Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Bought by the Devil

Bought by the Devil

Alexandra Wang
"Oh princess... love was never my religion but I'd devote my whole life to you." Lumaki si Amira na hindi man lang naranasan na makatanggap ng pagmamahal mula sa kanyang mga magulang. Palibhasa ay madalas nauutal at tahimik, mas pinapaburan ng kanyang mga magulang ang kanyang Ate Alysa, na maliban sa napakaganda ay napakatalentado pa. Kaya hindi na nagtaka ang dalaga nang sa halip na ang kanyang nakakatandang kapatid ay siya ang ipinagbili ng mga ito, upang masagip ang papaluging kompanya ng kanilang pamilya. At para siyang papanawan ng ulirat nang malaman niyang ipinagbili siya ng kanyang magulang kay Yasir Reza, ang pinakamayaman-at pinakawalang-puso-na lalaki sa buong siyudad. Alam niyang panganib ang hatid ni Yasir. Kung hindi kamalasan ay higit lang na pasakit ang kanyang matatanggap. Walang puso ang pagkakakilala ng mga tao sa lalaki, at halos lahat ng mga napapangasawa nito ay namamatay, kung hindi man nakikipaghiwalay sa bilyonaryo. Nakikinita na ni Amira ang kahihinatnan niya. Ngunit kahit na alam niya ang peligro na bitbit ng kanyang asawa, hindi niya masawata ang pintig ng kanyang puso nang sa unang gabi nila ay masuyo siya nitong hagkan... Si Yasir na ba ang anghel na magpaparanas sa kanya ng walang katumbas na pagmamahal, o ito ang demonyong magdudulot ng higit pang pait sa puso niya?
Romance
1.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Pregnant With My Husband's Uncle's Baby (SPG)

Pregnant With My Husband's Uncle's Baby (SPG)

Atty. Roxanne Gomez thought she had it all — a thriving career and a peaceful life ahead. Pero isang gabi, gumuho ang lahat. Pag-uwi niya mula sa panalo niyang kaso, natuklasan niyang may ibang minamahal ang asawa niya — isang matandang lalaki na matagal nang kaibigan ng pamilya nila. Doon niya nalaman ang matinding katotohanang ginamit lang siya ni Julian bilang panakip sa tunay niyang pagkatao. Sa gitna ng sakit at pagkadurog, pinili ni Roxanne na magpakalayo at magpakalunod sa alak. Ngunit pagmulat ng mata niya kinabukasan, natagpuan siya sa piling ng isang lalaking hindi niya inakala na magiging bahagi ng kanyang buhay — si Mateo Ramirez, ang tiyuhin ng asawa niya. Isang gabing puno ng luha at kalasingan ang nagbunga ng isang kasalanang hindi niya matatakasan. Parang gumuho ang mundo ni Roxanne nang malamang siya ay buntis. At ang ama ng dinadala niya ay ang mismong tiyuhin ng asawa niyang minsang sumira sa kanya. Habang sinusubukan niyang takasan ang nakaraan, unti-unti namang tumitibok ang puso niya para kay Mateo — ang lalaking hindi niya dapat minahal, ngunit hindi rin niya kayang talikuran. Ipaglalaban ba ni Roxanne ang bawal na pag-ibig, o susunod sa katahimikan at reputasyon ng lahat? Paano kung ang tanging kasalanan niya… ay ang magmahal ng maling tao sa tamang panahon?
Romance
10705 viewsOngoing
Read
Add to library
Empire of Desire R+

