaran nya, si Javier Martinez. Kontento na si Anna sa panakaw tingin nya sa binata noong una, ngunit habang tumatagal ay humihiling sya nang higit pa. Nangyari naman ito nang maging malapit sila sa isa't isa, at naging magkaibigan hanggang sa nagkagustuhan. Subalit sa halip na mauwi sa happily ever after, isang bangungot ang kaniyang naranasan.
Romance
101.6K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
2930313233
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status