Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Seducing My Scumbag Ex's Hot Father (SPG)

Seducing My Scumbag Ex's Hot Father (SPG)

Matinding galit ang naramdaman ni Detective Marga Castro nang mahuli ang sariling ina na may relasyon sa boyfriend niyang si Dominic Mendoza. Para sa kanya, iyon ang pinakamalaking kataksilan na hindi niya kailanman mapapatawad. Sa isang iglap, gumuho ang mundo niya—ang ina niyang pinagkatiwalaan at ang lalaking minahal niya, parehong nagtraydor sa kanya. Umalis siya sa bahay nang walang direksyon, puno ng poot at hinanakit, hanggang sa isang aksidenteng kinasangkutan niya ang nagbago ng lahat. Nasagasaan siya ng isang lalaking kalaunan ay malalaman niyang si Dr. Oliver Mendoza—ang ama ng ex niya. Isang sikat ngunit kilalang malupit na surgeon. Habang nagpapagaling sa bahay ng doktor, naisip ni Marga ang isang mapanganib na plano. Gagantihan niya si Dominic sa pinakamasakit na paraan—sa pamamagitan ng pag-akit sa sariling ama nito. Alam niyang delikado, alam niyang mali, pero sa isip niya, ito ang hustisyang karapat-dapat sa kaniya. Ngunit habang isinasagawa niya ang plano, natuklasan ni Marga ang panig ni Dr. Mendoza na hindi niya inaasahan. Sa likod ng malamig na anyo at mapait na nakaraan, nakita niya ang isang lalaking marunong magmahal at marunong umintindi—isang lalaking unti-unti niyang minahal sa kabila ng lahat ng kasinungalingan. Paghihiganti ang plano, pag-ibig ang naging kapalit. Ipagpatuloy ba ni Marga ang paghihiganti o ipaglalaban ang pag-ibig na hindi kailanman dapat umusbong? Dahil kapag lumabas ang katotohanan, hindi lang puso niya ang mawawasak—pati ang tanging taong natutunan niyang mahalin.
Romance
1010.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Love Me, Mr. CEO

Love Me, Mr. CEO

Ms. Morimien
Malaki ang kapasidad ni Laura pagdating sa negosyo kung kaya’t paborito siya ng kanyang Lola at inaasahang magiging hahalili rito sa pamamahala ng kompanya. Subalit ang taglay na galing ni Laura ay ang nagbigay sa kanya ng mga sekretong kaaway na hihila sa kanya pababa. Sa isang iglap ay nawala ang lahat sa kanya nang i-set up siya ng pinsan at tiyahin. Nangyari ang isang gabing pagkakamali na siyang bumago sa buhay ni Laura ng tuluyan. Subalit marahil ay likas siyang pinagpala dahil nagbunga ng kambal ang pagkakamaling iyon. Iyon ang naging dahilan ni Laura para bumangon muli. Matapos ang limang taong pagpapakahirap niya sa ibang bansa ay bumalik siya sa Pilipinas para ipamukha sa pamilyang tumaboy sa kanya na hindi nagtagumpay ang mga ito sa pagpapabagsak sa kanya. “Mommy!” Pumihit sa direksyon ni Michael si Laura at sinalubong ng mahigpit na yakap ang anak. “Where have you been?” Nakasimangot na tanong ng bata. Akmang magsasalita si Laura ngunit natigilan siya ng lumitaw mula sa likuran ng bata ang pamilyar na lalaki. Ganoon na lamang ang pag-awang ng kanyang labi habang nakatitig sa kanya ang lalaki. “So, he’s your son?” Tanong nito dahilan para awtomatikong mapraning si Laura. “Mommy! This guy said he is my Daddy! Is that true, Mommy?!” Ngumisi ang magagandang uri ng labi ng lalaki. He’s assumptions are right. He’s biggest competitor in the world of business, Laura De Silva Goldsmith is the woman he’d been looking for five long years. And now that he caught her with his twins — he won’t let her go again. Suddenly, her plan to revenge was melted by his love. And Laura found herself saying… “Love Me, Mr. CEO.” But the question is, will there be a happy ending for them?
Romance
10899 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
One Sinful Night With My Possessive Uncle (SSPG)