Empire of Desire R+

[Synopsis] Ryella was the lawyer who swore she would never cross the line. Vladimir was the billionaire mafia king who lived by breaking every law. Nang mapilitan ang ambisyosong abogada na si Ryella Cruz na ipagtanggol ang pinakamapanganib na tao sa lungsod, umaasa siyang isang matinding labanan lamang sa loob ng courtroom ang kanyang haharapin. Ngunit ang hindi niya inaasahan ay ang labanan sa kanyang kalooban—ang pang-akit ng kapangyarihan ni Vladimir, ang pagtuto ng kanyang pagdampi, at ang tukso ng isang mundo na isinumpa niyang hindi niya kailanman papasukin. Si Vladimir Valente ay walang awa, hindi mapipigilan, at lubos na na-obses. Para sa kanya, si Ryella ay higit pa sa kanyang depensa—siya ang kanyang premyo, ang kanyang obsesyon, ang kanyang ipinagbabawal na reyna. Ang bawat sulyap, bawat pabulong na pangako, at bawat mapanganib na halik ay naghila sa kanya nang mas malalim sa imperyo ng pagnanais ni Vladimir. Ngunit sa isang mundong binuo sa dugo at pagtataksil, ang pag-ibig ang pinakamapanganib na krimen sa lahat. Kailangang magpasya ni Ryella: ipaglalaban ba niya ang hustisya, o susuko sa lalaking kayang sirain ang kanyang karera, ang kanyang moralidad, at ang kanyang puso? Isang kontrata. Isang paglilitis. Isang obsesyon na maaaring sumunog sa kanilang dalawa. Maligayang pagdating sa Imperyo ng Pagnanais—kung saan ang passion ay isang sandata, at ang pagsuko ay ang sukdulang kasalanan.
Romance
37 viewsOngoing
Read
Add to library
Six Months Agreement with Mr. Arrogant

Six Months Agreement with Mr. Arrogant

Marya_makata
Hindi madali ang lumaki sa anino na iniwan ng ibang tao, higit kanino man si Vanna ang nakakaalam ng mga bagay na iyan sapagkat simula pagkabata ay nakasunod lamang siya sa yapak ng nakatatandang kapatid at sa lahat nang utos ng kanyang ina. Kaya naman nang makilala niya si Atticus, inakala niyang ito na ang lalaking para sa kanya. Makalipas ang tatlong taon ay pumayag siyang magpakasal dito ayon na din sa kagustuhan ng kanyang mga magulang. Ilang araw bago ang dapat sana ay kasal nila, nahuli niya itong nagloloko. At ang masakit, sariling kapatid niya ang nakapatong dito. Dala nang pinaghalo-halong emosyon at tama ng alak na basta na lamang nilaklak, siya ay nagising sa isang hindi pamilyar na kama. Tandang-tanda niya ang gabing pinagsaluhan nila ng estraherong iyon at matutuwa na sana siya ngunit nang alukin ng pera kapalit ng paggamit sa kanyang katawan ay nagalit siya dito. Nilayasan niya ang walang hiya at sa hindi inaasahang pagkakataon ay muling nagkrus ang kanilang mga landas, sa pagkakataong iyon wala na siyang kawala. Kailangan siya nito para magpanggap na asawa hanggang makuha ang mana at kailangan niya ito para magkapera. The timid yet sweet woman with a painful past and an arrogant business tycoon with a heartbreaker for a middle name. How long lust would last?
Romance
714.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Love Under The Summer

Love Under The Summer

marupoknakyut16
She is Shanaya Yssey Sarmiento or Aya for her nickname. She is a Nurse in Cebu Doctors Universities Hospital. Isa siyang palaban at malakas na babae sa kanilang lugar at binabansagan ito Avah Maldita dahil sa kamalditahan at katarayan nito ngunit sa mga close nito sa buhay ay totoo siya ngunit may isang tao na nagpapagulo sa kaniyang puso't isipan si Marcus. Marcus Dylan Agustin is a Doctor of St. Agustin General Hospital kung saan siya ang namamahala. Broken Hearted ito dahil mas pinili ng Girlfriend nito na sumama sa kaniyang pinsan na si Warren. Halos lahat ng atensyon niya ay nasa trabaho ngunit pinapupunta siya ng kanyang parents sa Cebu kung saan ang lupain ng kanyang abuela at kung saan nakatira ang kanyang Nanny noong bata pa lamang siya. Makilala niya si Aya ang anak ni Aling Crusing ngunit sa umpisa ay halos kung magaway sila ay aso't pusa at sa pagiging maldita ni Aya. Ngunit dumating sa punto na mahuhulog ang loob ni Aya kay Marcus dahil sa magandang ipinapakita niya sa kanya pero susubukan ng isang pagsubok ang nararamdaman ni Aya dahil sa kailangan ng bumalik ni Marcus sa Maynila at paalis papuntang Amerika upang pamahalaan ang hospital nila roon pagkatapos ng summer break. Will continue to love him if the summer break is over?
Romance
1.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Ace and Diamond