One Sinful Night With My Possessive Uncle (SSPG)

One Sinful Night With My Possessive Uncle (SSPG) “One sinful night was all it took to ruin us. This love is forbidden. But tell me, Kiara… if loving you is wrong, why does it feel so right?” *** Akala ni Atty. Kiara Montero ay hawak niya ang lahat sa kaniyang buhay—ang karera, reputasyon, at relasyon sa fiancé na pinili niya para sa sariling kaligayahan. Ngunit isang gabi, nahuli niya ang fiancé na nakikipaghalikan sa kaniyang stepsister, si Kara. Sa isang iglap, muntik nang mabuwag ang kaniyang mundo. Pinili niyang umiwas, ngunit sa halip na makahanap ng katahimikan, natagpuan niya ang sarili sa isang bar, nagpakalasing upang pansamantalang takasan ang sakit. Ngunit sa sobrang kalasingan at pagkalito, nagising si Kiara kinabukasan sa bisig ni Chase Montefalco—ang kaniyang tiyuhin, adopted brother ng kaniyang ina, at isang lalaking kilala sa malamig at makapangyarihang presensya bilang CEO ng Montefalco Group. Isang gabing puno ng kasalanan at lihim na hindi dapat mangyari at pareho nilang pinipilit kalimutan. Nang matuklasan ni Kiara na siya ay buntis, alam niyang isang eskandalo ang naghihintay—isang lihim na kayang sumira hindi lamang sa kaniyang reputasyon kundi pati sa pamilya at imperyo ni Chase. Ngunit sa kabila ng takot, hiya, at galit, hindi niya kayang lumayo sa lalaking minsang nagbigay sa kaniya ng init at pang-unawa sa isang gabing mali ngunit hindi niya malilimutan. Para kay Chase, ang bata ay hindi lamang bunga ng kasalanan kundi dahilan upang ipaglaban si Kiara, kahit pa ang mundo ay laban sa kanila. Nagpasya siyang pakasalan siya ng lihim upang maprotektahan ang kanilang anak. Pero sa huli, posible nga bang ang isang gabing puno ng kasalanan ang magdala ng pag-ibig na hindi kayang sirain ng mundo?
Romance
1078 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
My Ruthless Mafia Husband

My Ruthless Mafia Husband

Warning: R-18. Read at your own risk. Debbie Mae Layson, ang babaeng naghahangad na mapansin at makita ng lalaking pinagpantasyahan niya sa magazine; si Emmanuel Montefalco. Ngunit sa hindi inaasahan, dahil sa dare ng kanyang kaibigan na akitin ang binata, sa isang iglap paggising niya, itinakda na siyang magpakasal sa lalaking kinahumalingan niya nang maabutan sila ng ama ni Emmanuel na hubo't hubad sa ibabaw ng kama. Emmanuel's father forced him to marry her because for him, it is such a embarrassment to the clan of Montefalco to fuck a girl without marrying her. Kaya wala siyang nagawa, natatakot din na mangatwiran dahil isang David Montefalco ang kanyang kaharap. Akala niya maging masaya siya kapag ikinasal siya sa taong gusto niya, ngunit isa palang impeyerno ang buhay niya sa kamay ng asawa. Walang araw na hindi niya ito sinasaktan, physical, emotional. At lahat ng iyon binalewala niya dahil may kasalanan rin siya... At mahal niya ang kanyang asawa. What would you choose, love or revenge? Emmanuel Montefalco, a CEO, a Multi Millionaire, and also known as a ruthless mafia. Pumasok sa isang organisasyon upang hanapin ang taong nagtangka na patayin ang kanilang pamilya at walang iba kundi ang ama ng kanyang napangasawa. He is known as a feared, ruthless and cold hearted person. Kahit si kamatayan hindi niya kinakatakutan. Pero nang dumating sa buhay niya ang kanyang asawa, bawat oras, bawat sigundo, takot na takot siya dahil baka isang araw mawala sa piling niya ang asawa dahil sa kawalanghiyaan na ginawa niya dito. Magtagumpay kaya siya sa plano niyang paghihiganti? Makuha kaya niya ang hustisya na kanyang ninanais o, mahulog sa sariling patibong at sumuko nalang dahil sa pag-ibig?
Romance
1020.4K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
A Contract Marriage with My Ex-Husband’s Ruthless Brother