Ace and Diamond

Pennieee
"Aakitin ko ang hot bodyguard ko!" Pagkatapos ng dalawang buwan nang maging CEO si Savannah ng Williamson’s Company ay may nangyari na kaagad na trahedya. Isang sunog ang naganap sa palapag kung nasaan mismo ang opisina niya. Pero hindi niya kayang lumabas upang iligtas ang sarili! may takot siya sa maraming tao! ngunit hindi rin siya maaaring manatili sa loob dahil tiyak na mamamatay naman siya sa sunog! Takip-takip niya ang kaniyang ilong at bibig habang unti-unti nang napupuno ng usok ang buong opisina niya. Thinking about what she will going to do Savannah felt a strong pair of hands held her shoulder and before she could say a word the person put a wet blanket on her and guided her to the exit. "Careful." Rinig niya ang baritonong boses nito! When they left the building she saw her savior. Napalunok siya, the man is tall. He has light brown skin, dark eyes, thick eyebrows and his eyelashes are long! She doesn’t want to mention his lips but she can’t help because it was luscious! Okay, she’s checking on him, but no, indeed, the man is good looking! Nakuha kaagad nito ang atensyon niya! He introduced himself as Ace. Her personal bodyguard. Pero hindi sukat akalain ni Savannah na guguluhin ng kaniyang guwapong bodyguard ang isip niya lalo sa gabi! She's having dreams with him in her bed. Her screaming his codename in pleasure, them doing nasty things!
Romance
9.410.3K viewsOngoing
Read
Add to library
My Billionaire Bodyguard

My Billionaire Bodyguard

"Ang bodyguard ko pala ay isang Bilyonaryo!" Si Pristine Felize Vera Esperanza ay nag-iisang anak ni Pierre Vera Esperanza, isang bilyonaryo na kilalang-kilala sa larangan ng negosyo. Maraming tao ang nag-aakala na namumuhay siya tulad ng isang prinsesa, na mabait sa kaniya ang lahat at minamahal siya, ngunit ang katotohanan ay kabaligtaran nito. Her grandfather despises her when her parents suffered from car accident. Dahil doon ay matagal ang naging gamutan ng kaniyang ama na nagsanhi ng pagkalugi ng kanilang negosyo. Pristine has suffered from trauma because her mother died in that car accident and she was only five years old back then. Living in sadness, her life takes a turn when her father introduces Elijah Clementine Marasigan, her handsome bodyguard. He gave her a bodyguard because at the age of eighteen, she almost got herself killed. As the only child, and the successor, her father was terrified that something bad might happen to her. Indeed, something did happen, but for Pristine, it wasn't bad at all—she fell in love with Elijah. However, despite their mutual feelings, they cannot be together. Nais kasi ng kanyang lolo na ipakasal siya sa apo ng kaibigan nito. Isang mayamang lalaki at bilyonaryo na katulad ng kanilang pamilya, at hindi lamang isang bodyguard. Ano ang pipiliin ni Pristine? Susundin ba niya ang kagustuhan ng kanyang lolo o tatakas siya upang makasama ang kanyang minamahal?
Romance
1059.1K viewsCompleted
Read
Add to library
The Substitute Bride of The Billionaire