A Contract Marriage with My Ex-Husband’s Ruthless Brother

Limang taon nang asawa si Dr. Vera Almonte ni Riley Garcia, ngunit sa buong panahon ng kanilang pagsasama, palagi siyang pangalawa. Sa bawat gabi at sa bawat katahimikan ng kanilang bahay, malinaw na may isang babaeng hindi niya kailanman kayang palitan—ang unang babaeng minahal ng kaniyang asawa, si Carla Mendoza. Sa mismong kaarawan ni Vera, nalaman niyang siya’y buntis. Inakala niyang iyon na ang magiging dahilan para sa wakas ay piliin siya ni Riley. Ngunit bago pa man niya maibahagi ang balita, isang mas masakit na katotohanan ang dumurog sa kaniya—buntis din si Carla, at iisa ang ama ng mga batang iyon. Doon niya napagtanto na kailanman ay hindi siya naging tunay na asawa, kundi isang pansamantalang kapalit lamang. Pinili ni Vera ang paglayo. Nag-file siya ng annulment at ipinadala iyon kay Riley, upang hindi na siya maging sagabal sa pagmamahalan ng dalawa. Nilihim niya ang sariling pagbubuntis upang protektahan ang sarili at ang anak na pilit niyang ipinaglaban. Ngunit hindi lahat ng lihim ay nananatiling ligtas. Sa takot na maagaw si Riley, sinira ni Carla ang tanging bagay na natitira kay Vera. Sinagasaan siya nito, at sa isang iglap, nawala ang batang nasa kaniyang sinapupunan. Nang magising si Vera sa loob ng ospital, isang lalaking hindi niya inaasahan ang nadatnan niyang nagbabantay sa kaniya—si Rico Garcia. Ang nakatatandang kapatid ni Riley. Isang makapangyarihan at walang-awang CEO na sanay kumuha ng gusto niya, at ngayon, ginamit niya ang kapangyarihan niya upang protektahan si Vera. Isang kontratang kasal ang inalok ni Rico. Kapalit ng proteksyon, si Vera ay magiging kanya—sa pangalan, sa buhay, at sa mundong hindi na niya maaaring talikuran. Ngunit sa isang kasal na itinayo sa galit at paghihiganti, hanggang saan hahantong ang lahat kapag minahal ka ng lalaking handang wasakin ang sarili niyang kapatid para sa ‘yo?
Romance
10321 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Deception : Revenge Of The Unwanted Lover

The Deception : Revenge Of The Unwanted Lover

Sa isang pustahan ng mag inang Ellicia Guevara at Ellara Guevara nagsimula ang lahat. Hinamon ni Ellara ang kanyang ina sa isang pustahan, alang-alang sa panandaliang kalayaan na mahalin at paibigin si Gabriel Zerosa. Pumayag naman ang Ginang sa gusto ng dalaga ngunit kaakibat noon ang ilang rules. That once she lose the bet, babalik siya sa kanila at paninindigan ang pagiging tagapagmana. Sinimulan ni Ellara ang planong paglapit kay Gabriel kasabay ng pagtalikod sa kanyang tunay nakatauhan. From a rich, popular and happy go lucky girl. Nag-transform si Ellara bilang masunurin at mabait na babae sa paningin ni Gabriel. Nagawa ni Ellara na hindi lang basta makalapit sa lalaki kundi manatili na rin sa piling nito. Wherever Gabriel goes, Ellars is always beside her. Kahit na magmukhang desperada Ellara never leave his side. On Gabriel’s birthday, Ellara knew na talo na siya. To make things seems right. She acted the way she used to be. Pero may mga taong matalim ang dila lalo na sa ikakasira at ikakasakit ng damdamin ng iba. Nagkaroon ng pagkukumpara ang iba hanggang sa nadawit na ang pangalan ni Ellara kaya nararamdaman ng babae na dapat niyang ibangon ang kanyang dignidad. “Minsan na akong na talo. I won’t allow you again to defeat me.” Out of nowhere, as a random but smooth revenge in-announce ni Ellara na engage na siya sa anak ng isa sa pinakamayamang angkan sa italya na walang iba kundi si Hector Lombardi na isa sa guest of honor ng event. Agad umahon ang mga haka-haka, walang sino man ang nakakita sa binatang binanggit ni Ellara. Dahil ilang ulit man itong imbatahan wala itong pinaunlakan. Ngunit sa isang iglap dumating ang lalaki claiming Ellara as his fiancee. Nagbago lahat sa paligid kahit si Gabriel ay hindi makapaniwala.
Romance
10330 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
A Stepbrother's Burning Desire

A Stepbrother's Burning Desire

Si Xyza Gabrielle Ignacio, dalawampu 't tatlong taong gulang, ay nag-iisang anak ng isa sa pinakamayayamang pamilya sa mundo ng negosyo. Dahil dito, lumaki siyang spoiled at sanay na nakukuha ang lahat ng gusto. Mas inuna pa niya ang barkada, gala at luho. Ang pag-aaral? Palaging nasa huli sa kanyang listahan. Ngunit nagbago ang lahat nang mamatay ang kanyang ama sa isang aksidente. Dahil sa depresyon, ay napabayaan ng kanyang ina ang kanilang negosyo hanggang sa tuluyang malugi at magsara. Kaya sa isang iglap ay bigla na lamang nawala ang marangyang buhay na kinasanayan niya. At sa isang desisyong hindi inaasahan, muling nagpakasal ang kanyang ina, isang bagay na labis niyang tinutulan. Mas lalo pang gumulo ang lahat nang napag-alamang sa bahay ng bagong asawa nito sila titira. Doon niya nakilala si Flint Atlas Martinez, ang "bagong kapatid" niya sa papel. Tatlumpung taong gulang, strikto, may kayabangan, pero hindi maikakailang mapang-akit. Isa itong CEO ng matagumpay na engineering firm na siyang pagmamay-ari ng pamilya nito. Araw-araw silang nagbabangayan. Hindi sila magkasundo sa kahit maliit na bagay. Si Xyza, palaban at maarte. Si Flint, mayabang at sobrang higpit sa kanya sa hindi malamang dahilan. Pero paano kung sa likod ng kanilang mga pagtatalo, unti-unting umusbong ang isang bawal na damdamin? Bawal na damdamin sa mata ng ibang tao, dahil sa papel ay magkapatid sila. Ngunit, kung kailan unti-unti na nilang nauunawaan ang tunay nilang nararamdaman para sa isa 't isa, saka naman nagsilabasan ang mga hadlang. Una na roon ang ina ni Xyza, dahil naniniwala itong isa na silang pamilya. At ang masaklap pa, umeksena pa ang dating kasintahan ni Flint, isang babaeng handang gawin ang lahat upang maagaw muli ang lalaking minamahal niya. Hanggang saan nila kayang ipaglaban ang kanilang mga damdamin sa dami ng mga humahadlang sa kanilang pag-iibigan?
Romance
1015.4K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
456789
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status