The Substitute Bride of The Billionaire

Nangangailangan si Sapphire ng malaking halaga upang maoperahan sa puso ang kanyang ina kaya tinanggap niya ang alok ng kanyang ama, ang maging substitute bride. Ayaw kasi ng half-sister niyang si Fiona na magpakasal sa isang bilyonaryo na lumpo na nga, bulag pa at masama pa daw ang ugali. Aanhin daw ni Fiona ang pagiging bilyonaryo nito kung hindi niya ito maipagmamalaki sa kanyang mga kaibigan. Ngunit dahil nga pabagsak na rin ang kumpanya ng kanilang ama ay kailangan isa sa kanila ay magpakasal dito. Napatunayan nga ni Sapphire na masungit si Kaiden sa ilang linggong pananatili sa bahay nito. Pero inintindi na lang iyon ni Sapphire dahil sa kalagayan nito. Noong una nga ay nagalit pa ito dahil alam ni Kaiden na hindi siya ang dapat niyang papakasalan. Pinagbintangan pa siya ni Kaiden na pera lang at apelyido ang habol nito sa kanyang pamilya. Pero hindi sumuko si Sapphire hanggang sa unti-unti niya nakilala si Kaiden, napagtanto niyang isa itong mabuting tao at asawa sa kanya. Ngunit dito naman dadating ang iba't ibang pagsubok na susubok sa kanilang pagiging mag-asawa. Mga lihim na akala nila ay maibabaon na nila sa lupa. Malalampasan kaya nina Sapphire at Kaiden ang mga ito? O tuluyan na magkakaroon ng lamat ang kanilang pagsasama na hahantong sa pagkawasak nito.
Romance
10550 viewsOngoing
Read
Add to library
The Unbothered CEO Falls In Love

The Unbothered CEO Falls In Love

Para gumaling ang sakit ng kapatid, ibinigay niya ang sarili sa isang kakaibang lalaki. Makalipas ang isang taon, sa isang party kasama ang mga kaibigan ng kanyang bagong boyfriend, idiniin siya ng lalaki sa dingding ng banyo. Ikinawit niya ang gilid ng pantalon nito gamit ang mga daliri, "Sa kama niyan noong isang taon, 68 beses mong tinawag ang pangalan ko." Ang ilan ay nasa hindi matiis na sakit, at ang ilan ay galit na galit na humihingi ng awa. "Maling tao ang nakilala mo, hindi pa kita nakikita." Si Isabella ay tumakas sa gulat at bumalik sa kahon, ngunit hinila siya ng kanyang kasintahan sa lalaki, "Ang uri ng gamot na makapagliligtas sa iyong kapatid ay magagamit lamang ni Master Nicklaus." Ibinaba niya ang kanyang postura at malungkot na nakiusap: "Master, please." Ipinasok ni Nicklaus ang sigarilyo sa kanyang bibig, kinagat ang dulo gamit ang kanyang mga ngipin, na may malamig na mukha at isang malamig na puso, ngunit ang kanyang mga mata ay sumalo sa kanya at hinila siya pabalik sa kabaliwan ng gabing iyon. Ang abo ay pumasok sa kanyang nakalaylay na kwelyo, at si Isabella ay nanginginig sa init, ngunit hinawakan ni Nicklaus ang kanyang kamay at hinila siya palapit. "Marami akong gamot, ano gusto mong palitan?"
Romance
101.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Deceiving the Heir

Deceiving the Heir

naiad
Growing up poor, Francesca Ynes Gomez really knows the importance of hard work and perseverance. Lumaki siya sa paniniwala na lahat ng minimithi niya sa buhay ay makukuha niya basta’y magsipag lamang siya at magtiyaga. Ngunit binalewala niya ang prinsipyong ito ng tanggapin niya ang alok na magpanggap bilang ibang tao, bilang fiancee ng isang playboy. Upang magawa ang misyong iyon ay kailangan niyang pakisamahan sa iisang bubong si Damon Dela Rue, ang eredero ng isa sa pinakamayamang angkan sa bansa. Ang magarbong mansiyon nito ang magiging entablado niya sa mga pagpapanggap at mga kasinungalingang pikit mata niyang isasagawa. Magtagumpay kaya siya? Sapat na kayang dahilan ang kayabangan at pagiging babaero ni Damon upang maprotektahan niya ang kaniyang puso mula rito? Subalit ano ang gagawin niya kung mahulog siya sa lalaking mapapangasawa ng babaeng pinagpapanggapan mo bilang ikaw? Kaya mo bang isuko ang lahat kahit kapalit naman nito ang kapakanan ng iyong mga mahal sa buhay? Ng dahil sa bunga ng kanilang pagmamahalan ay mapipilitan si Francesca na balikan ang mga taong matagal niya ng binaon sa nakaraan. Sa muli niyang pakikipagsapalaran ay may matutuklasan siyang magdudugtong sa kaniya sa mga taong kaniyang kinamumuhian. Handa na ba ang puso niyang magpatawad at...muling balikan ang lalaking minamahal?
Romance
2.1K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3435363738
...
44
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status